Tanong
Kasalanan ba ang sexting?
Sagot
Ang malaswang pakikipag-text ay kilala bilang “sexting.” Ito ay palitan ng malalaswang mensahe o larawan sa pamamagitan ng telepono o mobile phone. Sa paningin ng iilang tao ay hindi ito nakakabahala. Ito ay ilang mga salita lamang at posibleng ilang mga larawan, kung tutuusin. Hindi naman ito tulad ng pangangalunya o pakikiapid, hindi ba?
Sinasabi sa Mateo 5:28, “Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may mahalay na pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso.” Ang moral na prinsipyong ito ay umaabot sa pang-unawa ng kababaihan sa mga lalaki at tahasang inihambing ni Jesus ang pagnanasa sa pangangalunya sa talatang ito. Samakatuwid, maliwanag na ang Diyos ay hindi naaapektuhan ng katotohanang "mga salita o larawan lamang ang nasasangkot." Ang mahalaga ay kung ano ang nasa puso natin. Ang Colosas 3:5 ay nagbabala na “dapat nang mawala” sa atin ang mga pagnanasang makalaman, ang pakikiapid, kahalayan, mahalay na simbuyo ng damdaming at masasamang nasa.
Ang Galacia 5:19–21 ay naghahayag ng matinding kahihinatnan ng pagsuway sa bagay na ito: Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan…at iba pang katulad nito. “Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.”
Pero paano naman kung ang sexting ay ginagawa ng mag-asawa? Sa teknikal na paraan, ang pagtatalik sa pagitan ng mag-asawa ay hindi magiging kasalanan dahil ang mabuting pakikipagtalik ay isang regalong ibinibigay ng Diyos sa mga mag-asawa. Gayunpaman, hindi namin hinihikayat na gawin ito. Hindi natin alam kung sino ang makakakita sa ating mga larawan o makakabasa sa ating mga salita. Posibleng may taong nasa tabi mo, o malapit sa yo na makakita ng mga hubad na larawan ng iyong asawa na maaaring maging dahilan upang sila din ay magkaroon ng masamang pagnanasa. Mahirap bang sang-ayunan? Sinasabi sa Santiago 1:14–15, “Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling nasa. Kapag ang nasa ay tumubo at nag-ugat sa kanyang puso, magbubunga ito ng pagkakasala. Kapag ang kasalanan ay lumala, ito'y hahantong sa kamatayan.”
Dapat tayong mag-ingat kapag gumagamit ng mga telepono at web-enabled devices dahil sa mga kamakailang pagsisiwalat tungkol sa pagsubaybay ng gobyerno sa trapiko sa internet at mobile phone pati na rin sa kakayahan ng mga hacker na harangin ang mga pribadong komunikasyon. Ang pagnanakaw sa pagkakakilanlan (identity theft) at privacy ng data ay mga isyu na kailangan pa rin nating harapin kahit na hindi tayo nagse-sexting.
Pinakamabuting sundin ang payo ng 1 Corinto 10:31, “Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos.”
English
Kasalanan ba ang sexting?