settings icon
share icon
Tanong

Dapat bang mag-ikapu ang iglesya mula sa natatanggap nitong ikapu?

Sagot


Inutusan ang mga tao sa ilalim ng kautusan ng Lumang Tipan na magbigay ng ikapu (sa literal na kahulugan ay ikasampung bahagi) ng lahat ng kanilang tinatangkilik. Ang pagbibigay ng ikapu ay ang nararapat na tugon ng mga tao sa mga pagpapala sa kanila ng Diyos. Marami sa panahon ngayon ang nagtatanong kung nararapat pa rin ba para sa mga mananampalataya ang pagbibigay ng ikapu dahil wala na tayo sa ilalim ng kautusan. Bagamat hindi hiningan ng mga apostol ng eksaktong porsyento ang mga Iglesya sa Bagong Tipan, itinuturo naman nila ang prinsipyo ng pagbibigay ng naaayon sa laki ng tinatanggap mula sa Diyos (1 Corinto 16:2; 2 Corinto 8). Maraming mga mananampalataya ang itinuturing na ang pagbibigay ng ikapu ang tamang modelo sa pagbibigay sa Iglesya. Itinala din sa Bagong Tipan ang pangongolekta ng tulong mula sa mga iglesya upang gamitin sa ibang mga ministeryo ng Iglesya.

Bagamat hindi partikular na tinukoy sa alinmang talata ng Bibliya na dapat magbigay ang isang iglesya ng ikapu nito para sa ibang gawain bukod sa pangangaral ng Ebanghelyo, makikita na ang mga Iglesya sa Bagong Tipan ay sumusuporta sa iba pang mga gawain ng Iglesya sa komunidad habang pinagpapala sila ng Diyos. May mga iglesya na nagtatabi ng itinakdang halaga sa kanilang badyet para sa mga ministeryo sa labas ng iglesya bilang kanilang tugon sa mga pangangailangan ng mga tao sa kanilang paligid. Hindi na bago ang pagbibigay ng ikapu ng iglesya o anumang porsyento sa kabuuang badyet para sa pagmimisyon sa malalayong lugar, halimbawa. Hindi naman ito isang sapilitang gawain. Sa halip, nararapat na ito ay gawin sa diwa ng kagalakan bilang pasasalamat sa probisyon ng Panginoon sa Iglesya.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Dapat bang mag-ikapu ang iglesya mula sa natatanggap nitong ikapu?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries