settings icon
share icon
Tanong

Kinokontrol ba ng Bibliya ang pagiisip ng tao?

Sagot


Inaakusahan ng ilan ang mga Kristiyano sa paggamit ng Bibliya bilang kasangkapan upang kontrolin ang isip ng tao. Sinasabi nila na ang tanging paraan upang magtayo ng simbahan at panatilihin ang mga miyembro ay ang paggamit ng mga taktika upang pwersahin ang mga tao na magbago ang uri ng pamumuhay at paguugali. Walang basehan ang akusasyong ito, ngunit kailangang ipaliwanag sa ibang paraan sa mga taong hindi nakakaunawa sa kapangyarihan ng Banal na Espritu ang dahilan ng pagbabago ng buhay ng taong na kay Kristo.

Habang totoo na may mga kulto na nagaangkin ng pagiging Kristiyano ang nagsasanay ng iba’t ibang uri ng taktika upang kontrolin ang isip ng tao, hindi ito ginagawa ng totoong Kristiyanismo sa anumang paraan. Ninanais ng mga pastor na umiibig sa Panginoon na palaguin, patibayin, at protektahan ang kanilang kongregasyon (Juan 21:15-19). Dapat na maglingkod ang mga lider sa iglesya ng buong pagpapakumbaba at hindi dahil sa pansariling interes, na walang anumang layunin na makinabang sa kanilang nasasakupan (1 Pedro 5:2-3). Kaya nga hindi ginagamit ng mga tunay na Kristiyano ang Bibliya upang kontrolin ang isip ng mga tao at hindi isinusulong ang pagkontrol sa isip ng tao upang mapasunod sila sa kanilang anumang maibigan.

Gayunman, binabanggit din sa Bibliya ang pagkontrol sa isip ng tao. Kinapapalooban ang pagsisisi ng pagbabago ng isip. Ang mga Kristiyano ay mga taong “binago ang diwa at pagiisip” (Efeso 4:23). Dapat na iisa ang kanilang pagiisip upang maiwasan ang pagaaway-away (Filipos 2:2). Binigyan sila ng isipan ni Kristo (1 Corinto 2:16). Ang resulta ay isang binagong paguugali at pagiisip — sa katotohanan sila’y naging ganap na mga bagong nilalang (2 Corinto 5:17). Ang pagbabagong ito ay hindi dahil sa isang mapanlinlang na taktika ng isang grupo o resulta ng isang kapaligiran na maingat na kinontrol upang mapasunod ang mga tao. Ang pagbabagong ito ay panloob, espiritwal, at totoo. Bunga ito ng gawa ng Banal na Espiritu, hindi ng tao (Tito 3:5).

Nagtataglay ang tao ng makasalanang kalikasan na kanilang minana kay Adan (Roma 5:12). Kinontrol ang tao ng makasalanang kalikasang ito at ito ang dahilan ng iba’t ibang kasalanan na nahahayag sa kanyang buhay (Galacia 5:1721; Efeso 5:1719). Dahil Kontrolado ng makasalanang kalikasang ito, walang kakayahan ang tao na maunawaan ang Diyos at makapagbigay lugod sa Kanya (Roma 5:10; 8:57). Sinasabi ng Bibliya na kontrolado ang tao ng makasalanang kalikasan at nangangailangan siya ng isang bagong kalikasan at kalayaan mula sa kapangyarihan ng kasalanan. Tumanggap ng bagong kalikasan (2 Pedro 1:4) ang isang taong tinanggap ng Diyos bilang kanyang anak at pinananahanan siya ng Banal na Espiritu na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan upang tumanggi sa kasalanan at makapamuhay ayon sa katuwiran ng Diyos (Galacia5:16; Roma 6:12-23). Pinalaya na sa kasalanan ang isang taong sumampalataya kay Kristo (Juan 8:32). Hindi na siya obligadong sundin ang idinidikta ng kanyang makasalanang kalikasan dahil mayroon na siyang kalayaan na gawin ang nais ng Diyos at luwalhatiin Siya sa kanyang buhay.

Hindi pangkontrol ng isip ang Bibliya. Sa halip, ipinagkakaloob ng Bibliya ang isang pagpipilian maliban sa isang buhay na nasa ilalim ng kontrol ng kasalanan. Ipinapakita sa atin ng Bibliya kung paano tayo makokontrol ng Banal na Espiritu. Oo, magkakaroon ang isang mananampalataya ng isang bagong pagiisip at tatanggihan niya ang mga kasinungalingan na minsan niyang pinaniwalaan at yayakapin ang katotohanang na kay Kristo. Magkakaroon ang isang mananampalatayang puspos ng Banal na Espiritu ng isang buhay na puno ng pakikipagsapalaran kasama ang Diyos - isang buhay na malayang naglilingkod sa Kanya ng may kasiglahan, walang hanggang kasiyahan at pag-asa. English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Kinokontrol ba ng Bibliya ang pagiisip ng tao?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries