settings icon
share icon
Tanong

Kasalanan ba ang katakawan? Ano ang sinasabi ng Bibliya sa pagkain ng labis?

Sagot


Ang katakawan ay isang kasalanan na kalimitang hindi pinapansin ng mga Kristiyano. Madali nating tawagin na kasalanan ang paginom ng alak at paninigarilyo, ngunit sa kung anong kadahilanan, ang katakawan ay tila tinatanggap at hindi pinapansin. Maraming argumento ang ginagamit laban sa paglalasing at paninigarilyo gaya ng pagkasira ng kalusugan at pagka gumon ang maaaring iaplay sa pagkain ng labis. Maraming mananampalataya ang halos hindi kinukunsidera ang paginom kahit ng isang tagay na alak o makalanghap man lamang ng usok ng sigarilyo na nanggagaling sa iba ngunit walang pakialam kung kumain man ng sobra sobra. Hindi ito dapat mangyari.

Nagbabala ang Kawikaan 23:20-21 laban sa katakawan, "Huwag kang makikisama sa mga lasenggo at sa masiba sa pagkain. Pagkat sila'y masasadlak sa kahirapan, at darating ang panahong magdadamit ng basahan." Sinasabi sa Kawikaan 28:7, "Ang anak na matalino ay sumusunod sa aral, ngunit ang bumabarkada sa masasama, kahihiyan ng magulang." Habang idineklara naman ng Kawikaan 23:2, "Kung ikaw man ay matakaw, pigilan mo ang iyong sarili."

Ang hindi pagpipigil sa pagkain o pagkain ng labis ay sumasalamin sa kung ano ang ating kapasidad na magpigil ng ating sarili. Kung wala tayong kontrol sa pagkain, malamang na wala rin tayong kontrol sa iba pang gawain ng katawan gaya ng mga gawaing nagaganap sa ating isip (pagnanasa sa babae o lalaki, galit at pagiimbot) at malamang na wala din tayong kakayahan na pigilin ang ating dila laban sa pagti-tsismis at paninirang puri. Hindi natin dapat hayaan na makontrol tayo ng ating ganang kumain, kundi tayo ang dapat komontrol dito. (Tingnan din ang Deuteronomio 21:20, Kawikaan 23:2, 2 Pedro 1:5-7, 2 Timoteo 3:1-9, at 2 Corinto 10:5). Ang abilidad na magsabi ng "hindi" sa anumang bagay na labis - ang pagpipigil sa sarili - ay isa sa mga bunga ng Espiritu na dapat makita sa lahat ng mananampalataya (Galatia 5:22).

Pinagpala tayo ng Diyos ng punuin Niya ang mundo ng mga pagkaing masarap, masustansya ay kasiya siya. Dapat nating parangalan ang Diyos sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kasiyahan sa mga pagkaing ito at sa pagkain sa mga ito sa tamang dami. Tinatawag tayo ng Diyos na kontrolin ang ating ganang kumain, sa halip na hayaang ito ang komontrol sa atin.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Kasalanan ba ang katakawan? Ano ang sinasabi ng Bibliya sa pagkain ng labis?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries