settings icon
share icon
Tanong

Kung ang homosekswalidad ay isang kasalanan, bakit hindi ito binanggit ni Hesus?

Sagot

Marami sa mga sumusuporta sa pagaasawa sa pagitan dalawang taong magkapareho ang kasarian at sa karapatan ng mga bakla ay nagsasabing, dahil hindi binanggit ni Hesus ang homosekswalidad, hindi ito itinuturing na isang kasalanan. Sa huli ang argumento ay, kung masama ang homosekswalidad, bakit hindi ito itinuring ni Hesus bilang isang mahalagang isyu?

Totoong teknikal na hindi partikular na tinukoy ni Jesus ang homosekswalidad sa mga tala ng Ebanghelyo; gayunman, malinaw na nagsalita Siya tungkol sa sekswalidad sa pangkalahatan. Tungkol sa pagaasawa, sinabi ni Hesus, "Sa simula'y ginawa silang lalaki at babae," at sinabi, "Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at magiging kasama niya ang kanyang asawa, at magiging isang laman sila. Kaya't hindi na sila dalawa, kundi iisa na silang laman. Kaya't ang pinagsama ng Diyos, huwag nang itakwil ng tao" (Mateo 19:4–6). Dito ay malinaw na tinukoy ni Jesus sina Adan at Eba at pinagtibay ang disenyo ng Diyos para sa kasal at sekswalidad.

Para sa mga sumusunod kay Hesus, ang mga gawaing sekswal ay limitado. Sa halip na tanggapin ng maluwag ang pananaw sa sekswal na imoralidad at diborsyo, kinumpirma ni Hesus na ang mga tao ay maaaring maging walang asawa o kasal at tapat sa isang asawa na kabilang sa ibang kasarian. Itinuring ni Hesus na makasalanan ang anumang iba pang pagpapahayag ng sekswalidad. Kabilang dito ang sekswal na aktibidad ng magkapareho ang kasarian.

Gayundin, paniniwalaan ba natin na ang isang gawain ay mabuti maliban kung ito ay hindi ipinagbawal ni Hesus? Ang layunin ng ebanghelyo ay hindi para magbigay sa atin ng komprehensibong talaan ng mga makasalanang gawain at ang ilan sa mga ito ay hindi malinaw na tinukoy ni Hesus. Gaya ng kidnapping halimbawa. Hindi kailanman partikular na sinabi ni Jesus na ang pagkidnap ay isang kasalanan ngunit alam natin na kasalanan ang pagnanakaw ng mga bata o kahit matanda. Ang punto ay hindi kailangan ni Hesus na isa-isahin ang mga kasalanan, lumalabas na ang nilalaman ng Kasulatan ay walang duda na ang homosekswalidad ay itinuturing na kasalanan.

Malinaw sa Kasulatan na ang mga tagasunod ni Hesus ay dapat lumayo sa sekswal na imoralidad: "Tumakas kayo sa sekswal na imoralidad. Ang ibang kasalanan ng isang tao ay sa labas ng katawan, ngunit sinumang nagkakasala ng sekswal, nagkakasala laban sa kanyang sariling katawan" (1 Corinto 6:18). Ang sekswal na imoralidad, gawain man ng parehong kasarian o iba pa ay isang kasalanan laban sa sariling katawan ng isang tao.

Mahalagang tandaan na ang sekswal na imoralidad, kabilang ang aktibidad ng magkapareho ang kasarian, ay nakalista kasama ng iba pang mga kasalanan sa Banal na Kasulatan na nagpapahiwatig na ang Diyos ay hindi nagkukumpara ng isang kasalanan na mas mabigat kaysa sa iba. Habang ang mga konsekwensya ng ilang mga kasalanan ay mas malaki kaysa sa iba, ang Kasulatan ay kadalasang naglilista ng mga kasalanan nang magkakasama. Halimbawa, sinabi ni Hesus na ang masasamang pag-iisip ay nagmumula sa puso, kasama na ang pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagsaksi sa hindi katotohanan, at paninirang-puri (Mateo 15:19-20; tingnan din ang Roma 1:24-33).

Ang Bibliya ay nagtuturo na ang mga tagasunod ni Hesus ay dapat magsagawa ng sekswal na kadalisayan kabilang ang pag-iwas sa sekswal na aktibidad ng magkapareho ang kasarian. Dagdag pa dito, ang mga hindi mananampalataya na nagsasagawa ng homosekswalidad ay nangangailangan din ng kaligtasan tulad ng ibang hindi mananampalataya. Tinatawag ang mga Kristiyano na manalangin para sa mga hindi nakakakilala kay Kristo, maglingkod ng may pag-ibig, at ibahagi ang mensahe ni Hesus sa lahat, kabilang ang mga nasasangkot sa homosekswalidad.

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries