settings icon
share icon
Tanong

Katanggap-tanggap ba na magkomunyon sa labas ng iglesya? Maidadaos ba ang komunyon kasama ng pamilya sa bahay, sa isang pagtitipon kasama ang mga Kristiyanong kaibigan, sa pribado at iba pa?

Sagot


Ang gawain ng komunyon, na tinatawag ding Hapunan ng Panginoon ay karaniwang ginaganap sa loob ng iglesya sa sama-samang pagsamba. Gayunman, para sa unang iglesya, ang komunyon ay ginaganap sa kanilang mga bahay. Ang iglesya sa Jerusalem ay nagtatagpo sa bahay ni Maria (Gawa 12:12), sa Filipos sa bahay ni Lydia (Gawa 16:40), at sa Efeso sa bahay nina Aquila at Priscilla (1 Corinto 16:19). Sa Colosas, ang iglesya ay nagdadaos ng gawain sa bahay ni Felimon (Felimon 2). Gaya ng ating matututunan sa Gawa 2, ang unang iglesya ay regular na nagtitipon para sa pagtuturo ng mga apostol, pagsasama-sama bilang magkakapatid at “nagsalu-salo sa pagkain ng tinapay, at panalangin” na karaniwang nauunawaan bilang komunyon (Gawa 2:42).

Gayunman, hindi sinabi sa Kasulatan kung saan dapat ganapin ang komunyon. Ito ay ginaganap sa mga ospital para sa mga matatandang maysakit na inaalagaan doon. Nagdaos ang mga misyonero ng komunyon sa gubat kasama ang mga mananampalataya kung saan wala pang naitatayong simbahan. May ilang pamilya na nagsasagawa ng sariling komunyon sa mga espesyal na okasyon gaya ng gabi ng pasko. Sa pagalaala sa Paskuwa, itinatag ng ating Panginoon ang komunyon sa silid sa itaas ng isang bahay. Ang tanging tagubilin patungkol sa proseso ng gawaing ito ay mula sa sariling pananalita ng Panginoong Jesus na sinasabi, “gawin ninyo ito sa pagaalala sa Akin” hanggang sa Siya ay dumating (1 Corinto 11:24-26). Ibinigay sa talatang ito ang lahat ng tagubilin na kailangan nating isagawa sa pagdadaos ng komunyon at para maunawaan ang kahalagahan ng ating ginagawa.

Pagkatapos lamang ng Pentecostes naitatag ang iglesya at ang komunyon ay regular na idinaos sa loob ng iglesya at itinuring na isang ordinansa. Dahil dito, ang mga kinikilalang lider ng iglesya ang nangunguna sa pagsasagawa nito. Ngunit walang biblikal na dahilan kung bakit hindi maaaaring idaos ang hapunan ng Panginoon sa bahay kasama ang mga kaibigan at kapamilya, sa mga bahay-bahay, o kahit saan man. Hindi mahalaga ang lugar, kundi ang pagalaala sa katawan at dugo ni Cristo na Siyang nagligtas sa atin.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Katanggap-tanggap ba na magkomunyon sa labas ng iglesya? Maidadaos ba ang komunyon kasama ng pamilya sa bahay, sa isang pagtitipon kasama ang mga Kristiyanong kaibigan, sa pribado at iba pa?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries