settings icon
share icon
Tanong

Gaano na katanda ang Bibliya?

Sagot


Dahil ang Bibliya ay isinulat ng halos 40 iba’t ibang manunulat sa loob ng humigit-kumulang na 1,500 taon, ang katanungang “Gaano na katanda ang Bibliya” ay hindi maaring basta sagutin ng isang numero. Ang unang mga aklat sa Bibliya na naisulat ay maaaring ang mga aklat ng Genesis at Job na nakumpleto noong mga 1400 BC. Ang huling aklat sa Bibliya na naisulat ay ang aklat ng Pahayag na nakumpleto noong mga AD 90. Kaya. Kung susundin ang edad ng unang aklat, ang Bibliya ay 3,400 taon na. Ngunit, kung susundin ang taon kung kailan nakumpleto ang buong Bibliya, ang Bibliya ay mahigit sa 1,900 na taon na.

Karamihan ng mga konserbatibong iskolar ng Bibliya ay naniniwala na alinman sa aklat ng Genesis o Job ang pinakaunang aklat ng Bibliya na isinulat ng manunulat na si Moises, maaaring noong siya ay naging pastol sa ilang bago ang pagtakas ng mga Israelita sa Egipto at bago siya namatay. Kung ito ang susunding pamantayan, ang taon ng pagkasulat sa dalawang aklat na ito ay sa pagitan ng 1450 BC at 1400 BC.

Gayundin, higit na nakararaming konserbatibong iskolar ng Bibliya ang naniniwala na ang aklat ng Pahayag ang pinakahuling aklat ng Bibliya na naisulat ng manunulat na si Apostol Juan sa pagitan ng AD 90 at 95, noong si Juan ay ipinatapon sa isla ng Patmos. Posible na isinulat ni Juan ang 1, 2, at 3 Juan, maging ang Ebanghelyo ni Juan pagkatapos niyang isulat ang Aklat ng Pahayag. Ngunit ang pinagkakasunduan ng nakararami ay ang Aklat ng Pahayag ang pinakahuli sa mga aklat na isinulat ni Juan.

Tunay na ang Bibliya ay isang kamangha-manghang aklat. Ang Bibliya ay may edad na 1,900 hanggang 3,400 taon at nakaimpluwensya sa napakaraming tao at kultura sa buong mundo. Kahit ito ay napakatagal na, ang mensahe ng Bibliya ay ganap pa ring totoo at napapanahon sa kasalukuyan. Sa pamamagitan lamang ng pagkasi ng Diyos naisulat ang Bibliya sa loob ng napakahabang panahon ng walang pagkakamali at pagsasalungatan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Gaano na katanda ang Bibliya?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries