Tanong
Lahat ba tayo ay ipinanganak na makasalanan?
Sagot
Oo, itinuturo ng Bibliya na tayong lahat ay ipinanganak na masama na may makasalanan at makasariling kalikasan. Maliban kung tayo ay ipanganak na muli sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, hindi natin makikita ang kaharian ng Diyos (Juan 3:3).
Ang sangkatauhan ay ganap na sira; ibig sabihin, lahat tayo ay may makasalanang kalikasan na nakakaapekto sa bawat bahagi ng buhay natin (Isaias 53:6; Roma 7:14). Ang tanong, saan nagmula ang makasalanang likas na iyon? Ipinanganak ba tayong makasalanan, o pinili lang nating maging makasalanan sa ibang pagkakataon pagkatapos ng kapanganakan?
Tayo ay ipinanganak na likas na makasalanan, at minana natin ito kay Adan. “Ang kasalanan ay pumasok sa mundo sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan, at sa ganitong paraan ang kamatayan ay dumating sa lahat ng tao” (Roma 5:12). Bawat isa sa atin ay naapektuhan ng kasalanan ni Adan; walang mga eksepsiyon. “Ang isang pagsuway ay nagbunga ng paghatol sa lahat ng tao” (talata 18). Lahat tayo ay makasalanan, at lahat tayo ay may iisang kahatulan, dahil lahat tayo ay mga anak ni Adan.
Ipinahihiwatig ng Kasulatan na kahit ang mga bata ay may likas na kasalanan, na nangangatwiran sa katotohanang tayo ay ipinanganak na makasalanan. “Ang kamangmangan ay nakatali sa puso ng isang bata” (Kawikaan 22:15). Sinabi ni David, " Ako'y masama na buhat nang isilang, makasalanan na nang ako'y iluwal" (Awit 51:5). “Iyang masasama sa mula't mula pa, mula sa pagsilang ay sinungaling na” (Awit 58:3).
Bago tayo naligtas, “tayo ay likas na karapatdapat sa galit” (Efeso 2:3). Tinangnan na karapat-dapat tayo sa galit ng Diyos hindi lamang dahil sa ating mga aksyon kundi dahil sa ating kalikasan. Ang kalikasang iyon ay ang minana natin kay Adan.
Tayo ay ipinanganak na makasalanan, at sa kadahilanang iyon ay hindi tayo makakagawa ng mabuti upang mabigyang-kasiyahan ang Diyos sa ating natural na kalagayan, o sa laman: “At ang nabubuhay ayon sa hilig ng laman ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos” (Roma 8:8). Noong una'y patay kayo dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan (Efeso 2:1) Kulang tayo ng anumang likas na espirituwal na kabutihan.
Walang sinuman ang kailangang turuan ang isang bata na magsinungaling; sa halip, kailangan nating magsikap nang husto upang itanim sa mga bata ang kahalagahan ng pagsasabi ng katotohanan. Ang mga paslit ay likas na makasarili, sa kanilang likas, bagama't may mali, ngunit nauunawaan na ang lahat ay "akin." Ang makasalanang pag-uugali ay natural na dumarating sa mga maliliit dahil sila ay ipinanganak na makasalanan.
Dahil tayo ay ipinanganak na makasalanan, kailangan nating maranasan ang pangalawa, espirituwal na kapanganakan. Minsan tayong isinilang sa pamilya ni Adan at likas na makasalanan. Kapag tayo ay ipinanganak na muli, tayo ay isinilang sa pamilya ng Diyos at binigyan ng kalikasan ni Cristo. Pinupuri natin ang Panginoon na “sa lahat ng tumanggap sa Kanya, sa mga naniwala sa Kanyang Pangalan, binigyan Niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos—mga anak na isinilang na hindi sa likas na pinagmulan . . . ngunit ipinanganak ng Diyos” (Juan 1:12–13).
English
Lahat ba tayo ay ipinanganak na makasalanan?