settings icon
share icon
Tanong

Ano ang arumentong moral para sa pagkakaroon ng Diyos?

Sagot


Nagsisimula ang argumentong moral sa katotohanan na may kinikilalang pamantayan ng moralidad (na may mga bagay na tama at may mga bagay na masama) ang lahat ng tao sa mundo. Sa tuwing magkakaroon ng argumento kung ano ang tama at mali, umaapela tayo sa isang mas mataas na batas na ipinagpapalagay nating alam ng lahat, pinaniniwalaan ng lahat at wala tayong kakayahan at kalayaang baguhin. Ipinahihiwatig ng tama at mali ang isang nakatataas na pamantayan ng kautusan, na nangangailangan ng isang pangkalahatang Tagapagbigay noon. Dahil sumasalahat ng tao at kultura ang pamantayan ng moralidad, nangangailangan ang pangkalahatang batas na ito ng isang Tagapagbigay na sumasalahat din naman. Ang Tagapagbigay ng batas na ito ay walang iba kundi ang Diyos.

Bilang suporta sa argumentong moral, nalalaman natin na may sinusunod ding moral na batas ang lahat ng kultura kahit na ang pinakamalayong tribo na nakahiwalay sa sibilisasyon. Bagama’t tiyak na may pagkakaiba sa mga kautusang sibil ang iba’t ibang kultura, pinupuri ang mga katangiang gaya ng katapangan at katapatan at itinatakwil naman ang masasamang gawa gaya ng kasakiman at kaduwagan sa halos lahat ng sosyedad. Kung responsable ang tao sa paglikha ng mga batas na ito, tiyak na magkakaiba-iba ang mga ito gaya ng ibang mga bagay na inimbento ng tao. Bilang karagdagan, napakadalang na may mga taong nakasunod sa kanilang sariling pamantayan ng moralidad. Saan ngayon natin nakuha ang ideya at pamantayan ng moralidad na dapat nating ipamuhay? Sinasabi sa Roma 2:14,15 na ang moralidad o konsensya ay nagmula sa isang Tagapagbigay ng Kautusan na mas mataas ang awtoridad kaysa sa tao. Ito ang dahilan kung bakit nakakakita tayo sa ibang grupo ng tao ng ng mga batas na kapareho ng mga batas na ating sinusunod sa ating sariling sosyedad. Ang Tagapagbigay sa tao ng pangkalahatang pamantayan ng moralidad ay walang iba kundi ay ang iisang Diyos.

Sa isang negatibong pahayag, hindi nagbibigay ang ateismo (paniniwala na walang Diyos) ng basehan at pamantayan ng moralidad, walang ibinibigay na pag-asa at walang kahulugan para sa buhay sa lupa. Habang hindi napapabulaanan ng argumentong ito ang ateismo, kung nabigong ipakita ng isang lohikal na sistema ng paniniwala ang anumang bagay na normal na alam nating totoo, dapat iyong isantabi. Kung walang Diyos, walang magiging basehan at pamantayan ng moralidad ang tao, walang buhay, at walang dahilan para mabuhay sa mundong ito. Ngunit umiiral ang lahat ng ito dahil totoong may Diyos. Ito ang argumentong moral para sa pagkakaroon ng Diyos. English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang arumentong moral para sa pagkakaroon ng Diyos?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries