settings icon
share icon
Tanong

Paano ko madadagdagan ang aking pananampalataya?

Sagot


Nais o dapat na naisin ng lahat ng Kristiyano na palakasin ang kanilang pananampalataya. Ngunit natuklasan ng mga ipinagkatiwala ang kanilang mga buhay kay Kristo na hindi nanggagaling ang tagumpay sa kanilang pagtatangka bilang mga tao; lagi silang nabibigo. Ipinapaalala sa atin sa 1 Corinto 4:7, “Sapagka't sino ang gumawa na ikaw ay matangi? at anong nasa iyo na hindi mo tinanggap? nguni't kung tinanggap mo, ay bakit mo ipinagmamapuri na tulad sa hindi mo tinanggap?” Kung wala ang Diyos sa ating mga buhay, mabibilanggo tayo sa ating sariling kalikasan na puno ng pagmamataas, katigasan ng ulo, pagtatangi, kawalan ng pagmamalasakit sa iba at kabiguan. Ang Diyos lamang ang tangi nating maasahan na hindi tayo kailanman bibiguin o iiwanan (Hebreo 13:5).

Kinakailangan sa ating paguumpisa sa paglalakbay sa pananampalataya sa Diyos na magbabad tayo sa Kanyang salita (Roma 10:17; 1 Pedro 2:2). Dapat nating matutunan ang Kanyang pag-ibig, katarungan, kahabagan at ang Kanyang mga plano. Dapat nating hubugin ang ating relasyon sa Kanya upang personal natin Siyang makilala sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Hesu Kristo (Juan 17:3). Dapat nating hilingin sa Kanya na ipahayag Niya ang Kanyang sarili at baguhin ang ating pagkatao. Ipinangako ng Bibliya na kung hahahanpin natin Siya, atin Siyang matatagpuan (Mateo 7:7). At kung ipapaubaya natin sa Kanya ang ating buhay, babaguhin Niya tayo bilang mga bagong nilalang na may kakayahang malaman ang Kanyang kalooban (Roma 12:2). Dapat tayong maging handa na mamatay sa ating lumang pagkatao at iwaksi ang pagmamataas at pagkamakasarili na naglayo sa atin sa Diyos sa matagal na panahon. Habang binabago tayo ng Diyos, matututunan natin ang pagsasanay upang magkaroon ng bunga na nagmumula sa Banal na Espiritu na nananahan sa atin na mga Kristiyano (Galacia 5:22-23; Juan 14:17). Habang lumalakad tayo sa Espiritu at hinahayaan Siya na kontrolin ang ating buhay, maguumpisa tayong magtiwala sa Kanya. “Na nangauugat at nangatatayo sa kaniya, at matibay sa inyong pananampalataya, gaya ng pagkaturo sa inyo, na sumasagana sa pagpapasalamat” (Colosas 2:7).

Upang lumago ang ating pagtitiwala sa Diyos, kailangan nating matuto na humakbang sa pananampalataya at lumabas sa mga lugar na nakasanayan na natin at sumubok na gawin ang mga dating hindi natin ginagawa. Kung naniniwala tayo na pagkakalooban tayo ng Diyos ng ating mga pangangailangan sa araw na ito, magiging malaya tayo sa pagtupad sa Kanyang kalooban anuman ang sitwasyon. Sa tuwing haharap tayo sa mga tukso, laging ipagkakaloob sa atin ng Diyos ang daan palabas upang makapagtagumpay tayo (1 Corinto 10:13). Kailangan nating hanapin ang daan palabas at purihin ang Diyos kung matagpuan na natin iyon. Sinasabi sa 1 Pedro 1:7 na ginagamit Niya ang mga kahirapan upang subukin ang ating pananampalataya at upang maging malago tayong mga Kristiyano; at bibigyan Niya tayo ng karangalan kung makakatayo tayo ng matatag at hindi manghihina: “Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo” (Roma 10:17). English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Paano ko madadagdagan ang aking pananampalataya?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries