settings icon
share icon
Tanong

Bakit ako nagdurusa sa kasalanan ni Adan gayong hindi ako ang kumain ng bunga?

Sagot

Ang sabi ng Bibliya, “Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala” (Roma 5:12). Si Adan ang nagdala ng kasalanan sa mundo. Nang magkasala si Adan, agad siyang namatay sa espiritwal—nasira ang kanyang relasyon sa Diyos—at nagsimula rin siyang mamatay sa pisikal—nagsimula sa kanyang katawan ang proseso ng pagtanda at pagkamatay. Mula noon, ang bawat taong isinilang ay nagmana ng makasalanang kalikasan ni Adan at nagdusa ng parehong bunga ng espiritwal at pisikal na kamatayan.

Tayo ay ipinanganak na buhay sa pisikal ngunit patay sa espirituwal. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ni Hesus kay Nicodemo, “Kailangan mong ipanganak na muli” (Juan 3:7). Ang kapanganakan natin sa pisikal ay nagbibigay sa atin ng makasalanang kalikasan ng tao; Ang pagsilang natin muli sa espirituwal ay nagbibigay sa atin ng bagong kalikasan, “nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.” (Efeso 4:24).

Maaaring hindi makatarungan ang pagdurusa dahil sa kasalanang mula kay Adan, ngunit may mahalaga pa rin itong layunin sa buhay ng tao. Nagmana tayo ng ilang pisikal na katangian tulad ng kulay ng mata mula sa ating mga magulang, at namana din natin ang ilan sa kanilang mga espiritwal na katangian. Bakit dapat maisalin ang mga espiritwal na katangian ng iba kaysa pisikal na mga katangian? Maaring ikumpara natin ang pagkakaroon ng kayumangging mata sa ibang tao na may asul na mata, ngunit ang kulay ng ating mata ay namamana lamang na katangian. Sa parehong paraan, ang pagiging makasalanan ay “namana natin sa espiritwal”; ito ay likas na aspeto ng buhay.

Gayunman, sinasabi ng Bibliya na tayo ay makasalanan sa pamamagitan ng ating mga gawa gayundin sa kalikasan. Sa parehong bagay tayo’y naging makasalanan: una, pinipili nating maging makasalanan (mula nang ginawa ni Adan ang desisyong iyon), at pangalawa, pinipili nating maging makasalanan (dahil nagkakasala tayo). “Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos” (Roma 3:23). Higit pa tayo sa mahilig gumawa ng kasalanan; tayo ay likas na makasalanan. “Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling nasa” (Santiago 1:14). Kapag nakita ng driver ang speed limit sign at lumampas ito, makakatanggap siya ng reklamo. Ang pagkakamali niyang ito ay hindi maaring isisi kay Adan.

“Hindi ako ang kumain ng bunga.” Totoo, ngunit sinasabi ng Kasulatan na tayo, bilang indibidwal at bilang isang lahi ng tao ay kinakatawan lahat ni Adan. “Tayong mga tao ay mamamatay dahil sa kaugnayan natin kay Adan” (1 Corinto 15:22). Ang isang diplomat na nagsasalita sa United Nations ay maaaring gumawa o magsabi ng mga bagay na hindi sinasang-ayunan ng marami sa kanyang mga kababayan, ngunit siya pa rin ang diplomat—siya ang opisyal na kinikilalang kinatawan ng bansang iyon.

Si Adan ang unang taong nilikha, at ang teolohikal na konsepto ng isang tao na kumakatawan sa kanyang mga inapo ay kilala bilang "Pederalismo." Siya ang “kumakatawan” sa mga tao. Inilagay siya sa hardin upang alagaan ang lahat ng nilikha pati na rin ang kanyang sarili. Ang bawat isa sa atin ay "mula kay Adan," gaya ng paglalarawan sa kanya. Nilinaw ng Kasulatan na ang ideya ng Pederalismong pamumuno ay makikita sa ibang lugar: “Kaya't masasabi na rin na maging si Levi na tumatanggap ng ikasampung bahagi, ay nagbigay rin ng ikasampung bahagi sa pamamagitan ni Abraham. Sapagkat masasabing si Levi ay nasa katawan pa ng kanyang ninunong si Abraham nang ito'y salubungin ni Melquisedec” (Hebreo 7:9-10). Si Levi ay isinilang ilang siglo pagkatapos mabuhay si Abraham, ngunit nagbayad si Levi ng ikapu kay Melquisedec “sa pamamagitan ni Abraham.” Si Abraham ang pederal na pinuno ng mga Hudyo, at ang kanyang mga aksyon ay kumakatawan sa hinaharap sa labindalawang tribo at sa Levitikal na pagkasaserdote.

“Hindi ako ang kumain ng bunga.” Totoo, ngunit ang lahat ng kasalanan ay may mga kahihinatnan na higit pa sa unang pagkakamali. “Walang sinuman sa atin ang nabubuhay o namamatay para sa kanyang sarili lamang," kilalang kasabihan na isinulat ni John Donne. Ang katotohanang ito ay maaaring gamitin sa espiritwal. Siyempre, ang kasalanan ni David kay Bathsheba ay nakaapekto kay David, ngunit mayroon din itong epekto kay Urias, at sa hindi pa isinisilang na anak ni David, sa iba pang pamilya ni David, at sa buong bansa, at maging sa mga kaaway ng Israel (2 Samuel 12:9-14). Ang kasalanan ay palaging may hindi kanais-nais na epekto sa mga nakapaligid sa atin. Ang mga delubyo ng napakalaking kasalanan ni Adan ay nararamdaman pa rin natin.

“Hindi ako ang kumain ng bunga.” Totoong wala ka doon sa Hardin ng Eden, ngunit ang iyong makasalanang bibig ay may bawal na katas ng prutas. Gayunman, waring iminumungkahi ang Bibliya na kumilos ka rin sa paraang gaya ni Adan kung naroroon ka. Tulad ng sinasabi nila, kung ano ang puno, siya rin ang bunga.

Hindi mahalaga kung naniniwala tayo na "makatarungan" na iugnay ang pagsuway ni Adan sa ating sarili. Dahil ang Diyos ay nagpahayag na tayo ay likas na makasalanan, sino tayo para tutulan ang Kanyang salita? Higit pa rito, lahat tayo ay likas na makasalanan. Kung ikukumpara sa ating sariling kasalanan, mas matuwid na tao pa si Adan pa kung ikukumpara sa atin.

Ito ang Mabuting Balita: Iniibig ng Diyos ang makasalanan. Sa totoo lang, pinasan niya ang bigat ng ating mga kasalanan “upang tayo'y mamatay na sa kasalanan at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos” (1 Pedro 2:24). Tinanggap ni Jesus ang hatol na kamatayan na nararapat para sa atin, “upang sa pamamagitan niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos” (2 Corinto 5:21). Pansinin ang mga salitang “sa pamamagitan niya.” Tayong dating kay Adan ay maaari ng mapasakay Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya. Si Kristo ang bagong kumakatawan sa atin, at “mabubuhay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Cristo” (1 Corinto 15:22).

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries