settings icon
share icon
Tanong

Paano ko masusumpungan ang espiritwal na pagkatawag sa akin?

Sagot


Nais maunawaan ng mga tao kung paano nila masusumpungan ang espiritwal na pagkatawag sa kanila, halimbawa, ano ang nais ng Diyos na gawin nila sa kanilang buhay. Gusto nilang malaman ang isang dakilang layunin na taglay ng Diyos para sa kanila, ang isang pangunahing espiritwal na kaloob na aabot ng daan-daan, libu-libo o milyun-milyon. Gayunman, ang katotohanan ay hindi tinatawag ng Diyos ang maraming tao na ialay ang kanilang buhay sa isang partikular na lugar. At kung ito man ay Kanyang ginagawa, ito ay ayon sa Kanyang itinakdang panahon.

Sa popular na kulturang Kristiyano, ang mga taong nakakasumpong ng kanilang angkop na lugar at tumitira roon ng maraming taon ang karaniwang nakakakuha ng atensyon. Ang mga pangunahing lider ng iglesya, mga musikero at mga ebanghelista ay malimit gumugugol ng maraming dekada sa paggawa at pagpapahusay sa lugar kung saan sila tinawag ng Diyos upang maglingkod. Ngunit, karamihan sa mga mananampalataya ay hindi tinawag para sa isang panimulang ministeryo lamang. Sa halip ay tinawag tayo sa ibat-ibang paraan, ayon sa antas ng ating buhay, paglagong espiritwal, at batay sa pangangailangan ng mga nasa paligid natin. Tinawag tayo ng Diyos upang maglingkod, saan man tayo naroroon. Sinumang may kaloob sa pagtuturo ay maaaring manguna sa panglinggong pag aaral, magturo sa paaralang Kristiyano, at gumawa ng kurikulum. O kaya ay maaari siyang magtrabaho sa isang bangko at makahanap ng pagkakataon upang turuan ang iba tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng iba't-ibang mga sitwasyon. Tinawag tayo upang punuan ang pangangailangan ng katawan (1 Corinto 12:7), ngunit hindi ito nangangahulugan na isang ministeryo o paglilingkod lamang ang ibinigay sa atin upang pagtuunan natin habang buhay, bagaman, minsan ay ganun ang nangyayari.

May pagkakataon na ang Diyos ay nagbibigay ng isang partikular na ministeryo sa isang tao. Ngunit ito ay Kanyang ginagawa ayon sa Kanyang takdang panahon. Katulad ng pag eensayo bago makipagtagisan, ito ay nangangailangan ng panahon upang umunlad ang karunungan at kasanayang kailangan natin (1 Corinto 3:2). Kung bibigyan tayo ng Diyos ng misyon bago ang pagsasanay, sisikapin nating gawin agad ito. Kaya't pinipigilan tayo ng Panginoon, at sa halip ay naglalaan Siya ng panahon upang linangin ang ating praktikal na kasanayan (Lucas 2:52), kaalamang espiritwal (2 Pedro 3:18), at pananampalataya (Santiago 2:22). Tinalakay ni Santiago ang tungkol sa bagay na ito sa Santiago 1:2-4: “Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang.”

Maraming tao ang nababalisa at nais matuklasan ang pagkatawag ng Diyos sa kanila, ngunit nang gamitin ang salitang “pagkatawag” sa Bagong -Tipan, ito ay halos tumutukoy sa pagkatawag sa atin bilang mga mananampalataya (Roma 11:29; 1 Corinto 1:2; Efeso 1:18, 4:1, 4; 2 Tesalonica 1:11; 2 Timoteo 1:9; Hebreo 3:1; 2 Pedro 1:10), At hindi tungkol sa pagtawag para sa isang partikular na ministeryo o gawain. Sa katapus-tapusan,” tinawag” tayo upang mahalin ang Diyos, mahalin ang iba, sundin ang Diyos at arugain ang ating kapwa. At kung pagtutuunan natin ng pansin ang pagtupad sa mga responsibilidad na ibinigay ng Diyos sa atin. Iingatan Niya ang ating patotoo sa sanlibutan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Paano ko masusumpungan ang espiritwal na pagkatawag sa akin?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries