Tanong
Ano ang inilapat na kasalanan?
Sagot
Sa Halamanan ng Eden, ng magkasala si Adan sa pamamagitan ng pagkain ng bunga mula sa Puno ng Kaalaman ng Mabuti at Masama, ang pagsuway na iyon ay nagbunga ng malubha, at dalawang beses na epekto sa sangkatauhan. Ang unang epekto ay orihinal na kasalanan at ang pangalawa ay ang inilapat na kasalanan.
Si Adan, bilang pinuno ng sangkatauhan ang naging dahilan upang ang bawat tao pagkatapos niyang ipanganak ay nahulog sa makasalanang kalagayan. Ang epektong ito ng kasalanan ni Adan ay kilala bilang orihinal na kasalanan at kadalasang tinutukoy bilang minanang kasalanan. Ang lahat ng tao ay nagmana ng makasalanang kalikasan sa pamamagitan ng orihinal na pagsuway ni Adan (Roma 5:12–14).
Bilang karagdagan sa pagtanggap ng isang makasalanang kalikasan, ang lahat ng tao na ipinanganak pagkatapos ni Adan ay nilapatan ng kasalanan ni Adan (Roma 5:18). Iyan ang kahulugan ng inilapat na kasalanan. Ang pagsalin ay isang pagkilala sa isang bagay. Ang inilapat na kasalanan ay ang pagkakasala ni Adan na iniuugnay o ipinagkaloob sa atin. Ang lahat ng tao ay ibinibilang na nagkasala kay Adan at sa gayon ay karapat-dapat sa parehong parusa para kay Adan. Ang inilapat na kasalanan ay nakakaapekto sa ating katayuan sa harap ng Diyos (tayo ay nagkasala, hinatulan), samantalang ang orihinal na kasalanan ay nakakaapekto sa ating pagkatao (tayo ay nasisira sa moralidad). Ang parehong orihinal at inilapat na kasalanan ay nagpailalim sa atin sa paghatol ng Diyos.
Ang terminong “paglalapat” ay ginagamit sa parehong legal at pinansyal na aspeto at nangangahulugang "italaga ang anumang aksyon, salita, o bagay na ipinasa sa ibang tao.” Sa Bibliya, ang kasalanan ni Adan ay inilapat sa lahat ng kanyang mga inapo, at sila ay itinuring na nagkasala. Hindi ito nangangahulugan na sila ay personal na nagkasala ng parehong kasalanan ni Adan, ngunit ang kanyang kasalanan ay inilapat sa kanila at sa gayon ang bawat tao ay nakikibahagi sa pagkakasala at kaparusahan ng orihinal na paglabag na iyon.
Ang parusa sa kasalanan ay kamatayan. Tayo ay napailalim sa espiritwal na kamatayan, o pagkahiwalay sa Diyos sa kasalukuyang buhay na ito dahil sa inilapat na kasalanan: “Noong una'y patay kayo dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan. Sinusunod ninyo noon ang masamang takbo ng mundong ito, at napailalim kayo sa pinuno ng mga kapangyarihan sa himpapawid, ang espiritung naghahari sa mga taong ayaw pasakop sa Diyos. Ang totoo, tayong lahat ay dati ring namumuhay ayon sa pagnanasa ng ating laman, at sumusunod sa mga hilig ng katawan at pag-iisip. Kaya't sa ating likas na kalagayan, kabilang tayo sa mga taong kinapopootan ng Diyos” (Efeso 2:1–3). Kung magpapatuloy tayo sa ganitong kalagayan ng pagkahiwalay sa Diyos, ang resulta ay ang ikalawang kamatayan, o kamatayang walang hanggan (Pahayag 20:11–15).
Ang pisikal na kamatayan ay isang parusa din para sa inilapat na kasalanan: “Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala” (Roma 5:12). Ang pagkakasala ni Adan ay direktang inilapat sa buong sangkatauhan kaya lahat ng tao ay napailalim na ngayon sa kamatayan (Roma 6:23).
Itinuro ni apostol Pablo ang inilapat na kasalanan sa iba't ibang mga talata: “Maraming tao ang namatay dahil sa kasalanan ng isang tao,” “At kung paanong ang pagsuway ng isang tao ay nagdulot ng kaparusahan sa lahat,” “Sapagkat kung naging makasalanan ang marami dahil sa pagsuway ng isang tao” (Roma. 5:15, 18, 19), at “Kay Adan ang lahat ay namamatay” (1 Corinto 15:22).
Ang mabuting balita tungkol sa orihinal at inilapat na kasalanan ay ang Diyos ay nagkaloob ng lunas, isang walang hanggang plano ng kaligtasan bago pa man magkasala si Adan sa Halamanan.
Ang lunas para sa inilapat na kasalanan ay ang pagpawalang-salang ginawa ni Jesu-Kristo: “Sapagkat kung naging makasalanan ang marami dahil sa pagsuway ng isang tao, marami rin ang mapapawalang-sala dahil sa pagsunod ng isang tao” (Roma 5: 19). Sa sandaling ang isang makasalanan ay magtiwala kay Jesus at tanggapin ang Kanyang kaloob na kaligtasan, ang katuwiran ni Kristo ay inilalapat sa kanya: “Sapagkat kung paanong namamatay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Adan, gayundin naman, mabubuhay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Cristo” (1 Corinto 15:22). Ang mga mananampalataya ay nagtataglay ng inilapat na katuwiran ni Cristo.
Kung paanong ang lahat ng tao ay kay Adan, gayundin, ang lahat ng mananampalataya ay kay Kristo. Ang pagiging na kay Kristo ay nangangahulugan na ang Kanyang katuwiran ay atin na ngayon. Sa pamamagitan ng handog na kamatayan ni Kristo sa krus, ang kasalanan ng sangkatauhan ay inilapat kay Kristo. Tinanggap ni Hesus sa Kanyang sarili ang kaparusahan para sa ating kasalanan: “Siya'y ipinapatay dahil sa ating mga kasalanan at muling binuhay upang tayo'y mapawalang-sala” (Roma 4:25).
Ang mga mananampalataya ay hindi pa ganap sa katuwiran. Gayunman, nakabihis sa kanila ang katuwiran ni Kristo: “Hindi nagkasala si Cristo, ngunit alang-alang sa atin, siya'y itinuring na makasalanan upang sa pakikipag-isa natin sa kanya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos” (2 Corinto 5:21). Sinagot ni Jesus ang mga hinihingi ng katarungan para sa ating kasalanan at natugunan ang mga kinakailangan ng Kautusan (Roma 3:25–26; Colosas 2:14).
English
Ano ang inilapat na kasalanan?