no an
settings icon
share icon
Tanong

Ano ang kalapastanganan?

Sagot


Ang kalapastanganan ay isang bagay na nagdudulot ng poot o pagkasuklam. Sa paggamit sa Bibliya, ang kalapastanganan ay isang bagay na kinasusuklaman o kinapopootan ng Diyos dahil ito ay nakakasakit sa Kanya at sa Kanyang persona.

Ang mga salitang Hebreo na isinaling “kalapastanganan” ay kadalasang ginagamit kaugnay ng mga bagay tulad ng pagsamba sa diyus-diyosan at huwad na mga diyos (Deuteronomio 17:2–5; 27:15; 29:17; Isaias 66:3; Jeremias 32:34; Ezekiel 5:9; 11:18; Oseas 9:10). Sa 1 Hari 11:5, ang diyos na si Molech ay tinatawag na "kalapastanganan ng mga Ammonita." Ang punto ay napopoot ang Diyos sa kasinungalingan, karumihan, at kasamaan ng mga paganong diyos na ito.

Ang mga gawaing okulto ay tinatawag ding kalapastanganan sa Banal na Kasulatan, gaya ng paghahandog ng bata (Deuteronomio 18:9–12; 20:18; 2 Cronica 28:3). Ang iba pang mga kalapastanganan sa paningin ng Diyos ay ang hindi makadiyos na pakikipagtalik tulad ng homoseksuwalidad at pangangalunya (Levitico 18:22–29; 20:13; Deuteronomio 24:4), pagdadamit babae kung lalake at pagdadamit lalake kung babae (Deuteronomio 22:5), di-sakdal na mga hain (Deuteronomio 17:1), di-matapat na pakikitungo sa negosyo (Deuteronomio 25:13–16; Kawikaan 11:1; 20:10, 23), kasamaan (Kawikaan 15:9, 26), kawalang-katarungan (Kawikaan 17:15), pagbibingi-bingihan sa tagubilin ng Diyos (Kawikaan 28:9), at mapagkunwari na mga handog mula sa mga hindi nagsisi (Kawikaan 15:8; Isaias 1:13). Karamihan sa mga pagtukoy sa kung ano ang kalapastanganan o kasuklam-suklam ay dumating sa Batas ng Diyos sa Levitico at Deuteronomio, sa mga propesiya na nagpapahayag ng paghatol ng Diyos laban sa Israel, at sa mga Kawikaan.

Ang Kawikaan 6 ay naglalaman ng isang listahan ng pitong bagay na tinatawag ng Diyos na kalapastangan: “May anim na bagay na kinapopootan ng Panginoon, pito na kalapastanganan sa Kaniya: mapagmataas na mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbubuhos ng dugong walang sala, isang pusong kumakatha ng masasamang plano, paa na nagmamadaling tumakbo sa kasamaan, bulaang saksi na nagsasabi ng kasinungalingan, at naghahasik ng alitan sa magkakapatid” (Kawikaan 6:16–19).

Sa Lucas 16:15, sinabi ni Jesus sa mga Pariseo, “Ang itinuturing na mahalaga sa mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.” Ang konteksto ng pahayag ni Jesus ay isang pagsaway sa pagmamahal ng mga Pariseo sa pera. Itinuturo Niya na ang isang tao ay hindi maaaring maglingkod sa dalawang panginoon at na ang paglilingkod sa Diyos at paglilingkod sa pera ay magkahiwalay (talata 13–14). Ang mga Pariseo ay tumugon nang may panunuya, na nagpapakita ng pagkabulag ng isang puso na nagsasaya sa tinatawag ng Diyos na isang kalapastanganan.

Sinasabi ng Tito 1:16 na ang mga huwad na guro ay maaaring “mag-angking kilala nila ang Diyos, ngunit sa pamamagitan ng kanilang mga gawa ay itinatanggi nila Siya. Sila ay kasuklam-suklam, masuwayin at hindi karapat-dapat sa paggawa ng anumang mabuti.” Parehong hinulaan nina Jesus at Daniel ang kasuklam-suklam na paninira na makakasira sa banal na lugar ng templo (Mateo 24:15; Daniel 9:27). May kaugnayan din sa mga huling panahon, ang patutot ng Babilonia ay inilalarawan na may hawak na “isang gintong saro sa kanyang kamay, na puno ng mga kalapastanganang mga bagay at ng karumihan ng kanyang mga pangangalunya” (Pahayag 17:4). Sinasabing siya ang ina ng lahat ng mga kasuklam-suklam sa lupa (Pahayag 17:5) at kinilala bilang “ang dakilang lungsod na namumuno sa mga hari sa lupa” (talata 18). Ang lungsod na ito kasama ang lahat ng kasuklam-suklam na gawain nito ay mawawasak (mga talata 16–17).

Mula sa pagsamba sa diyus-diyosan hanggang sa hindi patas na timbangan hanggang sa hindi makadiyos na pakikipagtalik hanggang sa iba't ibang uri ng kasamaan, ang mga kalapastanganan ay naghihiwalay sa mga tao sa Diyos. Kaya, ang lahat ng kasalanan (nawawala ang marka ng pagiging perpekto ng Diyos) ay maaaring ituring na isang kalapastanganan. Ang lahat ng kasalanan ay naghihiwalay sa atin sa Diyos at kasuklam-suklam sa Kanya (Roma 3:23; 6:23; Kawikaan 15:9). Ang pagkamuhi ng Diyos sa kasalanan ay ginagawang higit na kapansin-pansin ang sakripisyo ni Kristo sa krus. Sa krus na “ginawa ng Diyos na ang walang kasalanan ay kasalanan para sa atin, upang sa Kanya tayo ay maging katuwiran ng Diyos” (2 Corinto 5:21). Siya ay nagdusa at namatay para sa ating kasalanan. Sinabi ng Salmista patungkol kay Jesus: “Ako ay uod at hindi tao, hinamak ng lahat, hinamak ng mga tao” (Awit 22:6). Kinuha ni Jesus ang ating mga kalapastanganan sa Kanyang sarili at binigyan tayo ng regalo ng Kanyang katuwiran bilang kapalit. Lahat ng nagtitiwala sa Kanya ay maliligtas.



English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang kalapastanganan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries