Tanong
Ipinangako ba ng Diyos na hindi Niya tayo bibigyan na pagsubok na higit sa ating makakaya?
Sagot
Sinasabi sa 1 Corinto 10:13, “Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na di dinanas ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipahihintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon.” Ang tatalang ito ay nagtuturo sa atin ng isang makapangyarihang prinsipyo. Kung tayo ay sa Diyos, hindi Niya hahayaan na maranasan natin ang anumang kahirapan sa buhay na hindi natin kayang pagtagumpayan.
Kaya anuman ang ating nararanasan, anuman ang tumutukso sa atin o trahedya na dumating sa atin – kaya nating pagtagumpayan ang mga iyon at magkamit ng espiritwal na pagtatagumpay. Hindi ito nangangahulugan na laging magiging madali ang buhay para sa atin. Sa kabaliktaran – ang katotohanan na maaari tayong mangailangan ng paraaan upang tumakas sa mga pagsubok ay nagpapahiwatig na pinapayagan minsan ng Diyos na ating maranasan ang mahihirap na pagsubok. Maaaring hindi tayo maniwala na hindi natin mapagtatagumpayan ang mga iyon, at maaaring bumagsak tayo sa pagsubok. Ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi natin kayang pagtagumpayan ang mga iyon sa huli. Anuman ang pagsubok na darating sa ating buhay, ipinangako ng Diyos na kaya natin iyong pagtagumpayan.
Ngunit ano ang ibig sabihin ng “pagtagumpayan” ang mga pagsubok? Nangangahulugan ito na hindi kayang talunin ng mga pagsubok ang ating panananampalataya o maaapektuhan man ang ating posisyon bilang mga anak ng Diyos at makakalampas tayo sa pagsubok ng hindi napapahamak. Ang ating eternal na hantungan sa langit ay hindi nalalagay sa panganib dahil lagi tayong iniingatan ng Banal na Espiritu, na ibinigay sa atin ng Diyos bilang paunang bayad sa ating kaligtasan (Efeso 1:13-14). Walang pagsubok ang makahahadlang sa ating kaligtasan, dahil ang kaligtasan ay sa Diyos. Kaya nga, ang mga tunay na anak ng Diyos ay makatatayong matatag sa gitna ng mga pagsubok dahil iniingatan sila ng Diyos. Ito ang katibayan na totoo ang ating kaligtasan at ang gantimpala na naghihintay sa atin sa langit. Tiniyak sa atin ni Santiago, “Mapalad ang taong nananatiling tapat, sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos siyang subukin, tatanggap siya ng putong. Ito'y ang buhay na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya” (Santiago 1:12).
English
Ipinangako ba ng Diyos na hindi Niya tayo bibigyan na pagsubok na higit sa ating makakaya?