settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ibig sabihin ng maging lalaki ng Diyos?

Sagot


Ang salitang "lalaki ng Diyos" ay ang paglalarawan sa isang taong sumusunod sa Diyos sa lahat ng Kanyang lakad at sinusunod ang Kanyang mga utos ng may kagalakan, isang taong hindi nabubuhay para sa mga bagay sa buhay na ito kundi para sa mga bagay na pang walang hanggan, na kusang naglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng bukas na pagkakaloob ng lahat ng mga bagay na kanyang tinatangkilik, at may kagalakang tinatanggap ang lahat ng mga dumarating na pagsubok dahil sa kanyang pananampalataya. Maaaring ang Mikas 6:8 ang eksaktong naglalarawan sa isang lalaki ng Diyos: "Itinuro na niya sa iyo, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod ka sa iyong Diyos."

Ang lalaki ng Diyos ay hindi nanloloko sa kanyang pinagtatrabahuhan sa pamamagitan ng pagpasok ng huli o hindi paggawa ng mga gawain sa oras ng pagtatrabaho; hindi siya naninirang puri o gumagawa ng tsismis; pinapanatili niyang malinis ang kanyang isip at puso sa pamamagitan ng pagbabantay sa kanyang nakikita at naririnig sa maruming mundong ito. Kung wala siyang asawa, nananatili siyang malinis at magaasawa lamang ng isang babaeng Kristiyano (2 Corinto 6:14). Kung may asawa na siya, kanyang iibigin, pararangalan at pahahalagahan ang kanyang asawa sa pagiging pangulo ng tahanan (Efeso 5:22-24, 33). Hindi niya tinatanggap ang mga makamundong pagpapahalaga sa halip, ginagawa niyang batayan ang Bibliya sa kung ano ang mabuti at tama. Tinatrato niya ng may kabutihan ang mga kapus-palad at ang mga itinatakwil ng lipunan, ang mga taong bigo at nagiisa; at tagapakinig siya ng mga taong may problema at hindi siya nanghuhusga ng kapwa tao.

Higit sa lahat, nauunawaan ng isang lalaki ng Diyos na kung inuutusan tayo ng Panginoon na "maging ganap kayo, gaya ng inyong Ama na nasa langit" (Mateo 5:48), alam niya na kaya lamang niyang ganapin ang utos na ito na maging "banal at walang kapintasan sa paningin ng Diyos (Efeso 1:4) sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan at ng nananahang Espiritu. Sa ating sariling kakayahan, hindi natin kayang maging banal at ganap, kundi sa pamamagitan lamang ni Kristo na nagpapalakas sa atin, "magagawa natin ang lahat ng bagay" (Filipos 4:13). Nalalaman ng isang lalaki ng Diyos na ang kanyang bagong pagkatao ay ang katuwiran ni Kristo na siyang kapalit ng kanyang makasalanang kalikasan doon sa krus (2 Corinto 5:17; Filipos 3:9). Ang resulta ay ang mapagpakumbabang paglakad kasama ng Diyos, na nalalaman na dapat siyang magtiwala sa kakayahang bigay ng Diyos upang makapmuhay ng isang buhay na ganap at kasiya siya at nagpapatuloy hanggang wakas.

Ito ang simpleng gawaing panrelihiyon ng isang lalaki ng Diyos: "Ang pagiging relihiyoso na dalisay at walang dungis sa harap ng ating Diyos at Ama ay ang pagtulong sa mga ulila at sa mga biyuda sa kanilang kahirapan, at pag-iingat sa sarili upang huwag mahawa sa kasamaan ng mundong ito" (Santiago 1:27). Maaaring malaman natin ang lahat ng doktrina ng Bibliya, maaaring maunawaan natin ang lahat ng terminolohiya sa teolohiya, maaaring kaya natin na isalin ang Bibliya mula sa orihinal na Griyego at iba pa, ngunit ang prinsipyo ng Mikas 6:8 ay ang prinsipyo na dapat sundin ng isang lalaki ng Diyos: Maging makatarungan sa lahat ng bagay, mahalin ang kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod sa Diyos.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang ibig sabihin ng maging lalaki ng Diyos?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries