settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa bukas na kasal? Sinasang-ayunan ba ng Bibliya ang pagkakaroon ng higit sa isang karelasyon o swinging?

Sagot

Ang bukas na kasal ay karaniwang tinukoy bilang isang kasal kung saan ang isa o parehong mag-asawa ay pinapayagan ang isa’t-isa na makipagtalik sa ibang tao. Ang dalawang pangunahing uri ng bukas na kasal ay polyamory at swinging. Ang polyamory ay kapag ang iyong asawa ay natuksong umibig sa iba. Ang swinging ay kapag ang iyong asawa ay natuksong makipagtalik sa iba.

Hindi, ang Bibliya ay matibay na hindi sinasang-ayunan ang polyamory, swinging, o ideya ng bukas na kasal. Hindi binanggit ng Bibliya na ang isang asawa ay dapat pumayag na ang kanyang asawa ay makipagtalik sa ibang tao. Ayon sa Hebreo 13:4, ang pakikipagtalik sa loob ng kasal ay sagrado. Ayon sa 1 Corinto 6:13, 18; 10:8; Galacia 5:19; Efeso 5:3; Colosas 3:5; at 1 Tesalonica 4:3, ang pakikipagtalik sa hindi mo asawa ay kasalanan at hindi pagiging tapat.

Minsan ang mga tao ay nagtataka kung ang polyamory ay pangangalunya pa rin ba kung payag naman dito ang kanyang asawa, o maging ang kanyang kabiyak ay ginagawa din ito. Oo, iyan ay pangangalunya pa rin, at ito ay malinaw! Ang Diyos ang nagtatakda kung ano ang kasal at kung ano ang pangangalunya. Ipinapahayag ng salita ng Diyos sa Exodo 20:14 na ang pakikipagtalik ng labas sa kasal ay pangangalunya. Ang pagsang-ayon ng asawa sa kasalanan ay hindi makahihigit sa Kautusan ng Diyos. Wala tayong awtoridad na lumikha ng mga eksepsyon sa ipinahayag ng Diyos na kasalanan.

Ang mga bukas na kasal ay hindi maaaring ihalintulad sa biblikal na kahulugan ng kasal, bukod sa katotohanan na ipinapahayag ng Bibliya na ito ay kasalanan. Hindi matatawag na “isang laman” ang mag-asawa kung may kahati ito sa iba (Genesis 2:24). Kung ang pag-ibig ng mag-asawa ay ibinabahagi sa iba, kung gayon ang kanilang pagmamahal sa isa't isa ay mananatiling hindi buo. Kung ang malalim na pagsasama ay hinahanap-hanap mo sa iba, kung gayon hindi ito malalim na pagsasama. Ang kasal ay hindi kasingkahulugan ng polyamory. Kung nasa tamang pag-iisip ka, hindi mo papayagang makipagtalik ang iyong asawa sa iba.

Ang sekswal na pagsasama sa pagitan ng mag-asawa ay nilalayong maging eksklusibo at "hindi kailanman paghahatian:” “Ang dapat ay maging tapat sa asawang minamahal, at ang tangi mong pag-ibig, iukol sa kanya lamang. Kung ika'y magkaanak sa babaing di asawa, walang buting idudulot, manapa nga ay balisa. Anak mo'y dapat lumaki nang ikaw ay matulungan, upang hindi do'n sa iba iasa ang iyong buhay” (Kawikaan 5:15–17).

Ang polyamory ay, sa madaling salita ay "tawag ng laman." Hindi matatagpuan dito ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Ang pagbabaluktot na ito sa pag-aasawa ay kumpirmasyon na “bawat intensyon ng mga pag-iisip ng ating mga puso ay masama lamang palagi,” at kung wala ang Diyos, “bawat isa ay gumagawa ng tama base sa kaniyang sariling pananaw” (tingnan sa Genesis 6:5 at Hukom 21:25).

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries