Tanong
Ano ang kahulugan ng kasal?
Sagot
Sa buong mundo, hindi bababa sa labimpitong mga bansa ang nagpaging legal ng kasal sa pagitan ng magkaparehong kasarian. Malinaw na, ang kahulugan ng kasal para sa iba ay nagbabago. Ngunit karapatan ba ng isang pamahalaan na baguhin ang kahulugan ng pag-aasawa, o ang kahulugan ba ng kasal ay itinakda na ng mas mataas na awtoridad?
Sa Genesis kabanata 2, ipinahayag ng Diyos na hindi mabuti para kay Adan (ang unang tao) na mabuhay na mag-isa. Ang lahat ng mga hayop ay naroon, ngunit wala sa kanila ang angkop na kapareha para kay Adan. Kaya ang Diyos, sa isang natatanging kilos ng paglikha, ay gumawa ng isang babae. Sa susunod na mga talata, ang babae ay tinawag na "kanyang asawa" (Genesis 2:25). Ang Eden ang lugar ng unang kasal na inordina ng Diyos mismo. Itinala ng may akda ng Genesis ang pamantayan kung saan ang lahat ng mga kasal sa hinaharap ay binigyang kahulugan: "Iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina upang sumama sa kanyang asawa, sapagkat sila'y naging iisa" (Genesis 2:24).
Ang siping ito ng Kasulatan ay nagbibigay ng ilang mga punto para sa pag-unawa sa disenyo ng Diyos para sa kasal. Una, ang kasal ay para sa isang lalaki at isang babae. Ang salitang Hebreo para sa "asawang babae" ay partikular sa kasarian; ito ay hindi nangangahulugan ng anumang bagay maliban sa "isang babae." Walang sipi sa Banal na Kasulatan na binanggit ang kasal na may kinalaman sa iba maliban sa isang lalaki at isang babae. Imposibleng bumuo ng isang pamilya o magparami ang tao kung hindi ganoon. Dahil itinakda ng Diyos ang pagtatalik sa pagitan ng mag-asawa, ipinapakita nito na ang disenyo ng Diyos ay para mabuo ang pamilya sa pagsasama ng isang lalaki at babae at magkaroon sila ng mga anak.
Ang ikalawang prinsipyo mula sa Genesis 2 tungkol sa disenyo ng Diyos para sa kasal ay itinakda ang pagaasawa upang magtagal ng habang buhay. Sinasabi sa talata 24 na ang dalawa ay naging "isang laman." Si Eba ay kinuha mula sa tadyang ni Adan, at sa gayon siya ay literal na isang laman na kasama ni Adan. Siya ay nabuo mula kay Adan sa halip na mula sa lupa. Ang bawat kasal ay may layong ipakita ang pagkakaisa ni Adan at Eba. Sapagkat ang kanilang bigkis ay "sa laman," sila ay magsasama hanggang kamatayan. Walang nakasulat na kundisyon sa unang kasal na pinahihintulutan para ang dalawa ay papaghiwalayin. Iyon ay upang sabihin na idinesenyo ng Diyos na ang kasal ay panghabang buhay. Kapag ang isang lalaki at isang babae ay gumawa ng isang pangako bilang mag-asawa, sila ay "nagiging isang laman," na malapit na nakaugnay sa isa't isa hanggang kamatayan.
Ang ikatlong prinsipyo mula sa talatang ito tungkol sa disenyo ng Diyos para sa kasal ay monogamya o pagkakaroon ng iisa lamang asawa. Ang mga salitang Hebreo para sa "lalaki" at "asawang babae" ay isahan at hindi ipinapahintulot ang pagkakaroon ng maraming asawa. Kahit na ang ilang mga tao sa Banal na Kasulatan ay may maraming mga asawa, malinaw mula sa tala ng paglikha na disenyo ng Diyos para sa kasal ay isang lalaki at isang babae. Binigyang diin ni Jesus ang alituntuning ito nang gumamit Siya ng tala sa Genesis upang labanan ang kaisipan ng diborsyo (Mateo 19:4-6).
Hindi isang sorpresa na nais ng mundong baguhin ang itinatag ng Diyos. "Sapagkat kalaban ng Dios ang sinumang nahuhumaling sa mga bagay ukol sa laman; hindi siya sumusunod sa kautusan ng Dios at hindi niya kayang sumunod"(Roma 8: 7). Kahit sinusubukan ng mundo na magbigay ng sariling pakahulugan para sa kanilang tinatawag na "kasal," ang Bibliya ay matatag pa ring nakatayo. Ang malinaw na kahulugan ng kasal ay ang pag-iisa ng isang lalaki at isang babae habang buhay.
English
Ano ang kahulugan ng kasal?