settings icon
share icon
Tanong

Ano ang Kristiyanong demonolohiya (Christian demonology) o pag-aaral sa mga demonyo?

Sagot


Ang Demonology ay ang pagaaral tungkol sa mga demonyo. Ang Christian demonology ay ang pagaaral sa itinuturo ng Bibliya tungkol sa mga demonyo, kung ano ang kanilang kalikasan at paano sila nakapipinsala sa atin. Ang paksang ito ay maaaring iugnay sa angelology o ang pag-aaral tungkol sa mga anghel. Si Satanas at ang kanyang mga demonyo ay dating mga anghel sa kalangitan na naghimagsik laban sa Diyos, sa iba pang mabubuting anghel at mga tao. Ang Christian demonology ay may layong tulungan tayo na magkaroon ng kamalayan tungkol sa ating kalaban na si Satanas, sa kanyang mga kampon, at sa kanilang mga masasamang balakin. Narito ang ilang mahahalagang usapin sa Christian demonology:

Ano ang siinasabi ng Bibliya tungkol sa mga demonyo? Ayon sa Bibliya, ang mga demonyo ay mga bumagsak na anghel - mga anghel na nakiisa kay Satanas sa pagrerebelde sa Diyos. Sa kasalukuyan, ang tanging layunin at pakay ni Satanas at ng kanyang mga demonyo ay linlangin at sirain ang lahat ng mananampalataya at mga sumasamba sa Diyos.

Paano, bakit, at kailan pinalayas si Satanas sa langit? Si Satanas ay pinalayas mula sa langit dahil sa kanyang pagmamataas na naging dahilan ng kanyang paghihimagsik laban sa Diyos. Ang aktwal na panahon ng kanyang pagkahulog mula sa langit ay hindi itinala sa Banal na Kasulatan. Maaaring ito ay naganap sa panahon na hindi natin nalalaman, iyon ay ang panahon bago pa man nilikha ng Diyos ang ating mundo.

Bakit hinayaan ng Diyos ang ilan sa mga anghel na magkasala? Ay mga anghel na naging demonyo ay nagkasala dahil sa kanilang sariling kagustuhan at kapasyahan at hindi sila pinilit o inutusan man ng Diyos na magkasala. Sila ay nagkasala sa udyok ng kanilang sariling malayang kalooban at dahil dito, karapat-dapat sila sa walang hanggang kaparusahan ng Diyos.

Maaari bang sumanib ang demonyo sa isang Kristiyano? Lubos kaming naniniwala na ang isang Kristiyano ay hindi na maaaring saniban pa ng demonyo. Naniniwala kami na mayroong pagkakaiba sa pagitan ng pagsanib ng demonyo at pagimpluwensya ng demonyo.

Mayroon pa bang mga gawain sa kasalukuyan ang mga masasamang espiritu? Kung isasaalang-alang ang katotohanan na si Satanas "ay parang leong umaatungal at aali-aligid na humahanap ng masisila” (1 Pedro 5: 8) at sapagkat siya ay walang kakayanan na manatili sa lahat ng dako sa lahat ng panahon, marapat lamang ipagpalagay na siya ay nagpapadala ng kanyang mga demonyo sa iba't-ibang panig ng mundo upang ipatupad ang kanyang masasamang layunin.

Sino o ano ang mga Nefilim? Ang Nefilim (‘mga ibinagsak,’ ‘higante’) ay mga supling ng mga anak ng Diyos sa kanilang napangasawang mga anak ng tao (Genesis 6: 1-4). Maraming pagtatalo tungkol sa pagkakakilanlan ng ‘mga anak ng Diyos.’

Maraming tao ang naniniwala na si Satanas at ang kanyang mga demonyo ay personipikasyon lamang ng kasamaan. Ang Christian demonology o Kristiyanong pagaaral sa mga demonyo ay tumutulong sa atin upang maunawaan ang likas na katangian ng ating mga kaaway na espiritwal. Tinuturuan tayo nito kung paano labanan at mapagtagumpayan ang diyablo at ang kanyang mga panunukso. Purihin ang Diyos sa ating tagumpay laban kadiliman sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu Kristo! Habang ang mga Kristiyano ay hindi dapat mahumaling sa demonology, ang isang malinaw na pangunawa sa demonology ay makatutulong sa pagpawi sa ating mga takot, panatilihin tayong mapagmatyag, at paalalahanan tayo na manatiling malapit sa ating Panginoong Hesu Kristo. Sapakat nananahan sa ating mga puso ang Banal na Espiritu at ang "Espiritung nasa atin ay makapangyarihan kaysa espiritung nasa mga makasanlibutan" (1 Juan 4: 4).

Ang isang pangunahing teksto na may kaugnayan sa Christian demonology ay ang 2 Corinto 11:14-15, "Hindi ito dapat pagtakhan! Sapagkat si Satanas man ay maaaring magkunwaring anghel ng kaliwanagan. Kaya, hindi na kataka-taka na magkunwaring lingkod ng katuwiran ang kanyang mga lingkod. Ang kanilang kahihinatnan ay ayon lamang sa kanilang mga gawa."

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang Kristiyanong demonolohiya (Christian demonology) o pag-aaral sa mga demonyo?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries