settings icon
share icon
Tanong

Kailan dapat bawtismuhan ang mga bata at/o payagan na makibahagi sa hapunan ng Panginoon?

Sagot


Habang may ilang iglesya na isang kundisyon para sa mga bata na dumalo muna sa mga pagaaral ng Bibliya para ituro ang doktrina at kahulugan ng mga ordinansa bago sila payagang makibahagi, maraming iglesya ang hindi ito ginagawa. Anuman ang sitwasyon, isang matalinong desisyon para sa mga magulang na turuan muna at ihanda ang kanilang mga anak bago magpabawtismo at pasalihin sa komunyon. Sa huli, ang pagtuturo sa mga bata na lumakad sa mga paraan ng Diyos ay responsibilidad ng mga magulang at nakahandang tumulong ang iglesya.

Bago makibahagi sa kumunyon, ang pangunahing kundisyon para sa lahat ng mga bata (gayundin naman sa matatanda) ay kumilala muna sa Panginoong Jesu Cristo bilang kanilang Tagapagligtas. Bagama’t may ilang bata na kinilala si Cristo bilang Tagapagligtas sa murang edad, hindi dapat madaliin ang pagpapabawtismo at pakikibahagi sa komunyon. Habang lumalago ang isang bata sa pananampalataya at may matibay na ebidensya na siya ay tunay na isinilang na muli, kailangang maging mapanuri ang kanyang mga magulang kung kailan handa na siya para maunawaan ang kumunyon at makibahagi dito. Ang antas ng espiritwalidad ng mga bata ay nagkakaiba-iba kahit na kabilang sa iisang pamilya.

Sa maraming iglesya, sa oras na ipinapaalam ng mga magulang sa pastor gusto na ng bata na magpabawtismo, kinakailangang tanungin ng pastor ang bata para magdesisyon kung siya ay handa na. Ito ay isang maganda at matalinong pagsasanay. Napakahalaga na nauunawaan ng isang bata na hindi nakakapagligtas ang bawtismo at ang komunyon, sa halip ang mga ito ay mga hakbang ng pagsunod at pagala-ala sa ginawa ni Jesus para sa atin sa pagkakaloob sa atin ng ating kaligtasan (Lukas 22:19).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Kailan dapat bawtismuhan ang mga bata at/o payagan na makibahagi sa hapunan ng Panginoon?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries