settings icon
share icon
Tanong

Opyum ba ang relihiyon para sa masa?

Sagot


Ang pagtatak sa Kristiyanismo (at ibang relihiyon) bilang “opyum para sa mga tao” o “gamot na pampalimot sa masa” ay isang pangkaraniwang taktika na ginagamit ng mga taong tumututol sa relihiyon. Ang pagtawag sa relihiyon sa ganitong paraan ng hindi nakikipagdiskusyon sa mga lider ng relihiyon ay isang paraan upang siraan ang relihiyon. Hindi si Karl Marx ang unang gumamit ng ganitong tawag sa relihiyon, ngunit siya ang unang naiisip ng maraming tao kung ginagamit ang ganitong pagatake sa relihiyon. Ikinakatwiran ni Marx na nagbibigay ang relihiyon sa mga tao ng artipisyal at hindi totoong kasiyahan - gaya ng ginagawa ng ipinagbabawal na gamot sa isang durugista - at isang sangkap sa pagtatayo ng isang maunlad na sosyedad ang pagpapalaya sa mga tao mula sa hindi makatotohanang ilusyong ito.

Pangunahing nagsimula kay Marx, ginagamit ng mga ateista (mga hindi naniniwala sa Diyos) ang akusasyon na ang Kristiyanismo ay “opyum para sa masa.” Dahil tinatanggihan nila ang pagkakaroon ng Diyos, kinakailangan nilang ipaliwanag ang patuloy na pamamalagi ng relihiyon. Hindi nila nakikita ang pangangailangan ng tao ng relihiyon kaya hindi nila nauunawaan ang pangangailangan ng ibang tao ng relihiyon. Hindi partikular na tinutukoy ni Marx ang Kristiyanismo sa kanyang pagtanggi sa relihiyon. Sa halip, tinututulan niya ang relihiyon sa pangkalahatan sa pamamagitan ng paggamit sa salitang “mga tao” o “masa” sa isang mapanirang paraan upang tukuyin ang mahihrap, mga mangmang, at mga taong madaling malinlang. Ang esensyal na argumento ng terminolohiyang “opyum para sa masa” ay nagsasaad na ang relihiyon ay para lamang sa mahina ang isip at mga taong emosyonal na nangangailangan ng tulong upang mabuhay sa mundo. Ginagamit din ng mga ateista ang ganitong akusasyon katulad ng ideya na ang Diyos ay isa lamang “kuwentong pambata na gusto ng matatanda.”

Kaya, ang relihiyon ba ay isa lamang “opyum para sa masa?” Wala bang nagagawa ang relihiyon kundi magbigay ng emosyonal na tulong para sa mga taong mahina ang pagiisip? Sinasagot ng ilang simpleng katotohanan ang tanong na ito ng umaalingawngaw na “Hindi!” (1) May malakas na lohikal, siyentipiko, at pilosopikal na argumento para sa pagiral ng Diyos. (2) Malinaw na makikita sa buong mundo ang katotohanan na makasalanan ang tao at nangangailangan ng kaligtasan (ang pangunahing mensahe ng relihiyon). (3) Sa kasaysayan ng sangkatauhan, nakararami sa mga matatalinong manunulat at intelektwal ang naniniwala sa Diyos. May mga tao bang ginagamit ang relihiyon na tulad sa isang saklay? Oo. Nangangahulugan ba ito na hindi totoo ang mga inaangkin ng relihyion? Hindi. Ang relihiyon ay natural na tugon ng tao sa mga ebidensya ng pagkakaroon ng Diyos at ng pagkilala na makasalanan ang tao at nangangailangan ng kaligtasan.

Gayundin naman, dapat nating pagbukurin ang mga hidwang relihiyon na nagbibigay ng huwad na katiyakan - gaya ng opyum na nagbibigay ng huwad na kasiyahan at ang Kristiyanismo na tanging tunay na relihiyon at ang tanging tunay na pag-asa ng sangkatauhan. Nakabase ang huwad na relihiyon sa ideya na kaya ng tao na paging dapatin ang sarili sa Diyos sa pamamagitan ng ilang uri ng gawa at pagsisikap (mabubuting gawa). Tanging ang Kristiyanismo lamang ang kumikilala na ang tao ay “patay dahil sa kanilang pagsuway at kasalanan” at walang kakayahan sa kayang sarili na gumawa ng anumang bagay na katanggap-tanggap sa Diyos. Tanging ang Kristiyanismo lamang ang nagaalok ng solusyon para sa ganap na kawalang kakayahan ng tao - ang paghalili ni Kristo sa makasalanan sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus. English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Opyum ba ang relihiyon para sa masa?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries