settings icon
share icon
Tanong

Iba ba ang pananaw ng Diyos sa hindi sinasadyang kasalanan?

Sagot

Ang aklat ng Levitico ay nangangailangan ng iba't ibang mga pag-aalay batay sa kung ang kasalanan ay sinasadya o hindi sinasadya. Nangangahulugan ba ito na iba ang pananaw ng Diyos sa mga hindi sinasadyang kasalanan?

Hindi eksakto. Malinaw na ang Diyos ay gumawa ng pagkakaiba sa pagitan ng sinasadya at hindi sinasadyang mga kasalanan patungkol sa mga handog sa Lumang Tipan. Binabanggit sa Levitico 4:2-3 ang halimbawang ito: "Kapag ang sinuman ay nagkasala ng hindi sinasadya at ginawa ang ipinagbabawal sa alinman sa mga utos ng Panginoon—kung ang piniling saserdote ay nagdulot ng pagkakasala sa mga tao, dapat siyang magdala sa Panginoon ng isang batang toro na walang kapintasan bilang isang handog para sa kapatawaran ng kanyang kasalanan."

Ang ideya ng hindi sinasadyang kasalanan sa Levitico 4 ay nauugnay sa kasalanan sa pamamagitan ng pagkaligaw o aksidente. Sa mga kasong ito maaaring gawin ang pag-hahandog. Gayunman, walang handog na magagamit kapag ang isang tao ay sadyang nagkasala. Ayon sa Bilang 15:30-31, "Sinumang magkasala nang may pagsuway, maging katutubo o dayuhan ay lumalapastangan sa Panginoon at dapat na ihiwalay sa bayang Israel. Sapagka't kanilang hinamak ang salita ng Panginoon at nilabag ang kanyang mga utos, sila ay dapat itiwalag; ang kanilang kasalanan ay nananatili sa kanila." Ang naghimagsik sa paggawa ng sinadyang kasalanan ay dapat na itiwalag o ihiwalay sa mga tao.

Bagama't maaaring may pagkakaiba sa mga tuntunin ng mga kahihinatnan ng hindi sinasadya at sinasadyang mga kasalanan sa Lumang Tipan, malinaw sa Bibliya na ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos (Roma 3:23). Ang mga handog ng Lumang Tipan ay naglalarawan sa handog ni Hesu-Kristo ng Kanyang sarili bilang sakripisyo sa krus para sa ating mga kasalanan. Si Hesus ang sapat na kapalit para sa kapatawaran at buhay na walang hanggan.

Sa Juan 14:6 itinuro ni Jesus, "Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay. Walang sinumang makaparoroon sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko." Bagama't ang bawat tao ay nagkasala (maliban kay Hesus), mayroon tayong pagkakataon para sa kapatawaran at pagtubos mula sa kasalanan sa pamamagitan ng sakripisyo ni Hesus sa krus. Sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya, ang kaligtasan ay ating makakamtan (Efeso 2:8-9). Ito ay totoo sinasadya o hindi sinasadya ang kasalanan, kahit na ang isang tao ay naniniwala na siya ay nagkasala ng kaunti o nagkasala ng marami.

Maliwanag sa Kasulatan na ang sangkatauhan ay nilikhang mabuti ngunit makasalanan na ngayon bilang resulta ng pagkahulog ni Adan sa kasalanan (Genesis 3). Anuman ang uri o antas ng kasalanang ginawa ng isang tao, sapat na si Hesus para magpatawad at magbigay ng buhay na walang hanggan. Yaong mga tumatanggi sa Ebanghelyo, gaano man kalaki o gaano kaliit ang kasalanang nagawa nila ay mahihiwalay sa Diyos ng walang hanggan at makakaranas ng walang hanggang kaparusahan para sa kanilang mga kasalanan. Tinawag ng Diyos ang lahat ng tao na lumapit sa Kanya, sapagkat walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay upang mag-alay ng kaligtasan (Gawa 4:12).

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries