settings icon
share icon
Tanong

Bakit napakaraming ateista (taong hindi naniniwala sa Diyos)?

Sagot


Bago natin talakayin ang ateismo, dapat muna natin itong bigyan ng kahulugan. Ayon sa isang opisyal na website ng mga ateista, binigyan nila ng pakahulugan ang kanilang sarili sa ganitong paraan: “Hindi pagtanggi sa paniniwala sa Diyos ang ateismo; ito ay kakulangan ng paniniwala sa mga diyos.” Pinipili ng mga nagpapakilala bilang ateista na bigyang diin ang kanilang kakulangan ng paniniwala sa Diyos sa halip na ang kanilang pagtanggi sa paniniwala sa Diyos. Itinuturing nila na higit na mataas ang antas ng kanilang karunungan kaysa sa mga taong naniniwala sa Diyos. Gayunman, sinasalungat ng pakahulugang ito ang pananaw ng Bibliya na nagsasaad ng ganito, “Sinabi ng mangmang sa kanyang puso, “Wala namang Diyos” (Awit 14:1; 5:3). Dahil sumasang-ayon ang mga ateista sa mga naniniwala sa Diyos na may kalayaan ang tao na pumili kung ano ang kanilang nais isipin o paniwalaan, papakahuluganan natin ang ateismo sa artikulong ito sa ganitong paraan: ang pagpili na hindi maniwala sa anumang uri ng mataas na persona o isang diyos kung kanino magbibigay sulit ang sangkatauhan.

Ipinapakita ng istatika ang pagtaas ng bilang ng ateismo sa mga bansa ma may malakas na impluwensya ng Kristiyanismo sa kasaysayan. Kasama sa istatikang ito ang mga taong lumaki sa mga Kristiyanong pamilya. Kasama din sa istatikang ito ang mga kabilang sa mga pamilyang walang kinikilalang Diyos ngunit ipinapakita din ng istatika ang nakaka-alarmang paglago ng ateismo sa mga taong minsan ay nakabilang sa isang grupo ng pananampalataya. Kung nakakarinig tayo ng mga balita tungkol sa isang prominenteng pigura sa Kristiyanismo na itinatakwil ang pananampalataya na minsan niyang niyakap, nagtatanong tayo ng ganito: “Bakit?” Bakit napakaraming tao ang humihinto sa kanilang pananampalataya sa Diyos gayong napakaraming ebidensya ng Kanyang pagiral sa Kanyang mga nilikha (Awit 19:1; 97:6; Roma 1:20)?” Kinikilala ng bawat kultura ang isang “Manlilikha” kaya bakit napakaraming tao ang nagsasabi na wala naman talagang Diyos?

May ilang kadahilanan kung bakit ipinapakilala ng isang tao na isa siyang ateista. Ang unang dahilan ay kakulangan ng kaalaman. Dahil sa kakulangan ng tamang impormasyon, maaaring isipin ng isang tao na walang anumang bagay o persona maliban sa mundo at sa kanyang karanasan dito. Dahil napakarami pa ang hindi nalalaman ng tao, kalimitang nagiimbento ang tao ng mga bagay-bagay gamit ang sariling haka-haka at ideya. Lagi itong nagreresulta kung hindi man sa ateismo, ay sa huwad na relihiyon. Laging nasasamahan ang napakagulong impormasyon tungkol sa Diyos ng mitolohiya, alamat o kaya nama’y anumang supernatural na sukdulang gaya ng mga kuwentong pambata. Dahil sa pagkamulat sa magulong katuruan, may mga tao na nagdesisyon na na wala silang paniniwalaang katotohanan sa alinman sa kanilang naririnig at sinaraduhan na ang isip sa katotohanan.

Ang pagkatisod ang isa sa mga dahilan kung bakit may mga tao na nagiging ateista. Dahil sa mga negatibong karanasan, gaya ng panalanging hindi tinugon o pagkakilala sa mga ipokrito na dumadalo sa Kristiyanong iglesya, maaaring magdesisyon ang isang tao na wala talagang Diyos. Ang desisyong ito ay maaaring bunsod ng galit o sama ng loob. Sinasabi ng mga taong ito na kung talagang may Diyos, bakit hindi namumuhay ang mga naniniwala sa Kanya gaya ng Kanyang inaasahan sa kanila ng Diyos? Maaari silang malito sa mga kumplikadong konsepto gaya ng impiyerno, pag-uutos ng Diyos na patayin ang isang buong lahi sa Lumang Tipan o buhay na walang hanggan at magdesisyon na dahil sa mahihirap na unawaing konseptong ito na ang Diyos ng Bibliya ay napakagulo para maunawaan. Ang pagkatisod ang nagtutulak sa tao na humanap ng kasiyahan sa mga bagay na nakikita sa halip na sa hindi nakikitang Diyos. Upang maisawan ang posibilidad ng kabiguan. Itinatakwil nila ang pananampalataya at pinaninindigan na hindi umiiral ang Diyos.

Halos katulad ng mga natisod sa relihiyon ang mga ateista na sa katotohanan ay lumalaban sa Diyos. Nagtatago lamang sila sa tawag na ateista upang hindi mahalata ang kanilang malalim na pagkapoot sa Diyos. Kalimitang dahil ito sa isang masakit na karanasan noong sila’y bata pa o dahil sa pangaabuso ng mga tao sa pangalan ng relihiyon. Ang mga taong ito ay laging lumalaban sa lahat ng bagay patungkol sa relihiyon. Ang tanging paraan upang makaganti sila sa Diyos na kanilang itinuturing na malupit ay ang tanggihan Siya ng marahas. Nagiwan sa kanila ng malalim na sugat ang kanilang karanasan sa nakaraan na anupa’t mas madali para sa kanila na tanggihan ang realidad ng Diyos kaysa amining galit sila sa Diyos. Hindi kabilang sa grupong ito ang mga totoong ateista, dahil kinikilala nila na ang pagkagalit sa Diyos ay paniniwala sa Kanyang pagiral. Ngunit sa katotohanan, maraming tao ang tinatawag ang kanilang sarili na ateista habang nagpapahayag din naman ng lantarang pagkagalit sa Diyos na pinaniniwalaan nilang hindi umiiral.

Mayroon din namang tinatanggihan ang ideya ng Diyos dahil nais nila na mas madali Siyang matagpuan. Nang tanungin ang kilalang ateista na si Richard Dawkins ng ganito, “Ano ang iyong sasabihin sa Diyos kung makaharap mo Siya pagkatapos mong mamatay?” Ito ang kanyang sagot, “Sasabihin ko sa Kanya, “Bakit pinahirapan Mo ang Iyong sarili upang itago ang Iyong sarili?” May mga tao na pinagtatawanan ang katotohanan na ang Diyos ay Espiritu, hindi nakikita at matatagpuan sa pamamagitan lamang ng pananampalataya (Hebreo 11:6; Jeremias 29:13). Iniisip nila na obligasyon ng Diyos na magpakita ng mga ebidensya ng higit sa Kanyang ibinigay ng sagana (Awit 19:1; 102:25; Roma 1:20). Hinarap ni Hesus ang ganitong saloobin ng bumaba Siya dito sa mundo. Sa Markos 8, kapapakain lamang ni Hesus ng apat na libong tao sa pamamagitan ng walong tinapay at ilang pirasong isda. Ngunit pumunta sa Kanya ang mga matatalino at mayayamang tao at hiniling na magpakita Siya ng himala upang patunayan kung Siya nga ang Mesiyas (v. 11). Inilarawan ni Hesus ang katigasan ng kanilang puso sa Kanyang talinghaga tungkol sa isang lalaking mayaman na pumunta sa impiyerno na humiling kay Abraham na ipadala sa lupa si Lazaro upang babalaan ang kanyang mga kapatid tungkol sa pagdurusang naghihintay sa kanila pagkatapos ng kamatayan (Lukas 16:19–31). Mula sa langit sumagot si Abraham, “Kung di nila pinakikinggan si Moises at ang mga propeta, ay di rin mangahihikayat sila, kahit ang isa'y magbangon sa mga patay” (Lukas 16:31).

Ang pinakamalapit na paliwanag sa patuloy na pagdami ng mga ateista ay ang parehong dahilan ng pagbagsak ng tao sa kasalanan sa hardin ng Eden (Genesis 3:6; Roma 3:23). Ang mismong dahilan ng pagbagsak ng tao sa kasalanan ay ang labis na pagtitiwala sa sarili. Dahil sa kanilang pagtanggi sa pagiral ng Diyos, magagawa ng mga ateista ang lahat ng nais nilang gawin ng walang pakialam sa darating na paghuhukom at sa walang hanggang parusa ng Diyos sa makasalanan (Mateo 12:36; Roma14:12; 1 Pedro 4:5; Hebreo 4:13). Sa ika-21 siglo, naging katanggap-tanggap na sa kultura ang pagsamba sa sarili. Umaakit ang ateismo sa henerasyon na pinalaki sa teorya ng ebolusyon at relatibismong moral. Sinasabi sa Juan 3:19, “… At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka't masasama ang kanilang mga gawa.” Kung nilikha ng tao ang kanyang sarili, itinakda ang mangyayari sa kanyang sarili, at isang makasarili, wala sa kanyang moral na batas o tagapagbigay ng kautusan na pagsusulitan niya ng kanyang mga ginawa. Sa pagyakap sa ganitong pananaw, maitutuon ng isang ateista ang kanyang pansin sa paghahanap ng kasiyahan dito lamang sa buhay na ito.

Habang itinuturo ng mga siyentipiko, mga propesor sa kolehiyo, at mga pilosopo ang kanilang pananaw na maka-ateista na katulad sa katotohanan at karunungan, patuloy na paniniwalaan ng mga tao ang ateismo dahil kaakit-akit ang ideya ng paghahari sa sarili para sa mga makasalanan. Hindi na bago ang ganitong saloobin, ngunit ginagawa itong katanggap-tanggap ng makabagong kultura. Idinetalye sa Roma 1:18–31ang mga resulta ng pagtanggi sa awtoridad ng Diyos. Sinasabi sa talata 28, “At palibhasa'y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios, ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pagiisip, upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat.” Nakikita sa mundo ang resulta ng ating pagiging makasalanan. Ang tinatawag ng mga ateista na karunungan, ay tinatawag ng Diyos na kamangmangan. Sinasabi sa Roma 1:22, “Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang.” Dahil ang pagkatakot sa Diyos ay pasimula ng karunungan” (Awit 111:10; Kawikaan 1:7; 9:10), ang pagtanggi sa Kanya (ateismo) ay pasimula ng kamangmangan. English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Bakit napakaraming ateista (taong hindi naniniwala sa Diyos)?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries