settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ibig sabihin na maging isang katitisuran para isa iba?

Sagot


Sa kalagitnaan ng pagtuturo sa isang serye ng mga alituntunin patungkol sa pakikitungo sa iba, ating mababasa ang mga salitang ito ng Diyos, "Huwag ninyong mumurahin ang mga bingi at lalagyan ng katitisuran ang daraanan ng mga bulag. Matakot kayo sa Diyos. Ako si Yahweh" (Levitico 19:14). Tiyak na isang kalupitan ang paglalagay ng isang bato sa daraanan ng isang bulag, ngunit ginamit sa Bagong Tipan ang praktikal na alituntuning ito bilang paglalarawan sa katitisurang espiritwal.

Pagkatapos na sawayin ni Pedro si Hesus at tanggihan ang magaganap na pagpapako kay Kristo sa Krus, sinabi sa kanya ni Hesus, "Ngunit hinarap siya ni Jesus at sinabihan, "Umalis ka sa harapan ko, Satanas! Hadlang ka sa aking landas. Ang iniisip mo'y hindi sa Diyos kundi sa tao" (Mateo 16:23). Sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, tinangka ni Satanas na pigilan ang gagawin ni Hesus. Sinubukan ni Satanas na pigilan si Hesus sa Kanyang daraanan patungo sa krus. Inulit ni Pablo ang ideyang ito: "Ngunit ang ipinapangaral namin ay si Cristo na ipinako sa krus, na para sa mga Judio ay isang katitisuran at para sa mga Hentil ay isang kahangalan" (1 Corinto 1:23). Ang ideya na ipapako ang Mesiyas ay isang katitisuran para sa mga Hudyo — isang bagay na salungat sa kanilang pangunawa tungkol sa pagkakakilanlan sa kanilang Tagapagligtas.

Ngunit kadalasan, ang "katitisuran" ay tumtukoy sa isang bagay o isang tao na pumipigil sa isa pang tao sa kanyang pakikipagrelasyon sa Diyos. Sinabi ni Hesus sa Mateo 18:5-7, "Ang sinumang tumatanggap sa isang batang katulad nito alang-alang sa akin, ako ang kanyang tinatanggap. Mas mabuti pa sa isang tao ang siya'y bitinan sa leeg ng isang malaking gilingang-bato at ihulog sa kailaliman ng dagat kaysa siya'y maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na nananampalataya sa akin. Kahabag-habag ang daigdig sa dami ng mga tuksong nagiging sanhi ng pagkakasala! Hindi nga maiiwasan ang pagdating ng tukso, ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong pinanggagalingan nito." "Kung ang iyong kamay o paa ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo iyon at itapon! Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na putol ang isang kamay o isang paa, kaysa kumpleto ang iyong dalawang kamay at dalawang paa na itatapon sa apoy na hindi namamatay (Mateo 18:8). Sa perspektibo ng Kaharian ng Diyos, mas mabuti pa ang malunod sa dagat ng may gilingang bato sa leeg kaysa sa maging dahilan ng pagkatisod o pagkakasala ng isang bata. Gayundin, sa Roma 14:13, binigyang diin ni Pablo na tanging ang Diyos lamang ang huhusga; hindi natin dapat husgahan ang ibang tao sa halip dapat nating bantayan ang ating mga sarili upang hindi tayo ang maging dahilan ng pagkakasala ng iba.

Lumilitaw din ang mga katitisuran kung madilim ang daraanan. Hinahayaan ng isang malagong Kristiyano ang kalayaan na tila sumasalungat sa isang masunurin at disiplinadong pananampalataya. Nagaalala ang mga taga Corinto tungkol sa pagkain ng mga pagkaing inihandog sa mga diyus-diyusan. Kabilang sa mga modernong isyu ang katamtamang pag-inom ng alak at pagsasayaw. Sinabi ni Pablo, "Ngunit mag-ingat kayo, baka ang paggamit ninyo ng kalayaang kumain ng anumang pagkain ay maging sanhi ng pagkakasala ng mahihina pa sa pananampalataya" (1 Corinto 8:9). Hindi natin dapat gamitin ang ating kalayaan sa ikakatisod ng ating kapwa mananampalataya. Kung ang isang bagay na pinapayagan ng Diyos ay maging sanhi ng pagkakasala ng iba, dapat natin iyong iwasan. Binigyan tayo ng Diyos ng dakilang kalayaan, ngunit ang pinakadakila sa lahat ay ang kalayaan na isaalang-alang ang kapakanan ng iba ng higit sa ating sarili.

Ang paghinto sa pagiging katitisuran ay nangangahulugan ng hindi pagiging dahilan ng pagkakasala ng iba. Kung paano natin ito gagawin ay nakadepende sa sitwasyon at kalagayan ng puso ng mga taong nakapaligid sa atin. Ang katiyakan sa pag-ibig at probisyon ng Diyos sa atin sa kasalukuyan at sa hinaharap na walang hanggan ang dahilan upang ipagmalasakit natin ang kapakanan ng mga mahihina — ang mga taong nangangailangan ng pagpapalakas ng loob upang maunawaan kung sino ang Diyos. Sa ilang mga sitwasyon, nangangahulugan ito ng pamumuhay sa kalayaan na nagpapakilala sa iba na ang Diyos ay Diyos ng biyaya. Sa ibang pagkakataon, nangangahulugan ito ng pagdidisiplina sa ating sarili upang mapalakas ang pananampalataya ng mas mahihinang mananampalataya at hindi pagtutulak sa kanila sa isang kalayaan na hindi pa nila handang harapin. Ngunit sa tuwina, nangangahulugan ito ng pagiwas sa ating kalayaan upang matulungan natin ang iba na umiwas sa paggawa ng mga bagay na itinuturing ng Bibliya na kasalanan kung gagawin ng may pagdududa.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang ibig sabihin na maging isang katitisuran para isa iba?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries