Tanong
Ano ang kerubin? Ang mga kerub ba ay mga anghel?
Sagot
Ang mga kerubin/kerub ay mga anghel na ang katungkulan ay sumamba at magpuri sa Diyos sa langit. Ang mga kerubin ay unang nabanggit sa Bibliya sa Genesis 3:24, "Ano pa't itinaboy ang lalake; at inilagay sa silanganan ng halamanan ng Eden ang mga Querubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay." Bago nagrebelde si Satanas, dati siyang isang kerubin (Ezekiel 28:12-15). Naglalaman ng maraming representasyon ng kerubin sa tabernakulo at sa templo (Exodo 25:17-22; 26:1, 31; 36:8; 1 Hari 6:23-35; 7:29-36; 8:6-7; 1 Cronica 28:18; 2 Cronica 3:7-14; 2 Cronica 3:10-13; 5:7-8; Hebreo 9:5).
Inilalarawan sa una at ikasampung kabanata ng aklat ng Ezekiel ang "apat na nilalang na may buhay" (Ezekiel 1:5) na siya ring mga kerubin (Ezekiel 10). Ang bawat isa sa kanila ay may apat na mukha - ang isa ay sa tao, ang isa ay sa leon, ang isa ay sa baka at ang isa ay sa agila (Ezekiel 1:5; 10:14) - at ang bawat isa ay may apat na pakpak. Ang mga kerubin ay may kaanyuan na "wangis ng sa tao" (Ezekiel 1:5). Ginagamit ng mga kerubin ang dalawa sa kanilang mga pakpak sa paglipad habang ang dalawang pakpak naman ay ginagamit nila upang takpan ang kanilang mga katawan (Ezekiel 1:6, 11, 23). Mula sa ilalim ng kanilang mga pakpak ang mga kerubin ay may porma at wangis na tulad sa kamay ng tao (Ezekiel 1:8; 10:7-8, 21).
Ang pangitain sa Pahayag 4:6-9 ay maaaring naglalarawan din sa kerubin. Ang tungkulin ng mga kerubin ay purihin ang Diyos sa Kanyang kabanalan at kapangyarihan. Ito ang isa sa kanilang pangunahing responsibilidad na makikita sa buong Bibliya. Bukod sa pagawit ng mga pagpupuri sa Diyos, sila rin ay nagsisilbing paalala sa karangalan at kaluwalhatian ng Diyos at ng Kanyang walang hanggang presensya sa kanyang mga hinirang.
English
Ano ang kerubin? Ang mga kerub ba ay mga anghel?