settings icon
share icon
Tanong

Dapat ba tayong magikapu mula sa kabuuan ng natanggap nating pera/suweldo o sa natira pagkatapos na bawasin ang mga gastos?

Sagot


Ang pagiikapu ay isang konsepto sa Lumang Tipan. Ang ikapu ay isang kundisyon ng kautusan kung saan ang lahat na mga Israelita ay dapat magbigay ng sampung porsyento ng lahat na kanilang kinita—o ng bunga ng kanilang pananim o ng mga hayop na kanilang inalagaan—sa tabernakulo / templo (Levitico 27:30; Bilang 18:26; Deuteronomio 14:24; 2 Cronica 31:5). Hindi iniutos sa mga sumasampalataya kay Cristo na magbigay ng sampung porsyento ng kanilang kinikita. Ang bawat Kristiyano ay dapat na manalangin at hanapin ang karunungan ng Diyos kung magkano ang kanyang ibibigay sa iglesya (Santiago 1:5). Marami ang naniniwala na ang konsepto ng pagiikapu sa Lumang Tipan ay isang magandang prinsipyo na maaaring gayahin ng mga mananampalataya. Ang pagbibigay ng sampung porsyento ng iyong kinikita ay nagpapakita ng iyong pasasalamat sa Kanya sa lahat na Kanyang ipinagkaloob at nakatutulong para magtiwala sa Diyos sa halip na sa kayamanan.

Hindi partikular na itinuturo sa Bibliya kung dapat tayong magbigay ng ikapu mula sa kabuuang kita o pagkatapos na bawasin ang mga ginastos. Itinuturo sa Lumang Tipan ang prinsipyo ng pagbibigay ng unang bunga ng mga pananim (Exodo 23:16; 34:22; Levitico 2:12-14; 2 Cronica 31:5). Nagbibigay ang mga mananampalataya sa Lumang Tipan mula sa pinakamainam ng kanilang inani, hindi mula sa natira. Dapat din nating ilapat ang parehong prinsipyo sa ating pagbibigay ngayon. Ang lahat ay may kinalaman sa kalagayan ng puso. Nagbibigay ba tayo dahil sa ating pagsamba sa Diyos o dahil sa kapalit? “Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sa kanyang pasya, maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay nang may kagalakan” (2 Corinto 9:7).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Dapat ba tayong magikapu mula sa kabuuan ng natanggap nating pera/suweldo o sa natira pagkatapos na bawasin ang mga gastos?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries