settings icon
share icon
Tanong

Ano ang pananaw ng Kristiyano sa adiksyon?

Sagot


Ang salitang adiksyon ay may dawalang pangunahing kahulugan. Ang una ay, “kundisyon ng pagiging depende ng isip at katawan sa isang gamot o inuming nakalalasing.” Ang mga nagugumon sa alak (Tito 1:7; 2:3), “maglalasing” (1 Timoteo 3:3), o “sugapa sa alak” (1 Timoteo 3:8) ay hindi karapatdapat na magturo o magkaroon ng posisyon at awtoridad sa Iglesya. Malinaw na ang mga naghahangad ng posisyon sa Iglesya ay dapat na may maayos na pag-iisip, marunong magpigil sa sarili at makakapagturo sa iba sa pamamagitan ng kanilang halimbawa, dahil alam nating ang mga “maglalasing ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos” (1 Corinto 6:10). Ang mga mananampalataya ay hindi nararapat na malulong sa alak, maadik sa droga, ponograpiya, pagkain, sigarilyo, atbp.

Ang ikalawang kahulugan ng adiksyon ay “kalagayan ng pagkahumaling sa isang gawain.” Ito ay ang hindi normal (lalo na para sa mga Kristiyano) na obsesyon sa isang bagay maliban sa Diyos gaya ng sports, trabaho, pagsa-shopping, pagkakaroon ng mga bagong gadget, maging ang obsesyon sa pamilya at mga anak. Dapat nating “ibigin si Yahweh na ating Diyos ng ating buong puso, buong kaluluwa at buong lakas” (Deuteronomio 6:5). Ito, ayon sa Panginoong Hesus ang una at pinakadakilang utos (Mateo 22:37-38). Kaya’t ating masasabi na ang adiksyon o pagkahumaling sa anumang bagay maliban sa Diyos ay hindi tama. Ang Diyos ang ating dapat na laging ninanasa ng higit sa lahat ng bagay. Ang okupahin ang ating puso at isip ng anumang bagay na naglalayo sa atin sa Diyos ay hindi kalugod lugod sa Kanya. Siya lamang ang karapatdapat sa ating buong atensyon, pag-ibig at paglilingkod. Ang ibigay ang ating pansin sa anumang bagay ng higit sa Diyos ay pagsamba sa diyus diyusan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang pananaw ng Kristiyano sa adiksyon?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries