settings icon
share icon
Tanong

Paano ako mananatiling nakatuon ang pansin kay Kristo?

Sagot


Sa ating mundo na napakabilis ng mga nangyayari, napakadali na mawala ang ating atensyon sa ating tunay na layunin sa buhay - ang sumamba sa Diyos. Sa pagsisikap na mapanatiling nakatuon ang pansin sa Diyos, dapat na may ginagawa ang bawat mananampalataya upang mapanatiling nakatuon ang kanilang pansin kay Kristo. Iba-iba ang pangangailangan ng bawat mananampalataya. Maaaring nagmememorya ng isang talata sa Bibliya kada linggo ang isang mananampalataya; maaari namang ang iba ay nagkakaroon ng pribadong pagaaral ng Bibliya tuwing umaga; at may iba naman na ang paraan ay pagbabahagi ng mensahe ng Ebanghelyo sa kahit isang hindi mananampalataya kada linggo. Ang bawat isa sa mga gawaing ito ay makatutulong upang mapanatiling nakatuon ang ating isip kay Kristo.

Gayundin, ang bawat isa sa mga gawaing ito ay may pagkakapareho. Ang mga ito ay kayang gawin ng mananampalataya upang mapanatili ang kanilang atensyon kay Kristo. Ito ay ang pagsuko - pagsuko kay Hesu Kristo. Ang pagsusuko ng ating buong buhay: ng ating mga pangangailangan, mga alalahanin, mga sakit, mga kagalakan at mga papuri. Ang pagsusuko ng pisikal, emosyonal, mental at espiritwal na aspeto ng ating mga buhay. Isaalang-alang natin ang mga sumusunod na talata: Roma 12:1, “Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba”- ito ang uri ng pagsamba na tinatanggap ng Diyos. Kung iisipin natin ang ginawa ng Diyos para sa atin, malaking bagay ba ang kanyang hinihinging ito sa atin? Luke 9:23-24: “At sinabi niya sa lahat, Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin sa araw araw ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. Sapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay, ay mawawalan nito; datapuwa't sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin, ay maililigtas nito yaon.'” Roman 6:13: “At huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan na pinaka kasangkapan ng kalikuan; kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios, na tulad sa nangabuhay sa mga patay, at ang inyong mga sangkap na pinaka kasangkapan ng katuwiran sa Dios.”

Ang isang isinukong buhay ay buhay ng pagtitiwala. Ito ay pagtitiwala na ang pinakamabuti para sa atin ang nais ng Diyos. Ito ay pagtitiwala na mapapaniwalaan ang Kanyang salita at maaaring angkinin ng literal. Ito ay pagtitiwala na ipagkakaloob Niya ang lahat ng ating mga pangangailangan. Inaalis ng pagsuko ang ating atensyon mula sa ating sarili patungo kay Kristo at ipinapakita natin ito sa pamamagitan ng pagsunod. Isinulat ni Pastor Rick Warren ng Saddleback Church sa Lake Forest, California, "Ang pagsuko ay hindi ang pinakamagandang paraan para mabuhay; ito lamang ang tanging paraan para mabuhay. Walang ibang paraan ang pinakamabuti. Ang lahat ng paraan ay magbubunga sa kabiguan, pagkadismaya at pagwasak sa sarili.” Walang ibang mas mabuting paraan upang mapanatiling nakatuon ang pansin kay Kristo kundi ang kumpletong pagsusuko ng ating buong buhay sa ating Panginoon at Tagapagligtas. English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Paano ako mananatiling nakatuon ang pansin kay Kristo?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries