settings icon
share icon
Tanong

Paano ko mabibigyang lugod ang Diyos?

Sagot


Ang makapagbigay-lugod sa Diyos ay, nararapat lamang na maging layunin ng bawat mananampalataya o lahat ng tumatawag sa pangalan ni Cristo upang maligtas. Hinihiling sa lahat ng nagnanais kalugdan ng Diyos na Siya ay kanilang hanapin sa pamamagitan ng pananampalataya, magsilakad sila sa Espiritu at hindi sa laman, at mamuhay sila bilang karapat-dapat sa kanilang pagkatawag na may pagsunod at pagpapasakop sa kalooban ng Diyos. Ang mga bagay na ito ay tila imposibleng gawin ngunit kaya itong gawing posible ng Diyos sapagkat nais Niyang makapagbigay-lugod tayo sa Kanya. At magagawa natin ito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritung nasa ating puso.

Pinaalalahanan ni Pablo ang mga mananampalataya sa Roma na, “. . ang nabubuhay ayon sa hilig ng laman ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos” (Roma 8:8). Kung ganun, ang unang hakbang sa ikalulugod ng Diyos ay tanggapin ang alay o hain para sa kasalanan na ibinigay Niya sa pamamagitan ng kamatayan ni Jesu-Cristo sa krus. Saka lamang tayo mabubuhay ayon “sa Espiritu” at hindi “sa laman.” Ibig sabihin, kailangang gawin natin ito ng may pananampalataya dahil “Hindi maaaring kalugdan ng Diyos ang walang pananampalataya sa kanya, sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos at siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya” (Hebreo 11:6).

Sa ikawalong kabanata ng sulat ni Pablo sa mga taga-Roma ay pinaliwanag niya ang mga pagkakaiba ng makasalanang kalikasan at ang kalikasan ng mga binago na ng Espiritu. Tinalakay niya na ang mga nasa kasalanan pa ay nakatuon ang isip sa makasalanang pagnanasa, samantalang ang mga binago naman ni Cristo ay mayroon nang lubos na binagong pag-iisip na kontrolado ng Espiritu at nagsisikap mamuhay ayon sa kalooban ng Panginoon. “Ang pagsunod sa hilig ng laman ay naghahatid sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa Espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan. Kaya nga, kapag itinutuon ng tao ang kanyang pag-iisip sa mga hilig ng laman, siya'y nagiging kaaway ng Diyos sapagkat hindi siya nagpapasakop sa batas ng Diyos, at sadyang hindi niya ito magagawa” (Roma 8:6-7). Nangangahulugan ito na ang unang hakbang na dapat gawin ng isang mananampalataya upang mabigyang-lugod ang Diyos ay tiyakin na siya ay lumalakad sa Espiritu, at hindi sa laman.

Bukod sa mga bagay na ito, kinakailangang tayo ay mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya (Hebreo 10:38). Sapagkat ang Diyos ay hindi nalulugod sa mga “tumatalikod” sa Kanya dahil sa wala silang tiwala o kaya ay nag aalinlangan sila sa pinahayag Niyang mga pangako, o hindi sila naniniwala na ang Kanyang mga daan ay matuwid, banal, at ganap. Hindi maaaring sabihin ng isang tao na ang hinihinging pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos ay hindi makatwiran; Kahalintulad din ito ng pagtitiwalang hinihingi natin sa ating mga anak at asawa, ito ay isang kondisyong kailangan upang kalugdan natin sila. Gayundin sa Diyos.

Samakatuwid, ang pagbibigay-lugod sa Diyos ay tungkol sa ating pamumuhay ayon sa Kanyang mga tuntunin, kautusan at pagsasagawa ng mga ito ng may pag-ibig. Nais natin na laging bigyang-lugod ang ating minamahal, Kaugnay nito, ang Bagong Tipan ay puno ng mga payo at hamon para sa matuwid na pamumuhay at pag-ibig kay Cristo sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang mga utos. Malinaw at simple ang sinabi ni Jesus na: ”Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos” (Juan 14:15). Makikita rin natin na ang mga Sulat sa mga iglesya ay naglalaman ng mga plano ng Diyos para sa mga mananampalataya at puno rin ito ng mga payo na nagsasabing dapat nating ipakita ang asal na nakalulugod sa Diyos sa pamamagitan ng ating pamumuhay: “Kaya nga, mga kapatid, isa pang bagay ang ipinapakiusap namin at ipinapayo sa inyo sa pangalan ng Panginoong Jesus. Sana'y lalo pa ninyong pagbutihin ang inyong pamumuhay ngayon, sang-ayon sa inyong natutunan sa amin, upang kayo'y maging kalugud-lugod sa Diyos” (1 Tesalonica 4:1).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Paano ko mabibigyang lugod ang Diyos?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries