settings icon
share icon
Tanong

Ano ang kasalanang hindi ginagawa?

Sagot


Idineklara sa Santiago 4:17, "Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito'y kasalanan sa kaniya." Ang kasalanan na hindi ginagawa ay resulta ng hindi pagsasapamuhay ng isang bagay na itinuturo ng Salita ng Diyos. Ang salitang ito ay pangkalahatang ginagamit na kabaliktaran ng sinasadyang kasalanan o "sin of commission" o aktibong paggawa ng kasalanan. Pinaghambing ni Pablo ang dalawang konseptong ito sa Roma 7:14-20. Tinangisan niya ang kanyang pagkahilig sa dalawang uri ng kasalanan. Ginagawa niya ang hindi niya nais gawin at alam niyang mali —ang kasalanang sinasadya o "sin of commission"— at hindi niya ginagawa ang mga bagay na alam niyang dapat niyang gawin at talagang gusto niyang gawin o "sin of ommission." Narito ang larawan ng isang bagong kalikasan na nakikipaglaban sa kanyang laman kung saan nananahan ang kasalanan.

Sa Bagong Tipan, ibinigay ni Hesus ang isang klasikong halimbawa sa kanyang talinghaga tungkol sa Mabuting Samaritano. Pagkatapos na bugbugin ang isang tao at iwanan sa gubat, may dawalang tao ang dumaan — isang saserdote at isang Levita, na parehong nakakaalam ng kanilang dapat gawin — ngunit hindi nila iyon ginawa. Ang ikatlong lalaki na napadaan ay isang Samaritano na tumigil at nagpakita ng kahabagan sa lalaking nangangailangan ng tulong (Lukas 10:30-37). Ginamit ni Hesus ang halimbawang ito upang ituro sa atin na dapat tayong tumulong sa mga nangangailangan, sino man sila. Sa pamamagitan ng talinghaga, malinaw Niyang itinuro na kasalanan ang hindi paggawa ng mabuting nararapat gawin, na gaya ng kasalanan na sadyang paggawa ng isang bagay na talagang masama.

Patuloy na inilarawan ni Hesus ang kasalanang hindi ginagawa sa Mateo 25:31-46. Ang mga kambing na itinaboy ni Kristo sa talinghagang ito ay ang mga taong nakita ang mga nagugutom at nauuhaw ngunit hindi nila binigyan ng pagkain at tubig ang mga iyon. Sila ang mga nakikita ang pangangailangan ng iba ng damit, nakita ang mga maysakit at nasa bilangguan ngunit walang ginawa upang damitan at aliwin ang mga iyon. Ang lahat ng ito ay mga halimbawa ng hindi ginagawang kasalanan (sin of ommission). Wala silang ginawang kasalanan laban sa mga nangangailangan — hindi nila intensyonal na ginutom o pinagkaitan ng damit ang mga nangangailangan. Ngunit nakagawa sila ng kasalanan ng magpasya sila na hindi tulungan ang mga nangangailangan.

Panghuli, inilahad ni Apostol Pablo sa isang binuod na pangungusap kung bakit dapat nating gawin ang tama at tumigil sa pagkakasalang hindi ginagawa: "At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka't sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, kung hindi tayo manganghihimagod" (Galacia 6:9). Kung ginagawa natin ang kalooban ng ating Ama sa langit (Mateo 12:50), iniiwasan natin ang paggawa ng hindi ginagawang kasalanan at namumuhay tayo ng produktibo, ng isang mabungang buhay na nakalulugod sa ating Diyos (Roma 12:1-2; Juan 15:1–11).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang kasalanang hindi ginagawa?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries