settings icon
share icon
Tanong

Kung ako ay nakagawa ng kasalanang gaya ng __________, patatawarin ba ako ng Diyos?

Sagot


Tukuyin mo ang anumang kasalanan na iyong nagawa sa puwang. Oo, kaya ng Diyos at maaari ka Niyang patawarin sa anumang iyong nagawang kasalanan. Ang katuruan ng Bibliya tungkol sa pagtubos ang makapagpapaliwanag sa kaligtasan at kapatawaran ng mga kasalanan. Ipinagkakaloob ng Diyos ang katwiran ni Kristo sa sinumang magpapakumbaba at hihingi ng kapatawaran mula sa kanyang mga kasalanan (Isaias 53:5-6; 2 Corinto 5:21). Binayaran Niya ng buo ang ating mga kasalanan at pinatawad na ang mga tunay na mananampalataya sa lahat ng kasalanang kanilang nagawa – sa nakaraan, kasalukuyan at sa hinaharap. Mayroon ding pang araw araw na kapatawaran habang ipinagtatapat natin at inihihingi ng kapatawaran ang ating mga kasalanang nagagawa sa bawat oras at araw. Ang pang araw araw na kapatawarang ito habang inihihingi ng tawad ang mga kasalanan at iwinawaksi ang mga iyon ay tinatawag na pagpapaging banal. Kung ikukumpara mo ang lahat ng kasalanang nagawa natin sa pagpatay kay Hesus, walang makakatapat sa kasalanang ginawa kay Hesus, ngunit sinabi ni Hesus, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” (Luke 23:34).

Ang konsepto ng kaligtasan at kapatawaran ay magkaugnay. Ang pinakamaganda sa lahat, sapat ang biyaya ng Diyos sa lahat ng uri ng kasalanan, anumang uri ng kasalanan ang iyong ilagay sa puwang. Ang pagtanggap ng kapatawaran ay depende sa indibidwal. Ito ang unang isyu: tatanggapin mo ba ang kaligtasan (kapatawaran ng mga kasalanan) na iniaalok ni Kristo? Kung ang sagot mo ay “oo,” tunay na pinatawad ng lahat ang iyong mga kasalanan (Gawa 13:38-39). Ang kapatawarang ito ay nararanasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus at sa kanyang biyaya, hindi sa iyong anumang mabubuting gawa (Roma 3:20-22). Ang karanasan ng kaligtasan ay naguumpisa sa pagkilala na hindi tayo maaaring maligtas sa pamamagitan ng ating sariling kabutihan at nangangailangan tayo ng isang Tagapagligtas. Ang pagtanggap kay Kristo ay nangangahulugan ng pananalig na binayaran na ng Kanyang kamatayan at pagkabuhay na mag-uli ang lahat ng ating mga kasalanan na nagawa at sapat ang Kanyang paghahandog upang mapatawad ang lahat na ating mga kasalanan (2 Corinto 12:9).

Kaya kung tinanggap mo si Kristo na iyong Tagapagligtas at tinanggap ka rin naman Niya bilang Kanyang Anak, pinatawad na ng Diyos ang lahat ng iyong mga kasalanan. Kung hindi mo pa nagagawa ito, ihingi mo ng tawad ang iyong mga kasalanan sa Diyos at lilinisin ka Niya sa iyong mga kalikuan at ibabalik ang iyong relasyon sa Kanya (1 Juan 1:8-9). Kahit napatawad ka na ng Diyos, maaari mo pa ring maranasan ang paguusig ng budhi. Ang paguusig ng budhi ay natural na reaksyon ng ating konsensya sa tuwing tayo ay nagkakasala, at ito ang nagpapaalala sa atin upang hindi na ulitin pa ang ating mga nagawang kasalanan. Ang pangunawa na kaya ni Hesus patawarin ang kahit na gaano kalaking kasalanan ang ating pag-asa para sa kaligtasan. Ang pangunawa sa kapatawaran ang lunas sa paguusig ng budhi.

Ang pagkilala na ang kapatawaran ang isang napakaganda at napakamabiyayang kaloob na mula sa Diyos ang nagbibigay sa atin ng pangunawa kung gaano Siya kabuti at kahanga hanga. Kung iisipin natin ang laki ng ating pagkakasala at kung gaano tayo kawalang halaga at hindi karapatdapat sa Kanyang kapatawaran, higit na nagiging malinaw sa atin na ang Diyos ay mahabagin, mapagmahal, at karapat dapat sa ating pasasalamat at pagsamba. Ang ating likas na pagiging mapagmataas na lumalaban sa paghingi ng tawad sa Kanya ang siyang hadlang sa pagpapanumbalik ng ating relasyon sa ating mahabaging Tagapagligtas. Ngunit para sa mga humingi ng kapatawaran, makapagtitiwala sila na si Hesus ay tapat at nagnanais na magpatawad at magligtas sa kanila mula sa kanilang mga kasalanan at sa gayon, papasok sila sa Kanyang templo na ang puso'y nagdiriwang (Awit 100:4).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Kung ako ay nakagawa ng kasalanang gaya ng __________, patatawarin ba ako ng Diyos?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries