settings icon
share icon
Tanong

Bakit pinayagan ng Diyos na magkasala si Satanas ang ang mga demonyo?

Sagot


Parehong binigyan ng Diyos ang mga anghel at ang mga tao ng kalayaang mamili. Kahit na hindi malinaw na ipinahayag ng Bibliya ang maraming detalye tungkol sa pagrerebelde ni Satanas at ng mga demonyo, may mga palatandaan na maaaring si Satanas ay ang dating pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga anghel ng Diyos (Ezekiel 28:12-18). Dahil sa kanyang pagmamataas, pinili niyang magrebelde laban sa Diyos sa pagnanais na siya ang maging diyos. Hindi ninais ni Satanas (Lucifer) na purihin at patuloy na sundin ang Diyos sa halip ginusto niyang siya ang maging diyos (Isaias 14:12-14). Ang Pahayag 12:4 ay naglalarawan tungkol sa ikatlong porsyento ng bilang ng mga anghel na piniling sumunod kay Satanas sa kanyang paglaban sa Diyos. Sila ang nagkasalang mga anghel na tinatawag ding mga demonyo.

Gayunman hindi gaya ng tao, ang desisyon ng mga anghel na hindi sumunod sa Diyos o manatiling tapat sa Diyos ay may eternal na konsekwensya. Hindi binibigyan ng pagkakataon ng Bibliya ang mga demonyo na magsisi at mapatawad. Hindi rin nagbigay ng pahayag ang Bibliya kung posible pa na magkasala ang mga natitirang anghel na tapat sa Diyos. Ang mga anghel na nanatiling tapat sa Diyos ay inilarawan bilang "mga anghel na hinirang" (1 Timoteo 5:21). Alam ni Satanas at ng mga demonyo ang maluwalhating kalagayan ng Diyos. Ang magrebelde sa Diyos sa kabila ng kanilang kaalaman dito ang siyang pinakamalaking kasalanan. Bilang resulta, hindi binigyan ng Diyos si Satanas at ang mga demonyo ng pagkakataong makapagsisi. Maliban dito, hindi rin tayo binibigyan ng Bibliya ng dahilan upang maniwala na magsisisi sila kung sakali mang bigyan sila ng Diyos ng pagkakataong magsisi (1 Pedro 5:8). Binigyan si Satanas at ang lahat ng mga anghel ng parehong kalayaan na mayroon si Adan at Eba. Mayroon silang kalayaang mamili kung ano ang tama at mali; hindi sila pinilit o hinimok man ng Diyos na magkasala. Nagkasala si Satanas at ang mga demonyo dahil ginamit nila ang kanilang kalayaang mamili at dahil dito sila'y karapatdapat na magdanas ng poot ng Diyos sa lawa ng apoy.

Bakit binigyan ng Diyos ang mga anghel ng kalayaang mamili kung alam Niya ang kanilang magiging desisyon? Alam ng Diyos na ang ikatlong porsyento ng bilang ng mga anghel ay magrerebelde laban sa Kanya at dahil dito, sila ay susumpain sa walang hanggang apoy. Alam din ng Diyos na palalawigin pa ni Satanas ang kanyang pagkakasala sa pamamagitan ng pagtukso sa tao na magkasala. Bakit hinayaan ng Diyos na mangyari ito? Hindi ibinigay sa atin ng Bibliya ang malinaw na kasagutan sa katanungang ito. Ganito rin ang masasabi sa lahat ng kasalanang ginagawa ng tao. Bakit pinahintulutan ng Diyos na magkasala ang tao? Sa huli, babalik din ang sagot sa walang hanggang kapamahalaan ng Diyos sa lahat ng Kanyang mga nilikha. Sinasabi sa atin ng Mangaawit, "Ang Diyos na ito ay ganap ang gawa" (Awit 18:30). Kung ang gawa ng Diyos ay ‘ganap,’ mapagkakatiwalaan natin na anuman ang Kanyang ginagawa at pinahihintulutang mangyari ay ganap din naman. Kaya ang perpektong plano ng perpektong Diyos para sa atin ay ang pahintulutan tayong magkasala. Ang ating isipan ay hindi isipan ng Diyos at ang ating mga paraan ay hindi gaya ng Kanyang mga paraan. Ito ang paalala sa atin sa Isaias 55:8-9.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Bakit pinayagan ng Diyos na magkasala si Satanas ang ang mga demonyo?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries