Aklat ni Ezra
Manunulat: Hindi partikular na tinukoy sa Aklat ni Ezra kung sino ang manunulat. itinuturing sa tradisyon na si Ezra ang sumulat ng Aklat ni Ezra. Mapapansin na ng magsimulang mabanggit ang pangalan ni Ezra sa aklat sa kabanata 7, mula roon ginamit na ng manunulat ang panghalip panao na unang panauhan. Ito ang matibay na indikasyon na si Ezra nga ang manunulat ng aklat.Panahon ng Pagkasulat: The Aklat ni Ezra ay malamang na sulat sa pagitan ng 460 at 440 B.C.
Layunin ng Sulat: Inilaan ang Aklat ni Ezra upang itala ang mga pangyayari sa lupain ng Israel ng makabalik ang mga Israelita mula sa pagkabihag sa Bailonia at ang mga sumunod na taon mula sa humigit kumalang na 100 taon, mulas sa 538 B.C. Ang pangunahing tema ng aklat ay ang pagtatayong muli ng templo. Naglalaman din ang aklat ng talaan ng mga lahing pinanggalingan ng mga Israelita upang ibalik na muli ang pagkasaserdote mula sa angkan ni Aaron.
Mga Susing Talata: Ezra 3:11 "Ang bayan naman ay buong lakas na umawit ng papuri at pasasalamat sa Diyos. Ito ang kanilang awit: Purihin si Yahweh dahil sa kanyang kabutihan ang kagandahang loob niya ay magpakailanman."
Ezra 7:6, "Si Ezra ay isang eskribang may malawak na kaalaman sa Kautusan ni Moises na ibinigay ni Yahweh. Lahat ng hilingin niya'y ibinibigay ng hari pagkat siya'y pinapatnubayan ni Yahweh."
Maiksing pagbubuod: Ang aklat ay nahahati sa mga sumusunod: Kabanata 1-6" Ang unang pagbabalik sa pangunguna ni Zorobabel at ang pagtatayong muli ng templo. Kabanata 7-10"Ang ministeryo ni Ezra. Dahil mahigit kalahating siglo ang lumipas sa pagitan ng kabanata 6 at 7, ang mga karakter sa unang bahagi ng aklat ay nangamatay na sa panahon ng paguumpisa ng ministeryo ni Ezra sa Jerusalem. Si Ezra ang prominenteng tauhan sa mga aklat ng Ezra at Nehemias. Ang aklat ay parehong nagtapos sa panalangin ng pagsisisi (Ezra 9; Nehemias 9) at ang sumunod na pangyayari ay ang pagtatakwil ng mga tao sa mga makasalanang gawain na kanilang kinasadlakan habang bihag sa ibang bansa. Ang konsepto ng mga mensahe sa pagpapalakas ng loob sa mga Israelita nina Ageo at Zacarias na ipinakilala sa aklat na ito ay maaaring makita sa mga aklat ng propesiya na nagtataglay ng kanilang pangalan. Saklaw ng aklat ni Ezra ang mga pangyayari sa pagbabalik ng mga Israelita mula sa pagkabihag upang itayong muli ang templo sa utos ni Artaxerxes, ang parehong kaganapan na tinalakay din sa aklat ni Nehemias. Si Ageo ang pangunahing propeta sa panahon ni Ezra, samantalang si Zacarias naman ang pangunahing propeta sa panahon ni Nehemias.
Mga pagtukoy kay Kristo: Makikita natin sa Aklat ni Ezra ang pagpapatuloy ng tema ng Bibliya tungkol sa mga nalabing lahi ng Israel. Sa tuwing dumarating ang mga kalamidad o nararanasan nila ang parusa ng Diyos, laging nagtitira ang Diyos ng mga tao para sa Kanyang sarili - si Noah at ang kanyang pamilya mula sa pagkalipol sa baha; Si Lot at ang kanyang pamilya mula sa Sodoma at Gomorrah; ang 7,000 na mga propeta na ibinukod ng Diyos sa panahon ng paguusig ni Haring Ahab at Dyesebel. Nang bihagin ang mga Israeltia sa Ehipto, iniligtas ng Diyos ang Kanyang mga itinira at dinala sila sa Lupang Pangako. May limampung libong tao ang nagbalik sa lupain ng Judea sa Ezra 2:64-67, ngunit ng ikumpara nila ang kanilang bilang sa bilang ng Israel noong panahon ng kasaganaan sa paghahari ni Haring David, kanilang sinabi, "narito tayo sa kapanahunang ito bilang mga nalabi." Ang temang ito ng "nalabi" ay makikita hanggang sa Bagong Tipan kung saan sinabi ni Pablo, "Gayon din sa kasalukuyan, mayroon pang nalalabi, mga hinirang ng Diyos dahil sa kanyang kagandahang-loob." Bagama't marami sa panahon ni Hesus ang tumanggi sa Kanya, may mga nalabi pa rin na mga tao na itinira ng Diyos para sa Kanyang Anak at sa tipan ng Biyaya. Sa lahat ng henerasyon mula kay Kristo, may mga nalabing tapat na ang mga paa ay nakatapak sa makipot na daan na patungo sa buhay na walang hanggan (Mateo 7:13:14). Ang mga nalabing ito ay iingatan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu at ililigtas hanggang sa huling araw (2 Corinto 1:22; Efeso 4:30).
Praktikal na Aplikasyon: Ang Aklat ni Ezra ay salaysay ng pagasa at pagpapanumbalik. Para sa isang Kristiyano na nagkasala at nagrebelde sa Diyos, may isang dakilang pagasa para sa kapatawaran ng Diyos na kailanman ay hindi tatalikod sa atin kung tayo'y magsisisi ng buong kapakumbabaan. (1 Juan 1:9). Ang pagbabalik ng mga Israelita sa Jerusalem at ang muling pagtatayo ng templo ay inuulit sa buhay ng isang Kristiyano na nagbabalik mula sa pagkalipin sa kasalanan at paglaban sa Diyos at natatagpuan ang Diyos na naghihintay upang siya'y patawarin. Kahit gaano pa katagal ang paglayo natin sa Kanya, nakahanda Siyang magpatawad at tanggapin tayong muli sa Kanyang pamilya. Nakahanda Siyang tulungan tayo na itayong muli ang ating mga buhay at papag-alabing muli ang ating mga puso kung saan nananahan ang Banal na Espiritu. Gaya ng pagtatayong muli ng templo sa Jerusalem, pinamamahalaan ng Diyos ang gawain ng pagsasaayos at muling paghahandog ng ating mga buhay sa paglilingkod sa Kanya.
Ipinakikita ng mga kalaban ng Diyos sa pagtatayong muli ng templo ang paglalarawan sa kaaway ng ating mga kaluluwa. Ginagamit ni Satanas ang mga nagpapanggap na kasang ayon sa plano ng Diyos upang dayain tayo at tangkain na pigilan ang plano ng Diyos para sa atin. Inilalarawan ng Ezra 4:2 ang mapandayang pananalita ng mga nagpapakilala na sumasamba kay Kristo at nais na manira sa halip na tumulong sa pagtatayo. Dapat tayong laging maging handa sa mga mandaraya, at tumugon sa kanila gaya ng ginawa ng mga Israelita at tumangging maniwala sa kanilang matamis na pananalita at sa pangangaral ng kanilang hidwang pananampalatataya.
English
Aklat ni Ezra