settings icon
share icon
Tanong

Ano ang mga Serapin? Ang mga serapin ba ay mga anghel?

Sagot


Ang serapin (nagaapoy o nagniningas na mga anghel) ay mga anghel na kasama sa pangitain ni propeta Isaias sa Diyos sa templo ng tawagin siya bilang isang propeta (Isaias 6:1-7). Sinasabi sa Isaias 6:2-4, "Sa itaas niya ay nangakatayo ang mga serapin: bawa't isa'y may anim na pakpak: na may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mukha, at may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mga paa, at may dalawa na naglilipad sa kaniya. At nagsisigawang isa't isa, at nagsasabi, Banal, banal, banal ang Panginoon ng mga hukbo: ang buong lupa ay napuno ng kaniyang kaluwalhatian. At ang mga patibayan ng mga pintuan ay nakilos sa tinig ng sumisigaw, at ang bahay ay napuno ng usok." Ang mga serapin ay mga anghel na walang humpay na nagpupuri sa Diyos.

Ang ika-anim na kabanata ng aklat ni Isaias ang tanging lugar sa Bibliya kung saan partikular na tinukoy ang mga serapin. Ang bawat serapin ay may anim na pakpak. Ginagamit nila ang dalawa sa paglipad, ang dalawa upang takpan ang kanilang mga paa at ang dalawa upang takpan ang kanilang mga mukha (Isaias 6:2). Lumilipad ang mga serapin sa trono kung saan nakaupo ang Diyos habang nagpupuri at niluluwalhati at pinararangalan ang Diyos. Sa wari, ang mga anghel na ito ay nagsilbing kasangkapan ng paglilinis ni Isaias upang makapagumpisa siya ng tungkulin bilang isang propeta. Ang isa sa mga serapin ay naglagay ng mainit na uling sa labi ni Isaias habang sinasabi, "Wala ka nang sala. Napawi na ang mga kasalanan mo" (Isaias 6:7). Katulad ng ibang mga uri ng anghel, ang mga serapin ay perpektong sumusunod sa Diyos. Pareho ng mga kerubin, ang mga serapin ay partikular na nakatuon ang pansin sa pagpupuri sa Diyos.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang mga Serapin? Ang mga serapin ba ay mga anghel?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries