Tanong
Ang pakikipagtalik ba ay isang kasalanan?
Sagot
Sa tamang tagpo, ang pakikipagtalik ay hindi kasalanan. Sa katunayan, ang sex ay ideya ng Diyos. Sa Mateo 19:4-6, sinabi ni Jesus nang may makadiyos na awtoridad, “Sa pasimula 'ginawa sila ng Maylalang na lalaki at babae,' at sinabi, 'Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at makikisama sa kanyang asawa, at ang dalawa ay magiging isang laman’. Kaya hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Kaya't kung ano ang pinagsama ng Diyos, huwag paghiwalayin ninuman". Ang salaysay ng paglikha ay ang pundasyon para sa institusyon ng kasal, na pinatunayan ng Lumikha mismo at itinatag upang maging isang panghabambuhay na pagsasama sa pagitan ng isang lalaki at isang babae.
Ang mismong katotohanan na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan bilang "lalaki at babae" ay nagpapakita na tayo ay nilikha bilang mga sekswal na nilalang. At ang utos ng Diyos na “mamunga at magpakarami” ay hindi matutupad nang walang pakikipagtalik (Genesis 1:28). Ang pakikipagtalik ay isang utos na ibinigay ng Diyos, kaya walang dahilan na ang pakikipagtalik ay isang kasalanan kung gagawin ito ng magkaibang kasarian sa kanilang panghabambuhay na kapareha sa loob ng kasal.
Ang salitang sex ay hindi matatagpuan sa Bibliya. Ang maraming pagbanggit ng salita sa lipunan, at ang hilig ng mundo na manunuya, ay nagbigay sa salita ng isang tiyak na halaga ng katanyagan. Ngunit hindi ito sinadya ng Diyos na maging isang maruming salita.
Sinusundan ng Awit ni Solomon ang isang mapagmahal na relasyon sa pagitan ng mag-asawa sa panahon ng pagpapakasal, gabi ng kasalan, at higit pa. Ang paglalarawan ng kasiyahan ng mag-asawa sa kabanata 4 ay maingat ngunit hindi mapag-aalinlanganan sa kahulugan nito. Ang paglalarawang iyan ay sinusunod sa 5:1 na may pagsang-ayon ng Diyos: “Kumain na at uminom, kayong mga mangingibig, hanggang kayo ay malango sa tamis ng pag-ibig”.
Sa labas lamang ng kasal ang pakikipagtalik ay kasalanan. Tiniyak ng Diyos na ang higaan ng mag asawa ay dapat panatilihing dalisay (Hebreo 13:4). Ang pakikipagtalik sa labas ng kasal ay tinatawag na pakikiapid. Sinasabi ng 1 Corinto 6:9-10, “Hindi ba ninyo alam na ang mga gumagawa ng masama ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos? Huwag kayong padaya: Ni ang mga imoral o mga sumasamba sa diyus-diyosan o mga mangangalunya o mga lalaking nakikipagtalik sa mga lalaki . . . magmamana ng kaharian ng Diyos” Ang pakikipagtalik nang walang basbas ng kasal ay imoral, at “kalooban ng Diyos na kayo ay magpakabanal: na dapat ninyong iwasan ang seksuwal na imoralidad” (1 Tesalonica 4:3; cf. 1 Corinto 6: 18).
Kung ang mensahe ng Bibliya tungkol sa pag-iwas sa pakikipagtalik hanggang sa makasal ay sundin ng tao, mas kaunti ang mga sakit na makukuha sa pakikipagtalik, mas kakaunting aborsyon, mas kakaunti ang di-ginustong pagbubuntis, at mas kakaunting mga anak na lumalaki nang walang parehong mga magulang. Ang pag-iwas ay nagliligtas ng mga buhay, pinoprotektahan ang mga sanggol, binibigyan ng tamang halaga ang pakikipagtalik at, higit sa lahat, pinararangalan ang Diyos.
Sa anumang paraan ay hindi kasalanan ang pagtatalik sa pagitan ng mag-asawa. Sa halip, ito ay isang magandang pagpapahayag ng pagmamahal, pagtitiwala, pagbabahaginan, at pagkakaisa. Ang pakikipagtalik ay regalo ng Diyos sa mag-asawa para sa kasiyahan at pagkakaroon ng mga anak.
English
Ang pakikipagtalik ba ay isang kasalanan?