settings icon
share icon
Tanong

Maaari bang maglingkod ang mga babae bilang matanda o pastor ng Iglesya?

Sagot


May dalawang pangunahing pananaw tungkol sa paglilingkod ng mga babae bilang matanda o pastor ng iglesya. Una ay ang pananaw na "egalitarian" na naniniwala na maaaring maglingkod ang mga babae bilang matanda o pastor ng iglesya sa kundisyon na natutupad nila ang mga hinihingi sa 1 Timoteo 3:1-7 at Tito 1:5-9. Ikalawa ay ang pananaw na "complementarian" na nagsasabi na hindi maaaring maglingkod ang mga babae sa kanilang kapasidad bilang matanda o pastor ng iglesya.

Tunghayan natin ang sinasabi sa 1 Timoteo 3:1-7. "Totoo ang kasabihang ito: Ang nagnanais na maging tagapangasiwaa sa iglesya ay naghahangad ng mabuting gawain. Kaya, kailangang wala siyang kapintasan, isa lamang ang asawa, marunong magpigil sa sarili, maingat, kagalang-galang, bukas ang tahanan, at mabuting tagapagturo. Kailangan ding siya'y hindi mahilig sa alak, hindi mapusok kundi mahinahon at maibigin sa kapayapaan, hindi gahaman sa salapi. Kailangang siya'y mahusay mamahala sa sariling sambahayan, iginagalang at sinusunod ng kanyang mga anak. Paano makapangangasiwa nang maayos sa iglesya ng Diyos ang isang tao kung ang sambahayan lang niya'y hindi kayang pamahalaan? Kailangang siya'y matagal nang nananampalataya; kung hindi, baka siya'y maging palalo at tuloy mahatulan gaya ng diyablo. Kailangan ding siya'y iginagalang ng mga taong hindi kaanib sa iglesya at nang di siya mapulaan at hindi mahulog sa bitag ng diyablo." (MBB).

Ang unang bagay na mapapansin sa mga talatang ito ay ang bilang ng pangngalang panlalaki na "he" at "his" sa wikang ingles. Ang pangngalang ito ay mababasa ng 10 beses sa 1 Timoteo 3:1-7. Ang isang simpleng pagbabasa ng mga talatang ito ay magbibigay sa mambabasa ng konklusyon na ang papel bilang matanda o pastor ng iglesya ay para lamang sa mga lalaki. Ang pariralang "asawa ng iisa lamang babae" ay nagpapahiwatig din na gawain ng pagpapastor ay para lamang sa mga lalaki. Ganito rin ang makikita sa Tito 1:5-9.

Ang mga talata na naglalarawan sa mga kwalipikasyon at gawain ng mga matatanda/tagapangasiwa ng iglesya ay hindi nagbubukas ng pintuan para sa mga babae na maglingkod bilang matanda o pastor ng iglesya. Sa katotohanan, ang patuloy na paggamit ng pangngalan at mga terminolohiyang panlalaki ay nagbibigay diin sa katuruan ng Bibliya na ang tungkulin at gawain ng pagiging tagapanguna o pastor ng iglesya ay para lamang sa mga lalaki. Gaya ng iba pang mga isyu na may kaugnayan sa usaping ito, ang pagbabawal sa mga babae na maglingkod bilang matanda sa iglesya o pastor o tagapanguna sa iglesya ay hindi isang isyu ng chauvinism o pagkakaroon ng diskriminasyon o mababang pagtingin sa mga babae at mataas na pagtingin sa mga lalaki. Sa halip, itinakda ng Diyos ang gawain ng pagpapastor para lamang sa mga lalaki dahil ito ang Kanyang nais para sa iglesya at sa ganitong paraan Niya idinisenyo ang pangunguna sa iglesya. Ang mga makadiyos na lalaki lamang ang nararapat na maging pastor/tagapanguna sa Iglesya habang ang mga babae ay naglilingkod din sa Iglesya sa ibang kapasidad at kaparaanan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Maaari bang maglingkod ang mga babae bilang matanda o pastor ng Iglesya?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries