Tanong
Posible ba na maging isang baklang Kristiyano?
Sagot
“O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake. Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios” (1 Corinto 6:9-10). May inklinasyon na ituring ang pagiging bakla na pinakamasama sa lahat ng kasalanan. Habang hindi maikakaila, ayon sa Bibliya, na ang pagiging bakla ay imoral at hindi normal sa isang tao (Roma 1:26-27), hindi naman sinasabi ng Bibliya na ang pagiging bakla ay isang kasalanang hindi mapapatawad ng Diyos. Hindi rin sinasabi sa Bibliya na ang pagiging bakla ay isang kasalanan na pinaglalabanan ng isang Kristiyano.
Maaaring ang susing parirala sa katanungan kung posible ba ang maging isang baklang Kristiyano ay: “nakikipaglaban sa pagiging bakla.” Posible para sa isang Kristiyano na lumaban sa mga tukso ng kabaklaan. Maraming bakla ang naging Kristiyano na may nagpapatuloy na pakikibaka laban sa mga tukso at pagnanasa bilang bakla. May ilang mga tunay na lalaki at babae na nakaranas na ng “siklab” ng pagnanasa sa kaparehong kasarian sa isang punto ng kanilang buhay. Kung umiiral man o hindi ang ganitong pagnanasa ay hindi ito ang nagpapaging hindi Kristiyano sa isang tao. Malinaw na itinuturo ng Bibliya na ang Kristiyano ay isang taong nagkakasala pa rin (1 John 1:8, 10). Habang nagkakaiba-iba ang kasalanan at mga tukso na dinaranas ng mga Kristiyano, ang lahat ng Kristiyano ay nakikipagbaka pa rin sa kasalanan at ang lahat ng Kristiyano ay nakaranas na bumagsak sa mga pakikibaka sa kasalanan sa isang yugto ng kanilang buhay (1 Corinto 10:13).
Ang ipinagkaiba ng buhay ng Kristiyano sa buhay ng isang hindi Kristiyano ay ang pakikipaglaban ng huli sa kasalanan. Ang buhay Kristiyano ay isang patuloy na paglalakbay sa pagtatagumpay laban sa mga “gawa ng laman” (Galacia 5:19-21) at patuloy na pagpapasakop sa Espiritu ng Diyos upang makapamunga ng mga “bunga ng Espiritu” (Galacia 5:22-23). Oo, nagkakasala pa rin ang mga Kristiyano, minsan ay karimarima-rimarim pa. Nakalulungkot na minsan, ang mga Kristiyano ay walang ipinagkaiba sa mga hindi Kristiyano. Gayunman, ang tunay na Kristiyano ay laging magsisisi at magbabalik loob sa Diyos at laging magpapatuloy sa kanyang pakikibaka laban sa kasalanan. Ngunit hindi tayo binibigyan ng suporta mula sa Bibliya na posible para sa isang tunay na Kristiyano na patuloy na gumawa ng kasalanan at hindi magsisi mula roon habang buhay. Pansinin ang 1 Corinto 6:11 kung saan sinasabi, “At ganyan ang mga ilan sa inyo: nguni't nangahugasan na kayo, nguni't binanal na kayo, nguni't inaring-ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo, at sa Espiritu ng ating Dios.”
Inilista sa 1 Corinto 6:9-10 ang mga kasalanan na kung patuloy na ginagawa ng isang tao, nangangahulugan iyon na ang taong iyon ay hindi tunay na tinubos mula sa kanyang mga kasalanan at hindi isang tunay na Kristiyano. Laging binibigyang diin sa mga listahan ng kasalanan ang pagiging bakla. Kung ang isang tao ay may inklinasyon ng pagiging bakla, ang taong iyon ay ipinapalagay na hindi ligtas. Kung ang isang tao ay aktwal na gumagawa ng gawain ng mga bakla, ang taong iyon ay hindi talaga ligtas. Gayunman, ang ganitong mga pagpapalagay ay hindi laging ginagawa kung tinutukoy ang ibang uri ng kasalanan sa listahan gaya ng: pakikiapid (pagtatalik bago ang kasal), pagsamba sa diyus diyusan, pangangalunya, paglalasing, pagnanakaw, katakawan, paninirang puri, at pandaraya. Hindi katanggap- tanggap, halimbawa, na sabihin na ang mga nagkasala ng pakikiapid ay hindi masunuring Kristiyano habang idinideklara na ang mga bakla ay tiyak na hindi Kristiyano.
Posible ba na ang isang tao ay maging isang baklang Kristiyano? Kung ang pariralang “baklang Kristiyano” ay tumutukoy sa isang tao na lumalaban sa pagiging bakla at sa mga tukso na kaakibat nito – oo, posibleng maging isang “baklang Kristiyano.” Gayunman, ang paglalarawan na “baklang Kristiyano” ay hindi angkop sa ganitong uri ng tao dahil hindi naman niya ninanais na maging bakla at nakikipagbaka siya laban sa mga tukso. Ang taong iyon ay hindi isang baklang Kristiyano, sa halip, siya ay isang simpleng Kristiyano na lumalaban sa pakikiapid, pagsisinungaling at pangangalunya. Kung ang pariralang “baklang Kristiyano” ay tumutukoy sa isang tao na aktibong nakikipagtalik sa kaparehong kasarian at hindi nagsisisi – hindi siya isang tunay na Kristiyano dahil imposible para sa isang tunay na Kristiyano na magpatuloy sa pagiging isang tunay na bakla.
English
Posible ba na maging isang baklang Kristiyano?