settings icon
share icon
Tanong

Paano ko mapagtatagumpayan ang pagkahilig sa pornograpiya sa internet? Ang pagkalulong ba sa pornograpiya ba ay maaaring mapagtagumpayan?

Sagot


Ipinakikita sa mga pagaaral na ang mga salita o terminolohiya na may kaugnayan sa pornograpiya ang pinakakaraniwang hinahanap sa mga internet search engines. Araw-araw, milyun milyong tao ang naghahanap ng mga websites na may kinalaman sa industriya ng pornograpiya. Ang makapangyarihang larawan ng pornograpiya sa internet ay lubhang nakakaadik. Maraming kalalakihan (at kababaihan) ang nahuhuli sa bitag ng pornograpiya sa internet at natatagpuan ang kanilang sarili na nalululong sa biswal na stimulasyon nito. Ang resulta ay hindi mapigili na pagnanasang sekswal, kawalan ng kakayahang makaranas ng tunay na kasiyahan sa pakikipagtalik sa asawa at kadalasan ay masidhing pakiramdam ng paguusig ng budhi at kalungkutan. Ang pornograpiya ang nangungunang dahilan ng sekswal na pagpapaligaya sa sarili, mahalay na pagiisip, pangmomolestya at panggagahasa. Higit sa lahat, ang pornograpiya ay kasalanan sa Diyos at nararapat na ito ay ipahayag, pagsisihan at pagtagumpayan.

May dalawang pangunahing aspeto ang pakikibaka upang mapagtagumpayan ang adiksyon sa pornograpiya sa internet: espiritwal at praktikal. Sa espiritwal, ang adiksyon sa pornograpiya ay isang kasalanan na ninanais ng Diyos na iyong labanan at bibigyan ka Niya ng kalakasan na pagtagumpayan ito. Ang unang hakbang ay ang pagtiyak sa iyong sarili na inilagak mo ang iyong pagtitiwala kay Hesu Kristo bilang iyong Tagapagligtas. Kung wala ka pang katiyakan sa iyong relasyon sa Diyos sa pamamagitan ni Hesu Kristo, mangyaring bisitahin mo lamang ang aming pahina tungkol sa kaligtasan at kapatawaran. Kung wala kang relasyon sa Diyos sa pamamagitan ni Hesu Kristo, imposible na magkaroon ng tunay at pang matagalang tagumpay laban sa pornograpiya: “Wala kayong magagawa kung hiwalay kayo sa Akin (Juan 15:5).

Kung ikaw ay isang mananampalataya na nakikipaglaban sa pornograpiya sa internet, may pagasa at tulong para sa sa iyo! Ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu ay laging sumasaiyo (Efeso 3:16). Ang paglilinis at pagpapatawad ng Diyos ay laging nakalaan para sa iyo (1 Juan 1:9).Ang pagpapanibagong buhay na ipagkakaloob ng Salita ng Diyos ay tiyak mong makakamtan (Roma 12:1-2). Ituon mo ang iyong mata at isip sa Panginoon (1 Juan 2:16). Hilingin mo sa Kanya na palakasin ka Niya at tulungan ka na pagtagumpayan ang pornograpiya (Filipos 4:13). Hilingin mo Sa Diyos na ingatan ka laban sa patuloy na pagkakalantad sa pornograpiya (1 Corinto 10:13), at hilingin mo sa Kanya na punuin ang iyong isipan ng mga bagay na kalugod lugod sa Kanya (Filipos 4:8). Ang lahat ng kahilingang ito ay nakalulugod sa Diyos at Kanyang tutugunin.

Sa praktikal na aspeto, napakaraming paraan upang mabantayan ang tao laban sa adiksyon sa pornograpiya sa internet. May isang napakagandang programa na matatagpuan sa www.PureOnline.com. May mga de-kalidad ding programa sa internet na sumasala at humaharang sa iyong kompyuter upang hindi makapunta sa mga websites na nagaalok ng pornograpiya gaya ng www.BSafeOnline.com. Ang isa pang napakagandang programa ay makikita sa www.X3Watch.com. Ito ay isang software na nagrerekord ng iyong mga pinupuntahang websites sa internet at nagpapadala ng report ng mga kahina-hinalang websites na iyong pinuntahan sa isang tao na iyong pinili upang bantayan ka sa iyong pagba-browse sa internet. Mababawasan ang tukso na pumunta sa mga internet na nagaalok ng pornograpiya kung alam ng iyong youth pastor, magulang, pastor, kaibigan o asawa ang iyong aktibidad sa internet.

Huwag kang panghinaan ng loob! Ang adiksyon sa pornograpiya ay hindi isang kasalanang “hindi mapapatawad.”Kaya kang patawarin ng Diyos at patatawarin ka ng Diyos. Ang adiksyon sa pornograpiya gamit ang internet ay isang kasalanang napagtatagumpayan. Bibigyan ka ng Diyos ng kakayahan na pagtagumpayan ito. Ituon mo ang iyong puso at isip sa Panginoon. Italaga mo ang iyong sarili sa pagpuno sa iyong isipan ng Kanyang salita (Awit 199:11) at iwaksi mo ang anumang hindi kanais-nais na kaisipan at pagnanasa. Gawin mo ang mga praktikal na hakbang na nabanggit sa itaas upang magkaroon ka ng pananagutan sa iba at tuluyang mapagtagumpayan ang iyong adiksyon sa pornograpiya sa internet. “Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang naghahari sa atin” (Efeso 3:20).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Paano ko mapagtatagumpayan ang pagkahilig sa pornograpiya sa internet? Ang pagkalulong ba sa pornograpiya ba ay maaaring mapagtagumpayan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries