settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ibig sabihin ng mga salitang "isa lamang ang asawa" sa 1 Timoteo 3:2? Maaari ba na maging isang pastor, matanda sa iglesia o isang diakono ang isang taong diborsyado?

Sagot


May tatlong posibleng interpretasyon ang salitang "isa lamang ang asawa sa 1 Timoteo 3:2. 1) Maaaring simpleng sinasabi ng talata na ang isang taong maraming asawa ay hindi kwalipikado upang maging matanda sa iglesia, diyakono o pastor. Ito ang pinaka literal na paliwanag sa talatang ito ngunit malayong ito ang kahulugan ng salitang ito ni Pablo dahil ang mga ganitong sitwasyon ay napakabihira ng panahong iyon. 2) Ang mga salitang ito ay maaaring isalin na "lalaking tapat sa asawa.”Ipinapakita nito na ang isang obispo ay dapat na tapat sa kanyang asawa. Ang interpretasyong ito ay nakatuon sa kalinisang moral kaysa sa kalagayan bilang may asawa. 3) Ang mga salitang ito ay maaaring unawain na upang maging isang pastor, diyakono o matanda sa iglesia, ang isang lalaki ay dapat na nagkaasawa lamang ng minsan at hindi isang balo na nagasawa muli sa ikalawang pagkakataon.

Ang interpretasyong 2 at 3 ang laging ginagamit na paliwanag sa panahong ito. Ang ikalawang interpretasyon ang pinakamalakas dahil sinasang-ayunan sa Bibliya ang diborsyo para sa mga tanging kadahilanan (Mateo 19:9; 1 Corinto 7:12-16). Mahalaga din na ikunsidera ang pagkakaiba sa pagitan ng isang diborsyadong lalaki na nagasawang muli bago siya naging isang Kristiyano at sa isang lalaking nakipagdiborsyo at pagkatapos ay nagasawang muli pagkatapos na siya ay maging isang Kristiyano. Hindi dapat hadlangan ang isang tao sa pagsali sa pamunuan ng iglesia dahil sa kanyang mga ginawa sa nakaraan bago siya nakakilala sa Panginoong Hesu Kristo bilang kanyang Tagapagligtas. Kahit na hindi ini itsa-pwera ng 1 Timoteo 3:2 ang isang diborsyado sa paglilingkod bilang pastor/diyakono o matanda sa iglesia, marami pang mga bagay ang dapat isa alang-alang.

Ang unang kwalipikasyon para sa isang pastor/diyakono/matanda sa iglesia ay ang pagiging "walang kapintasan.” Kung ang diborsyo o pag-aasawang muli ay nagiging dahilan ng masamang patotoo sa iglesia o sa komunidad, ang "pagiging may kapintasan" ang magdidis-kwalipika sa isang lalaki na maging lider ng iglesia sa halip na ang pagkakaroon ng "isa lamang asawa.” Upang igalang ng iglesia at ng mga tao sa komunidad ang isang matanda sa iglesia, pastor o diyakono man, siya ay nararapat na namumuhay gaya ni Kristo at may makadiyos na paraan ng pamamahala. Kung ang kanyang pagiging diborsyado ay makakaapekto sa kanyang imahe, maaaring hindi na nga siya dapat maglingkod bilang isang pastor/diyakono o matanda sa iglesia. Mahalagang tandaan na hindi dahil hindi na maaaring maging isang pastor/ diyakono o matanda sa iglesia ang isang tao, ay hindi na rin siya maaaring maging kagamit gamit na miyembro sa katawan ni Kristo. Ang bawat Kristiyano ay nagtataglay ng kaloob ng Espiritu (1 Corinto 12:7) at tinawag upang makibahagi sa pagpapatibay sa ibang mananampalataya sa pamamagitan ng mga kaloob na iyon (1 Corinto 12:7). Ang isang tao na hindi na maaaring maging isang pastor/diyakono o matanda sa iglesia ay maaari pa ring magturo, maglingkod, sumamba, manalangin at gumanap ng mahahalagang tungkulin sa iglesia.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang ibig sabihin ng mga salitang "isa lamang ang asawa" sa 1 Timoteo 3:2? Maaari ba na maging isang pastor, matanda sa iglesia o isang diakono ang isang taong diborsyado?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries