Tanong
Maaari bang maging tagapanguna ng iglesya ang isang lalaking nagasawa ng isang babaeng diborsyada?
Sagot
Upang mas maunawaan ang artikulong ito, pakibasahin ang aming artikulo na may pamagat na "asawa ng isa lamang babae," isang parirala na makikita sa 1 Timoteo 3:2, 12 at Tito 1:6. Habang ang kwalipikasyon na "lalaking asawa ng isa lamang babae" ay maaaring magdiskwalipika sa isang lalaking diborsyado at muling nagasawa habang nagsisilbing tagapanguna ng iglesya, may isang higit na malaking suliranin ang isang lalaking hindi diborsyado ngunit nagasawa ng isang babaeng diborsyada. Walang talata sa Kasulatan na tumatalakay sa ganitong usapin, ngunit may mga prinsipyo sa Bibliya na maaaring isaalang-alang.
Ang unang Timoteo 3:11 ay isang talata na may kaugnayan sa isyung ito. Hindi malinaw kung ang talatang ito at tumutukoy sa mga asawa ng mga diyakono o sa mga diyakonesa. Ngunit mas malapit ang interpretasyon na ang tinutukoy sa talatang ito ay mga "asawa ng mga diyakono” dahil hindi magiging maganda para kay Pablo na magbigay ng kwalipikasyon para sa mga diyakono sa mga talatang 8-10 at 12-13 at pagkatapos ay magsingit ng kwalipikasyon ng mga diyakonesa sa gitna ng mga kwalipikasyon para sa mga diyakono. Dahil dito mahalagang maunawaan na ang pariralang "asawa ng isa lamang babae," ay hindi para sa mga babae kundi para sa mga lalaki. Hindi rin kwalipikasyon para sa mga diyakono ang "walang bahid dungis at kapintasan." Sa halip, kabilang sa kanilang kwalipikasyon ang "hindi palabintangin, mapagpigil at tapat sa lahat ng mga bagay" (1 Timoteo 3:11).
Maraming isyu ang may kaugnayan sa tanong na ito. Ang dati bang asawa ng babae ay abusado o nangangaliwa? Mananampalataya na ba ang babae bago mangyari ang diborsyo? Ang dating asawa ba ng babae ay nagiging sanhi pa rin ng problema at kaguluhan sa kasalukuyan? Dapat ikunsidera ang mga sagot sa bawat tanong na ito. Sa huli, ang sagot ay nakasalalay pa rin sa kwalipikasyon ng diyakono o tagapanguna ang pagiging "walang bahid dungis at kapintasan." Ang pagkakaroon ba ng diyakono ng asawang dating diborsyada ay nagbubunga ng pangit na patotoo ng iglesya sa komunidad? Maituturing pa rin ba ng komunidad ang isang tagapanguna ng Iglesya na makadiyos at karapat dapat sa paggalang at mabuting halimbawa sa kabila ng pagkakaroon niya ng isang asawang diborsyada?
Ang tanong na ito ay hindi kayang sagutin ng isang sagot lamang. Napakaraming mga bagay ang dapat isaalang-alang. Ang isang iglesya na nahaharap sa ganitong isyu ay dapat na suriin ang sitwasyon ng may panalangin at tiyakin kung igagalang pa rin ng komunidad at maituturing na walang kapintasan at bahid dungis ang isang tagapanguna na nagasawa ng isang diborsyada. Kung walang potensyal na kasiraan sa Iglesya ang maaaring idulot ng pagaasawa ng isang diborsyada ng isang tagapanguna sa iglesya, maituturing pa rin ang isang lalaking nagasawa ng isang babaeng diborsyada na karapatdapat bilang isang tagapanguna sa Iglesya.
English
Maaari bang maging tagapanguna ng iglesya ang isang lalaking nagasawa ng isang babaeng diborsyada?