Tanong
Bakit takot ang mga Kristiyano sa mga bakla/tomboy (homophobia)?
Sagot
Ang homophobia ay pagkatakot sa bakla/tomboy. Ngunit ang kahulugan nito ay pinalawak at naging pagkagalit sa mga bakla/tomboy. Ang pagiging homophobic o ang pagkatakot/pagkagalit sa bakla/tomboy ay nakikita sa panlabas na paguugali ng tao dahil sa kanilang nararamdaman para sa mga bakla/tomboy. Ito ang nagiging dahilan minsan ng karahasan o pagpapakita ng galit sa mga homosekswal. Ang totoo, hindi lamang makikita ang homophobia o pagkatakot/pagkagalit sa mga bakla/tomboy sa isang sektor ng lipunan. Makikita din ito sa lahat ng uri ng tao. May mga grupo pa nga na tahasang inaatake ang mga bakla/tomboy at gumagamit ng mga masasamang pananalita sa pagnanais na usigin at takutin ang mga bakla/tomboy.
Madalas na may mga Kristiyanong natatakot/nagagalit sa mga bakla/tomboy dahil sa simpleng dahilan na kanilang kinokondena ang kanilang mga makasalanang gawain. Ngunit ang totoo, ang salitang homophobic ay isa lamang salita na ginagamit ng mga aktibistang homosekswal at ng kanilang mga tagasuporta upang ilihis ang isyu ng tunay na kritisismo sa isang imoral at masamang gawain. Walang pagdududa na may mga tao at organisasyon na may sobrang pagkamuhi sa mga homosekswal at handang gumamit ng dahas upang pahirapan ang mga ito. Gayunman, ang problema ay inaakusahan ng mga aktibistang pabor sa mga bakla/tomboy ng pagkamuhi sa mga bakla/tomboy ang sinumang lumalaban sa homosekswalidad. Dahil dito, ang mga Kristiyano na itinuturing na kasalanan ang mga gawain ng mga bakla at tomboy ay itinuturing na mga bayolenteng tao na may diperensya sa pagiisip na nagagalit ng walang kadahilanan.
Habang kinokondena ng Bibliya ang homosekswalidad, hindi naman nito itinuturo na dapat na kamuhian ang mga taong homosekswal. Bilang mga Kristiyano dapat tayong magsalita laban sa mga gawain ng mga homosekswal. Malinaw ang pagkondena ng Bibliya sa homosekswalidad gayundin ang poot ng Diyos sa mga taong nagsasanay ng mga homosekswal na gawain. Bilang mga Kristiyano, tinawag tayo upang tawagin ang kasalanan na kasalanan. Ang paggamit ng salitang “homophobic” upang tukuyin ang sinuman na lumalaban sa homosekswalidad ay panglito lamang, hindi isang makatwirang argumento at hindi tamang paglalarawan. Isa lamang ang kinatatakutan ng mga Kristiyano para sa mga homosekswal, ang takot na maghirap sila sa walang hanggang apoy dahil sa kanilang desisyon na tanggihan ang tanging daan sa kaligtasan – ang Panginoong Hesu Kristo na nagaalok ng tanging pag-asa upang makatakas mula sa isang nakahihiya at mapaminsalang pamumuhay.
English
Bakit takot ang mga Kristiyano sa mga bakla/tomboy (homophobia)?