settings icon
share icon
Tanong

Bakit dapat tayong magbihis ng maayos sa iglesya/simbahan?

Sagot


Magandang pagisipan natin kung bakit tayo nagdadamit ng maayos sa tuwing tayo ay nananambahan. Ang Genesis 35:3-5 ang magbibigay liwanag patungkol sa paksang ito. “Aalis tayo rito at pupunta sa Bethel. Magtatayo ako roon ng altar para sa Diyos na kasama ko saanman at laging tumutulong sa akin sa panahon ng kagipitan.” Ibinigay nila kay Jacob ang kanilang mga diyus-diyosan at ang suot nilang mga hikaw. Ang lahat ng ito'y ibinaon ni Jacob sa tabi ng malaking punong malapit sa Shekem. Ang mga tao sa mga karatig-bayan ay natakot kay Jacob at sa kanyang mga anak na lalaki, kaya't walang nangahas humabol sa kanila nang sila'y umalis.'“

Posible na habang inuumpisahan ni Jacob ang kanyang paglalakbay-pananampalataya patungo sa Bethel kasama ang Diyos, kinilala niya kung gaano kalaki ang ginawa ng Diyos para sa kanya, at kung gaano niya kailangan ang Diyos! Ang tugon niya ay isama ang lahat ng kanyang mahal sa buhay sa kanyang paglalakbay upang maranasan nila ang Diyos sa kanilang sarili. Ang salitang “pakalinisin ninyo ang inyong sarili” ay nagpapahiwatig na kailangan nilang magkaisa “sa paglapit ng malinis” sa Diyos. “Dahil ang lahat ay nagkasala….” (Roma 3:23). Marami ang nagkaroon ng mga “diyusdiyusan sa kanilang mga bahay” na kanilang isinama at kanilang pinagtiwalaan maliban sa Diyos. Hindi sila nagtiwala sa Diyos lamang. Ang “pagpapalit ng kasuutan” ay nagpapahiwatig ng pagbabago ng puso patungkol sa kasalanan. Ito ay dapat na maging larawan kung ano ang naganap sa “panloob.”

Makikinabang tayong lahat mula sa isang “espiritwal na paliligo” para ipahayag at iwaksi ang ating kasalanan bago tayo pumunta sa simbahan. Ito ay ang paglilinis sa ating mga sarili. Para sa ilan, ang malinis ang kanilang “pinakamaganda.” Para isa iba, sinasabi sa kanila ng kanilang mga puso na ang pagsusuot nila ng pinakamaganda nilang kasuutan ay pagpapakita nila ng pagpapahalaga sa Diyos. Para naman sa iba, kailangan na may pagiingat na ang pagsusuot ng pinakamaganda para sa kanila ay hindi lamang isang paraan ng pagpapahanga sa iba.

Laging ang puso ang tinitingnan ng Diyos sa halip na ang panabas. Gayunman, ang ating isinusuot sa pagsamba sa ating banal at ganap na Diyos ay maaaring isang indikasyon ng kalagayan ng ating mga puso. Kung hindi mo pa ito naisip dati, tanungin mo ang iyong sarili, “Mahalaga ba sa akin ang aking hitsura kung pupunta ako sa simbahan para sambahin ang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon? Ang higit na mahalagang tanong, mahalaga ba ito sa Kanya?” Dapat na tayo ang humatol sa ating mga sarili. Ito ay personal nating desisyon habang isinasaalang-alang na ang pagkakaroon ng tamang saloobin para sa Diyos ay isang mahalagang paghahanda para sa araw ng sama-samang pagsamba.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Bakit dapat tayong magbihis ng maayos sa iglesya/simbahan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries