settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ibig sabihin ng hanapin muna kaharian ng Diyos?

Sagot


Sinabi ni Hesus na unahin muna ang Kanyang kaharian sa Kanyang sermon sa Bundok (Mateo 6:33). Direkta ang kahulugan ng talatang ito. Dapat nating hanapin ang kaharian ng Diyos bilang ating prayoridad higit sa anumang bagay dito sa mundo. Ang pangunahing kahulugan nito ay dapat nating hanapin ang kaligtasan na likas sa kaharian ng Diyos dahil higit itong mahalaga kaysa sa lahat ng kayamanan sa mundo. Nangangahulugan ba ito na dapat nating pabayaan ang mga pang araw-araw nating gawain upang itaguyod ang ating mga buhay. Siyempre hindi. Ngunit para sa isang Kristiyano, dapat na may pagkakaiba sa ating saloobin sa mga bagay na ito. Kung itinuturing nating una sa lahat ng bagay ang gawain ng Diyos — ang paghahanap ng kaligtasan, pamumuhay sa pagsunod sa Kanya, at pagbabahagi ng Mabuting Balita sa iba—Siya ang bahala sa ating mga gawain gaya ng Kanyang ipinangako—at ito ang nararapat, kaya't bakit tayo magaalala?

Ngunit paano natin malalaman na tunay ngang inuuna nating hanapin ang kaharian ng Diyos? Narito ang mga tanong na maaari nating itanong sa ating sarili: "Ano ang mga gawain na higit nating pinaggugugulan ng lakas? Ang panahon at salapi ko ba ay nagugugol para sa mga bagay at gawain na tiyak na maglalaho, o para sa paglilingkod sa Diyos—na ang resulta ay may kinalaman sa walang hanggan?" Ang mga mananampalataya na natutunan na tunay na unahin ang Diyos ng higit sa lahat ng bagay ay nananangan sa banal na prinsipyong ito: "…at lahat ng mga bagay ay pawang idaragdag sa inyo."

Ipinangako ng Diyos na pagkakalooban Niya ng lahat ng pangangailangan ang lahat ng sa Kanya (Filipos 4:19), ngunit ang ideya ng ating pangangailangan ay laging kakaiba sa Kanyang pakahulugan, at ang Kanyang panahon ay paminsan-minsan lamang na umaangkop sa ating panahon. Halimbawa, maaaring ang nakikita nating pangangailangan ay kayamanan o pagsulong sa ating personal na buhay, ngunit maaaring iba ang nais ng Diyos para sa atin dahil mas alam Niya kaysa sa atin kung ano ang ating kinakailangan. Maaring ang kinakailangan natin ay isang panahon ng kahirapan, pagkawala ng isang mahalagang tao o bagay, o kalungkutan. Sa tuwing nangyayari ito sa ating buhay, nasa mabubuti tayong mga kamay. Parehong iniibig ng Diyos si Job at si Elias, ngunit hinayaan ng Diyos si Satanas na saktan si Job (ang lahat ng pangyayari ay nasa ialim ng Kanyang kapamahalaan), at hinayaan Niya ang isang masamang babaeng si Jezebel na "durugin" ang espiritu ng Kanyang propetang si Elias (Job 1–2; 1 Hari 18–19). Sa parehong pangyayari, sinundan ng Diyos ang mga pagsubok na ito ng pagpapanumbalik at pagkakaloob ng kanilang mga pangangailangan.

Ang mga negatibong aspetong ito ng kaharian ay sumasalungat sa mga maling katuruan na ngayon ay sumisikat sa buong mundo, ang tinatawag na Ebanghelyo ng Kasaganaan o prosperity Gospel. Lumalagong bilang ng mga bulaang mangangaral ang umaakit ng maraming tagasunod sa likod ng mensaheng "Nais ng Diyos na payamanin kayo!" Ngunit ang pilosopiyang ito ay hindi ayon sa katuruan ng Bibliya— at tiyak na hindi ito ang kahulugan ng Mateo 6:3; hindi ito isang pormula para sa pagpapayaman, kundi isang paglalarawan sa pagkilos ng Diyos. Itinuturo ni Hesus na ang ating pansin ay dapat na palayo sa mundong ito — ang kasamaan at mga kasinungalingan sa likod ng pangaakit nito — at sa halip, ituon natin ang ating pansin sa mga bagay sa Kanyang Kaharian.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang ibig sabihin ng hanapin muna kaharian ng Diyos?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries