settings icon
share icon

Aklat ni Joel

Manunulat: Binanggit sa aklat na si Propeta Joel ang manunulat ng aklat (Joel 1:1).

Panahon ng Pagkasulat: Ang Aklat ni Joel ay malamang na nasulat sa pagitan ng 835 at 800 B.C.

layunin ng Sulat: Ang Juda na siyang pinangyarihan ng mga kaganapan sa Aklat ay sinalanta ng malaking hukbo ng mga balang. Nagresulta ang salot na ito sa pagkasalanta ng lahat ng mga pananim sa bukirin, ng mga ubas, mga hardin at mga puno. Inilarawan ni Joel sa pamamagitan ng mga simbolo ang mga balang na gaya ng hukbo ng mga tao na nagmamartsa at paparating para sa hatol ng Diyos sa bansa dahil sa kanilang mga kasalanan. Pangunahing binigyan ng pansin sa aklat ang dalawang pangyayari. Una ay ang ang pananalanta ng mga balang at ikalawa ang pagpapadala ng Espiritu Santo. Ang inisyal na katuparan nito ay binanggit ni Pedro sa aklat ng mga Gawa kabanata 2 na naganap sa panahon ng Pentecostes.

Mga susing Talata: Joel 1:4, "Animo'y mga kabayo ang anyo nila, parang mga kabayong pandigma kung sila'y tumakbo."

Joel 2:25, "Ibabalik ko ang lahat ng nawala sa inyo nang kayo'y pinsalain ng katakut-takot na balang. ..."

Joel 2:28, "Pagkatapos nito, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao: isasaysay ng inyong mga anak ang aking mga salita; sari-sari ang mapapanaginip ng matatandang lalaki at makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki."

Maiksing Pagbubuod: Isang napakamapinsalang salot ng balang ang sinundan ng matinding tag-gutom sa buong lupain. Ginamit ni Joel ang mga pangyayaring ito upamg ipahayag ang babala ng Diyos sa Juda. Malibang magsisi agad at ng buong katapatan ang mga tao, sila ay sasalakayin ng mga kaaway at sasalantain ang lupain na gaya ng mga elemento. Namanhik si Joel sa mga tao at sa mga saserdote sa buong lupain na mag-ayuno at magpakumbaba habang hinihingi nila ang kapatawaran ng Diyos. Kung sila'y tutugon, muling papanumbalikin ng Diyos ang kasaganaan at pagpapalain sa espiritwal ang bansa. Ngunit paparating na ang araw ng Panginoon. Sa panahong ito nakaamba na ang mga nakakatakot na balang at tatanggapin na ng bansa ang parusa ng Diyos.

Ang pangunahing tema ng aklat ay ang Araw ng Panginoon, ang araw ng Kanyang poot at pagpaparusa. Ito ang araw na ihahayag ng Diyos ang Kanyang poot, kapangyarihan at kabanalan at isa itong kahindik hindik na araw para sa Kanyang mga kaaway. Sa unang kabanata, ang Araw ng Pagninoon ay naranasan sa kasaysayan sa pamamagitan ng salot ng balang sa buong lupain. Ang kabanata 2:1-17 ay ang paglilipat na kabanata kung saan ginamit ni Joel ang salot ng balang at tag-tuyot upang himukin ang mga tao sa pagsisisi. Inilalarawan naman ng kabanata 2:18-3:21 ang Araw ng Panginoon sa terminolohiya ng pagtatapos ng sanlibutan at sinagot ang tawag sa pagsisisi ng mga hula tungkol sa pisikal na pagpapanumbalik ng bansa (2:21-27), espiritwal na pagpapanumbalik (2:28-32), at pagpapanumbalik ng lahat mga Israelita sa Diyos (3:1-21).

Mga pagtukoy kay Kristo: Sa tuwing nababangit sa Lumang Tipan ang Paghuhukom ng Diyos sa kasalanan, maging sa indibidwal at pangkalahatan, inilalarawan nito ang pagbabalik ng Panginoong Hesu Kristo. Patuloy na nagbabala ang mga propeta ng Lumang Tipan na magsisi ang bansang Israel, ngunit kung magsisi man sila, ang kanilang pagsisisi ay limitado lamang sa pagsunod sa Kautusan at mga mabubuting gawa. Ang kanilang paghahandog ng mga hayop sa templo ay anino lamang ng tunay na handog na ihahandog ng minsanan para sa lahat, doon sa krus (Hebreo 10:10). Ipinahayag ni Joel ang pinal na paghuhukom, na darating sa Araw ng Panginoon, at ito ay napakasakit at kahidik hindik, at sino ang makatatagal dito? (Joel 2:11). Ang kasagutan: sa ating sarili, hindi tayo makakatagal sa ganoong sandali. Ngunit kung ilalagak natin ang ating pananampalataya kay Kristo para sa katubusan ng ating mga kasalanan, wala tayong dapat katakutan sa Araw ng Paghuhukom.

Praktikal na Aplikasyon: Kung walang pagsisisi, ang pagpaparusa ng Diyos ay marahas, malawak at tiyak. Hindi tayo dapat magtiwala sa ating mga pag-aari kundi sa ating Panginoon at Diyos. May mga pagkakataon na ginagamit ng Diyos ang kalikasan, paghihirap at iba pang karaniwang pangyayari upang ilapit tayo sa Kanyang sarili. Ngunit sa Kanyang kahabagan at biyaya, ipinagkaloob Niya ang tiyak na plano para sa ating kaligtasan - si Hesu Kristo na napako para sa ating mga kasalanan ang pinalitan ang ating kaslalanan ng Kanyang perpektong katwiran (2 Corinto 5:21). Hindi dapat mag-aksaya ng panahon. Mabilis na darating ang hatol ng Diyos gaya ng magnanakaw sa gabi (1 Tesalonica 5:2), at dapat tayong maghanda. Ngayon ang araw ng kaligtasan (2 Corinto 6:2). "Israel, ang katulad mo ay babaing bagong kasal, iniwan ng asawa, batbat ng kalungkutan. Ngunit tinawag kang muli ni Yahweh sa kanyang piling at sinabi: "Sandaling panahong kita'y iniwanan ngunit dahil sa tapat kong pag-ibig, muli kitang kukupkupin." (Isaias 55:6-7). Sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa kaligtasang iniaalok ni Hesus tayo makakatakas sa nalalapit na pagpaparanas ng poot ng Diyos sa Araw na iyon ng Panginoon.

English



Pagsusuri sa Lumang Tipan

Aklat ni Joel
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries