settings icon
share icon
Tanong

Paano ko malalabanan ang udyok aking barkada / kaibigan?

Sagot


Bakit tayo nauudyukan ng ating mga kabarkada at kaibigan? Malinaw na sinasabi sa atin ng Bibliya na hindi natin dapat asahan na ang ating buhay ay magiging gaya ng buhay ng ibang tao (mga hindi mananampalataya) sa mundong ito. Bilang mga Kristiyano, tayo ay mga dayuhan at manlalakbay lamang dito sa mundo (1 Pedro 2:11) at ang mundong ito ay hindi natin tunay na tahanan. Kung paanong tinanggihan si Jesu Cristo—at patuloy na tinatanggihan ngayon—ng napakaraming nagnanais na mabuhay ayon sa kanilang sariling hindi makadiyos na pamamaraan, makakatagpo din tayo ng parehong mga tao na hahamakin tayo dahil sa ating pananampalataya.

Sa unang kabanata ng 1 Tesalonica, tinalakay ni Pablo kung paano tayo makikilala bilang mga Kristiyano. Ang isa sa mga punto na kanyang binibigyang-diin (tingnan ang 1 Tesalonica 1:6) ay ang katotohanan na dapat tayong magalak sa kabila ng mga pagdurusa. Dapat nating asahan na makakaranas tayo ng mga pagsubok at mga paguusig bilang mga Kristiyano ngunit dapat tayong maaliw ng katotohanan na ang Diyos pa rin ang may kontrol sa lahat ng nangyayari at Siya ang gaganti sa anumang kasamaan na ginagawa laban sa atin. Sa 2 Tesalonica, tinalakay ni Pablo ang mga pagsubok na patuloy na hinaharap ng iglesya doon. Sinabi niya sa kanila na sa pagdating ni Cristo at paghatol ng Diyos sa mundo, “Gagawin ng Diyos ang nararapat; tiyak na pahihirapan niya ang mga nagpapahirap sa inyo” (2 Tesalonica 1:6-7). Bagama’t maraming Kristiyano ang hindi haharap sa mahihirap na pagdurusa na gaya ng dinanas ng mga taga Tesalonica o ng mga nabubuhay na Kristiyano sa bansang Sudan na pinapatay dahil sa kanilang pananampalataya, nagdurusa pa rin tayo sa maliliit na paraan gaya ng paghihirap dahil sa impluwensya at udyok ng ating mga kakilala o mga kaibigan.

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagharap sa paguusig ng mga kaibigan?

Hindi partikular na tinalakay sa Bibliya ang mga paguusig ng mga kaibigan pero itinuturo nito kung paano natin haharapin ang mga maraming pagsubok na darating sa ating mga buhay lalo na ang mga paguusig na kinasasangkutan ng mga hindi mananampalataya. Sinasabi sa Roma 12:2, “Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.”

Sinasabi sa Roma 12:14-16, “Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain. Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis. Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na kayo'y napakarunong.”

Sinasabi sa 1 Pedro 1:13-21, “Kaya nga, ihanda ninyo ang inyong mga isipan para sa dapat ninyong gawin. Maging mahinahon kayo at lubos na umasa sa pagpapalang tatamuhin ninyo kapag nahayag na si Jesu-Cristo. Bilang masunuring mga anak, huwag kayong umayon sa masasamang pagnanasa tulad ng ginagawa ninyo noong kayo'y wala pang tunay na pagkaunawa. Dahil ang Diyos na pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa, sapagkat nasusulat, “Magpakabanal kayo, sapagkat ako'y banal.” Walang kinikilingan ang Diyos. Hinahatulan niya ang mga tao ayon sa mga ginawa nila. At dahil tinatawag ninyo siyang Ama, mamuhay kayong may takot sa kanya habang kayo'y nasa mundong ito. Alam ninyo kung ano ang ipinantubos sa inyo sa walang kabuluhang pamumuhay na inyong minana sa inyong mga magulang. Tinubos kayo hindi sa pamamagitan ng mga bagay na nasisira, tulad ng ginto o pilak, kundi sa pamamagitan ng mahalagang dugo ni Cristo. Siya'y tulad ng korderong walang dungis at kapintasan. Itinalaga siya ng Diyos bago pa nilikha ang daigdig, at alang-alang sa inyo ay ipinahayag sa mga huling araw na ito. Dahil kay Cristo, sumasampalataya kayo sa Diyos na sa kanya'y muling bumuhay at nagparangal, kaya't ang inyong pananampalataya at pag-asa ay nasa Diyos.”

Sinasabi din sa atin ng Bibliya na maaari tayong magtiwala na gumagawa ang Diyos sa lahat ng mga bagay para sa ikabubuti ng Kanyang mga anak (Roma 8:28). Gayunman, hindi sa atin ipinapangako ng Bibliya ang isang madaling buhay, kundi isang buhay na nakakaluwalhati sa Diyos habang natututunan natin ang mga mahihirap na aral at pinagtatagumpayan ang mga pagatake ni Sanatas na imposible nating mapagtagumpayan kung wala ang Diyos. Tayo ay hinuhubog “ayon sa wangis ni Cristo” habang binabago tayo ng Diyos sa ating buong buhay (Roma 8:29-30). Maaliw tayo sa katotohanan na tinukso mismo si Jesus sa lahat ng paraan na tinutukso rin tayo; nauunawaan Niya kung gaano kahirap ang ating mga pinagdadaanan. Pero ipinangako ng Bibliya na bibigyan tayo ng Diyos ng kaparaaanan para mapagtagumpayan ang bawat pagsubok (1 Corinto 10:13). Ilagak mo ang ganap na pagtitiwala at pananampalataya sa Diyos. Haayan mo na Siya ang iyong maging kalakasan (Filipos 4:13) at gabay (Awit 23).

Ang udyok at paguusig ng mga kaibigan ay magiging isang magaang na bagay sa ating mga buhay. Ito ay tungkol sa kawalan ng katiyakan at isang pagnanais para sa pagtanggap at pagsang-ayon ng mga taong sangkot. Sa huli, maraming tao ang mauunawaan na ang pananakot sa iba para maramdaman na sila ay mahalaga ay pagmamanipula at kawalan ng pagtitiwala sa sarili. Mauunawaan ng mga dati nilang tagasunod na mas mahalaga na gumawa sila ng sariling desisyon at magpakatotoo sa sarili kaysa sa kontrolin ng ibang tao. Hindi tayo dapat magpadala sa udyok ng iba, anuman ang ating sitwasyon sa buhay. Ang paninindigan sa kung ano ang ating pinaniniwalaan at kung ano ang itinuturo ng Bibliya ang nagbibigay kasiyahan sa Diyos. Sa buong kasaysayan ng tao, ang mga hindi natakot na panindigan ang kanilang hindi popular na mga paniniwala ang mga taong bumago sa mundo at naging dahilan ng magagandang pangyayari sa kasaysayan. Napakaraming bagay sa mundo ang dapat nating baguhin at napakaraming tao ang kinakailangang bahaginan ng tungkol kay Cristo. Ang pagpapahintulot sa ibang tao na magdesisyon para sa ating ginagawa at sa ating pamumuhay ay ang mismong nais na gawin ni Satanas; kung hindi tayo maninindigan para sa tama dahil sa udyok at paguusig ng mga tao, sa aktwal ay naninindigan tayo para sa mali.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Paano ko malalabanan ang udyok aking barkada / kaibigan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries