settings icon
share icon
Tanong

Ano ang kasalanang nakamamatay?

Sagot


Ang unang Juan 5:16 ang isa sa mga pinakamahirap na ipaliwanag na talata sa Bagong Tipan. "Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya." Sa lahat ng mga interpretasyon na ating mababasa ngayon, tila wala ni isa man sa kanila ang nasagot ng malinaw ang mga katanungan patungkol sa talatang ito. Ang pinakamagandang interpretasyon ay maaaring makuha kung ikukumpara ang talatang ito sa nangyari kay Ananias at Safira sa Gawa 5:1-10 (tingnan din ang 1 Corinto 11:30). Ang "kasalanang nakamamatay" ay isang kasalanang sinasadya, pinagiisipan, ipinagpapatuloy at hindi pinagsisisihan. Ang Diyos sa kanyang biyaya, ay hinahayaan ang Kanyang mga anak na magkasala ng hindi agad agad pinarurusahan. Gayunman, may mga pagkakataon na hindi na pinapayagan ng Diyos na magpatuloy ang isang Kristiyano sa isang kasalanan na hindi niya pinagsisisihan. Kung dumating ang puntong ito, minsan ay nagdedesisyon na ang Diyos na parusahan ang isang Kristiyano hanggang sa punto na bawiin na ang kanyang buhay.

Ito ang ginawa ng Diyos sa Mga Gawa 5:1-10 at 1 Corinto 11:28-32. Maaaring ito ang inilarawan ni Pablo sa iglesya sa Corinto sa 1 Corinto 5:1-5. Ipanalangin natin ang mga Kristiyano na nagkakasala. Gayunman, maaaring dumating ang panahon na hindi na didinggin ng Diyos ang ating mga panalangin para sa isang mananampalataya na nakatakda ng hatulan ng Diyos. Mahirap na malaman kung kailan ang mga pagkakataon na huli na para ipanalangin ang isang tao. Ang Diyos ay mabuti at makatarungan at nararapat na Siya lamang ang magdesisyon patungkol sa bagay na ito.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang kasalanang nakamamatay?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries