settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ibig sabihin na ang isang tao ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos (1 Corinto 6:9-11)?

Sagot


Unang nabanggit ang hindi pagmamana ng kaharian ng Diyos ay matatagpuan sa unang sulat ni Pablo sa simbahan sa Corinto. “Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae, nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos. Ganyan ang ilan sa inyo noon. Subalit nilinis na kayo sa inyong mga kasalanan at ginawa na kayong banal ng Diyos. Pinawalang-sala na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo at sa pamamagitan ng Espiritu ng ating Diyos” (1 Corinto 6:9-11).

Sa pagsasabing hindi magmamana ng kaharian ng Diyos ang masasama, sinasabi ni Pablo na ang masasama ay hindi mga anak ng Diyos, ni mga tagapagmana ng buhay na walang hanggan (Roma 8:17). Hindi ito nangangahulugan na ang sinumang nakagawa ng isa sa mga kasalanang ito ay hindi papasukin sa langit. Ang pinagkaiba ng buhay ng isang Kristiyano sa buhay ng isang di-Kristiyano ay ang pakikibaka laban sa kasalanan at ang kakayahang pagtagumpayan ito. Ang isang tunay na Kristiyano ay palaging nagsisisi, palaging babalik sa Diyos kalaunan, at palaging nagpapatuloy sa pakikibaka laban sa kasalanan. Ngunit ang Bibliya ay hindi nagbibigay ng suporta para sa ideya na ang isang tao na walang tigil at di-nagsisisi sa pagsasagawa ng kasalanan ay maaari talagang maging isang Kristiyano. Ang talata sa 1 Corinto ay naglilista ng mga kasalanan na, kung patuloy na ginagawa, makikilala ang isang tao bilang hindi tinubos ni Kristo.

Ang tugon ng Kristiyano sa kasalanan ay ang kapootan ito, pagsisihan ito, at talikuran ito. Nakikibaka pa rin tayo sa kasalanan, ngunit sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu na nasa sa atin, nagagawa nating labanan at mapagtagumpayan ang kasalanan. Ang isang katangian ng isang tunay na Kristiyano ay ang pagbabawas ng presensya ng kasalanan sa kanyang buhay. Habang lumalaki at tumatanda ang mga Kristiyano sa pananampalataya, ang kasalanan ay unti-unting nababawasan sa paghawak sa atin. Siyempre, imposibleng wala ng kasalanan sa buhay na ito, ngunit ang pagkamuhi natin sa kasalanan ay nagiging mas malaki habang tayo ay tumatanda. Tulad ni Pablo, tayo ay nababagabag na ang kasalanan ay nananatili pa rin sa ating laman, na nagiging sanhi kung minsan na gawin natin ang mga hindi natin gustong gawin at umaasa kay Cristo para sa kaginhawahan mula sa “katawan na makalaman” na ito ( Roma 7:18-25).

Kung ang isang tao ay aktibo, walang tigil, at hindi nagsisisi na namumuhay sa isang homoseksuwal na pamumuhay, bilang isang magnanakaw, isang sakim na pamumuhay, isang maglalasing, atbp., ang taong iyon ay nagpapakita ng kanyang sarili na hindi ligtas, at ang gayong tao ay tiyak na hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang ibig sabihin na ang isang tao ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos (1 Corinto 6:9-11)?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries