Tanong
Maaari bang maglingkod ang mga babae bilang mga diyakono sa Iglesya?
Sagot
Walang malinaw na sinasabi ang Kasulatan kung maaari ba o hindi na maglingkod bilang diyakono ang mga babae sa iglesya. Ang pangungusap na ang mga diyakono ay "dapat na marangal" (1 Timoteo 3:8) at ang kwalipikasyon na "asawa ng iisa lamang babae" (1 Timoteo 3:12) ay mukhang hindi nagpapahintulot sa mga babae sa paglilingkod bilang mga diyakono. Gayunman, may mga nagsasabi na ang tinutukoy sa 1 Timoteo 3:11 ay mga babaeng diyakono dahil ang salitang Griyego na isinalin sa salitang "asawa" ay maaaring isalin sa salitang "babae." Maaaring tinutukoy dito ni Pablo hindi ang mga asawa ng mga diyakono, kundi pati ang mga babaeng naglilingkod bilang mga diyakono. Ang paggamit din ng salitang "gayundin naman" sa umpisa ng talatang 8 ay nagbibigay ng ideya tungkol sa ikatlong grupo ng mga tagapanguna maliban sa matatanda sa iglesya at diyakono. Gayundin, hindi si Pablo nagbigay ng pamantayan para sa mga asawa ng mga matatanda sa iglesya ng kanyang inisa-isa ang mga kwalipikasyon para sa mga tagapanguna sa iglesya. Bakit niya inilista ang mga kwalipikasyon para sa mga asawa ng mga diyakono? Kung mahalaga para sa mga asawa ng mga tagapanguna ang mga kwalipikasyon, mas lohikal na mas kailangan ito ng mga asawa ng mga matatanda sa iglesya kaysa sa asawa ng mga diyakono dahil sila ang nagtataglay ng mas mataas na posisyon sa Iglesya. Ngunit hindi itinala ni Pablo ang mga kwalipikasyon para sa mga asawa ng matatanda sa iglesya.
Ang Roma 16:1 ay tumutukoy kay Phoebe at may parehong mga pananalita na ginamit ni Pablo sa 1 Timoteo 3:12. Gayunman, hindi malinaw kung sinasabi ni Pablo na si Phoebe ay isang diyakono o isa lamang alipin. Sa panahon ng unang iglesya, ang mga aliping babae ang nagaalaga para sa mga may sakit na mananampalataya, mahihirap, dayuhan at sa mga nakakulong. Tinuturuan din nila ang mga babae at bata (Tito 2:3-5). Maaaring hindi tinawag si Phoebe bilang diyakono, ngunit inisip ni Pablo na maaari siyang pagtiwalaan ng napakalaking responsibilidad na dalhin ang kanyang sulat sa iglesya sa Roma (Roma 16:1-2). Malinaw na makikita natin na itinuring ni Pablo na hindi si Phoebe isang babae lamang na walang kakayahan at mababa ang kalagayan sa lipunan kundi isang mapagkakatiwalaan at pinahahalagahang miyembro ng katawan ni Kristo.
Hindi tayo binigyan ng Kasulatan ng maraming pangsuporta sa ideya ng paglilingkod ng mga babae bilang mga diyakono, ngunit hindi rin naman diniskwalipika ng Bibliya ang mga babae bilang mga lingkod sa Iglesya. May mga iglesya na nagbibigay ng karapatan sa mga babae na maglingkod bilang diyakono ngunit iba ang pagtingin sa kanila kaysa sa mga lalaking diyakono. Kung nagbibigay ng karapatan ang isang iglesya sa mga babae upang maging mga diyakono, dapat na tiyakin ng mga tagapanguna ng iglesya na magpapasakop ang mga ito sa mga ipinagbabawal ni Pablo na gawin ng mga babae sa loob ng iglesya na makikita sa ibang mga talata ng Bibliya gaya ng 1 Timoteo 2:11-12. Gaya ng lahat na namumuno sa iglesia, mapalalaki o babae man, nararapat na magpasakop sila sa awtoridad na itinakda ng Iglesya at sa pinakamataas na awtoridad, ang ating Panginoong Hesu Kristo.
English
Maaari bang maglingkod ang mga babae bilang mga diyakono sa Iglesya?