Tanong
Ano ang kagalakan sa Panginoon?
Sagot
Ang kagalakan sa Panginoon ay ang kasiyahan ng puso na bunga ng pagkakilala sa Diyos, pagsunod kay Cristo at sa pagiging puspos ng Espiritu Santo.
Nang si Jesus ay isilang, ipinahayag ng mga anghel ang ”magandang balita na. . “magdudulot ng malaking kagalakan” (Lucas 2:10). Alam ng mga nakakita kay Jesus, pati na rin ng mga pastol ang kagalakang Kanyang hatid. Kahit bago pa man Siya isilang ay nagdudulot na Siya ng kagalakan, yan ay pinatotohanan ni Maria sa kanyang awit (Lucas 1:47) at sa pamamagitan ng “Kanyang paggalaw dahil sa tuwa” habang nasa sinapupunan pa lang siya ng kanyang ina (Lucas 1:44).
Si Jesus ay nagpakita ng kagalakan sa Kanyang ministeryo. Hindi Siya mapagkait sa sarili; katunayan nga, inaakusahan pa Siya ng Kanyang mga kaaway ng pagiging masayahin sa mga okasyon (Lucas 7:34). Inilalarawan din ni Jesus ang kanyang sarili bilang lalaking ikinasal na nagagalak sa piging ng kanyang kasal (Marcos 2:18-20); “Nagagalak Siya sa Espiritu Santo” (Lucas 10:210; Binabanggit Niya ang tungkol sa “Kanyang kagalakan” (Juan 15:11) at nangako Siyang bibigyan niya nito ang kanyang mga alagad habang nabubuhay (Juan 16:24). Makikita rin natin ang kagalakan sa karamihan ng mga talinghaga ni Jesus, kabilang ang tatlong kuwento sa ikalabing limang kabanata ng Lucas, kung saan binabanggit doon ang “kagalakan sa presensya ng mga anghel” (Lucas 15:10) at nagtapos ito sa nagagalak na pastol, nagagalak na babae, at nagagalak na ama.
Sinabi ni Nehemias sa mga nagsising Israelita na ang kagalakan ng Diyos ang magiging lakas nila (Nehemias 8:10). Katangian din ng unang simbahan ang tuwa at kagalakan sa Panginoon (Gawa 2:46; 13:52), at ang “kagalakan sa Espiritu ay binabanggit bilang pagkakakilanlan ng kaharian ng Diyos (Roma 14:17). Kaya't ang mga kabilang sa kaharian ay kabahagi ng kasiyahan nito.
Gayundin naman, ang kagalakan ay bahagi ng bunga ng Banal na Espiritu (Galacia 5:22-23). Dahil ang totoo, tungkulin natin bilang Kristiyano na magalak sa Panginoon (Filipos 3:1; 4:4; 1 Tesalonica 5:16). Ang mga mananampalataya ay “napupuspos ng hindi maipaliwanag na kagalakan” dahil kay Cristo (1 Pedro 1:8).
At dahil sa 'di pangkaraniwan nitong pinagmulan, ang kagalakan sa Panginoon o tuwa sa ating puso ay nariyan kahit sa panahon ng mga pagsubok ng buhay. Alam nating tayo ay mga anak ng Diyos at walang makakaagaw sa atin mula sa Kanyang mga kamay (Juan 10:28-29). Tayo ay tagapagmana ng “kayamanang hindi nasisira o naglalaho,” at walang sinuman ang makakaagaw nito sa atin (1 Pedro 1:4; Mateo 6:20). Ito rin ang dahilan kung bakit nakikita natin ang pinagmulan at nagpapaganap ng ating pananampalataya, at kahit magalit ng husto ang kaaway, alam natin na tayo pa rin ang magwawagi sa bandang huli (Hebreo 12:2; Awit 2).
Kaugnay nito, dahil sa pananampalataya ay nagtatagumpay tayo sa sanlibutan, at ang kagalakan sa Panginoon ang ating lakas. Ang mga pangit na pangyayari ay lalong nagpapatibay ng ating kagalakan sa halip na ito ay makahadlang sa ating pananampalataya. Naranasan din nila Pablo at Silas ang kahirapan nang sila ay mabilanggo sa Filipos habang naka pangaw ang mga paa. Nilabag ang kanilang legal na karapatan. Hinuli sila ng walang dahilan at hinagupit na hindi dumaan sa paglilitis. Ngunit dahil hindi sila makatulog sa kalaliman ng gabi, sila ay umawit ng malakas na papuri sa Panginoong kanilang pinaglilingkuran (Gawa 16:25). At pagkatapos ay nagkaroon ng himala (talatang 26).
Ang mga apostol din ay dalawang beses na hinuli, una ay inutusan silang huwag nang mangaral sa pangalan ni Jesus. Ang ikalawang pagkakataon na iniharap sila sa hukuman, sila ay hinagupit. Ngunit hindi sila natinag, bumalik silang “nagpupuri at nagagalak dahil alam nilang karapat-dapat ang kanilang pagdurusa sa pangalan ni Jesus” at nakahanda sila upang lalong magpatuloy sa pangangaral (Gawa 5:41). Datapuwa't, ang mga alagad ay sumusunod lamang sa halimbawa ng ating Panginoon na, “Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya inalintana ang kahihiyan ng pagkamatay sa krus. . .” (Hebreo 12:2).
Ang kagalakan sa Panginoon ay hindi mauunawaan ng taong hindi nagtataglay nito. Ngunit para sa mga sumasampalataya kay Cristo, ang kagalakan sa Panginoon ay likas na dumarating katulad ng bunga ng ubas sa puno nito. At habang tayo ay nananatili kay Cristo, ang tunay na puno ng ubas, tayong mga sanga ay napupuspos ng Kanyang lakas at buhay, at ang ating bunga, gayundin ang ating kagalakan ay nagmumula sa Kanya (Juan 15:5).
English
Ano ang kagalakan sa Panginoon?