Tanong
Ano ang sinasabi ng Bibliya sa pagiging silahis / pagkakaroon ng dalawa o maraming kasarian? Ang pagiging silahis ba ay isang kasalanan?
Sagot
Hindi direktang binabanggit sa Bibliya ang pagiging silahis o pagkakaroon ng maraming kasarian. Gayunman, dahil sa malinaw na pagkondena ng Bibliya sa pagiging bakla at tomboy, maituturing din na isang kasalanan ang pagiging silahis. Kinokondena sa Levitico 18:22 ang pagkakaroon ng sekswal na relasyon sa pareho ang kasarian. Kinokondena din sa Roma 1:26-27ang sekswal na ugnayan sa pagitan ng dalawang taong pareho ang kasarian at itinatakwil ang likas na ugnayang sekswal. Sinasabi sa 1 Corinto 6:9 na hindi maaaring magmana ng kaharian ng Diyos ang mga mapakiapid sa kapwa lalaki o kapwa babae. Ang katotohanang ito ay mailalapat din sa mga silahis.
Sinasabi sa atin ng Bibliya na nagiging bakla o silahis ang isang tao dahil sa kasalanan (Roma 1:24-27). Hindi ito tumutukoy sa kasalanan na ginagawa ng isang tao. Sa halip, tumutukoy ito sa mismong kasalanan. Binabaluktot, pinipilipit at ibinibilanggo ng kasalanan ang lahat sa sangnilikha. Ang pagiging bakla o pagiging silahis ay resulta ng kasalanan na sumisira sa atin sa espiritwal, emosyonal, mental at pisikal. Ang kasalanan ang salot at ang pagiging silahis ay simpleng isa lamang sa mga sintomas.
Maraming Kristiyano ang nagkakamali sa pagturing sa pagiging bakla at pagiging silahis na mga mas malaking kasalanan. Hindi inilarawan saanman sa Bibliya na mas mahirap patawarin ang kasalanang sekswal ng isang bakla o isang silahis kaysa sa ibang uri ng kasalanan. Ang bilang ng hakbang patungo sa kaligtasan ng isang silahis ay kapareho ng bilang ng hakbang patungo sa kaligtasan isang legalista. Iniaalok ng Diyos ang kapatawaran sa sinuman at sa lahat ng magtitiwala kay Kristo para sa kanyang kaligtasan. Kabilang sa mga ito ang mga silahis. Matapos maranasan ang kaligtasan sa pamamagitan ni Hesu Kristo, inuumpisahan ng Diyos ang proseso ng pagwasak sa lahat ng gawa ng laman (Galacia 5:19-21) at sa pagkakaloob ng mga bunga ng Espiritu (Galacia 5:22-23). Minsan, inaalis ng Diyos ang ating mga pagnanasa sa isang partikular na kasalanan, sa ibang pagkakataon naman ay binibigyan Niya tayo ng lakas upang mapagtagumpayan ang mga tukso. Ang proseso ng pagbabago ay panghabambuhay. Sa tuwing bumabagsak tayo sa kasalanan, tapat ang Diyos na nagpapatawad at lumilinis sa atin (1 Juan 1:9). Tapat Siya upang kumpletuhin ang gawang pinasimulan Niya sa atin (Filipos 1:6). Ang pangako ng pagiging "bagong nilalang" ay para sa sinuman na magtitiwala kay Kristo (2 Corinto +5:17).
English
Ano ang sinasabi ng Bibliya sa pagiging silahis / pagkakaroon ng dalawa o maraming kasarian? Ang pagiging silahis ba ay isang kasalanan?